Chapter 1

3.2K 142 14
                                    



"Saan ka ba nagmana bata ka?! Imbis na asikasuhin mo ang magiging kurso mo sa kolehiyo, pag-fafans club ang inaatupag mo?"

Pina-ikot lamang ni Gelyn ang kanyang mga mata ng marinig ang maagang seremonyas ng kanyang ina.

Araw-araw nalang siya nito pinapagalitan at pinapa-ngaralan.

"Aba huwag mo akong ma-irap irapan diyan!"

Napabuntong hininga nalang siya. Nag aarala naman siya ng mabuti. Wala naman siyang binabagsak na subject at pasado naman lahat ng grado niya. Ngunit hindi padin iyon sapat sa kanyang magulang.

Gusto kasi ng mga ito matulad siya sa kanyang mga nakakatandang kapatid. Mga pawang guro din ang mga ito at nirerespeto sa kanilang lugar.

"Ma hindi po ako umi-irap. Pina-ikot ko lang ang eyeballs ko" Depensa niya bago siya tuluyan lumabas ng kanilang bahay upang pumasok sa skwelahan.

Narinig niya pa ang sigaw ng kanyang ina kaya napahagikgik nalang siya. Hindi na niya sineseryoso ang mga sermon nito dahil para sakanya mababawasan lang ang kanyang ganda at tatanda siyang dalaga katulad ng mga ate niya.

Proud naman siya sa mga ate niya ngunit hindi niya pangarap na sundan lamang ang mga yapak ng mga ito.

She wanted to be something.. Teka ano nga bang pangarap niya? Hindi niya pa talaga maisip kung anong kurso ang balak niyang kunin sa kolehiyo. Isa lamang kasi ang pinapangarap niya sa mga oras na ito.

Ang maging asawa ni Zach!

Lalo siyang napangiti ng maalala ang kanyang soon to be nobyo.

Mamayang alas-dose pa ang kanyang first subject ngunit heto siya naglalakad papunta sa sakayan ng bus.

Bus papunta sa ibang paaralan.

Sa paaralan ng kanyang ultimate crush. Araw-araw niyang inaagahan ang kanyang pag alis sa kanilang bahay upang dumaan muna sa paaralan ni Zach Hoffman.

Ngunit palagi lamang siyang nabibigong makita ito. Takot kasi ito magpakita sa mga tao dahil madalas pinagkakaguluhan ito ng mga babeng kagaya niyang nahuhumaling sa kagwapuhan nito.

Kaya heto siya ngayon bagsak ang kanyang mga balikat dahil hindi nanaman niya nasilayan ang kanyang pinakamamahal na soon to be husband.

"Gelyn! Bilisan mo ma-late na tayo" Hila hila ni Arabella ang kanyang kamay papunta sa kanilang silid paaralan.

Wala siyang kagana-ganang makinig sa guro dahil okupado ni Zach ang kanyang isip.

Mag-iisang buwan na nung huli niya itong makita. Alam niyang sa wakas napansin siya nito dahil sa kagagahan na ginawa niya. Muntik niya pa iyon ikamatay.

"Hoy Gelyn break time na!" Pabirong hinila ni Arabella ang kanyang mahabang buhok.

Napangiti siya dahil hindi niya napansin ang pagtakbo ng oras kaka-isip kay Zach. Mag back-read nalang siya mamayang gabi sa lahat ng leksyon na itinuro ng kanilang guro. Ganoon naman ang kanyang ginagawa sa tuwing hindi siya nakapakinig ng husto.

"Tara Ara!" Tumayo na siya at binitbit ang kanyang hello kitty back-pack.

"Hoy Gelyn saan ka pupunta?" Sinundan agad siya ng kanyang kaibigan. Kahit alam naman nito kung saan siya madalas mag punta tanong padin ito ng tanong .

"Alam mo na yun kung saan!" Lakad takbo ang ginagawa niya dahil dalawang oras lamang ang break time nila bago ang susunod nilang klase.

"Hindi ako sasama sayo--"

"Ililibre kita!" Putol niya sa pagtangi nito.

Napangiti agad ito. "Tara!"

Sabay silang napahagikgik dahil isang magic word lamang ang katapat nito. Kapag naririnig nito ang salitang libre nagliliwanag ang paligid nito.

My fan girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon