Chapter 2
"Para tong baliw!"
Dinedma lamang ni Gelyn ang sinabi ni Arabella. Patuloy niya padin pinaghahalikan ang four hundred peso bill na sukli ni Zach Hoffman. Kanina niya pa iyon sinasamba habang naghihintay sila sa labas ng Campus nito upang isauli ang sukli nito at upang bayaran na din ang utang nila rito. Tatlong lingo na ang lumipas simula ng mag mabuting loob itong bayaran ang order nila sa isang coffee shop. Mula noon hindi pa nila muling nakikita ito.
"Hoy madumi yan!" hindi na nakatiis si Arabella at inagaw iyon mula sakanya at itinaas nito ang mga kamay sa ere habang hawak hawak ang perang pinagpapantasyahan niya.
Dahil mas matangkad ito sakanya hindi na niya naabot ang kawawang pera.
"Ara naman eh! Ibigay mo nga sakin yan. Kailangan ko yan halik halikan bago pa siya dumating baka sakaling magayuma ko si Zach pag nahawakan niya ang parte na nahalikan ko"
Hindi nito malaman kung matatawa o mag-aalala na ba ito para sa kanya dahil sa kanyang sinabi
"Gaga ka talaga ano? Nababaliw ka na ba talaga Gelyn?" mas lalo pa nitong itinaas ang hawak hawak nitong pera upang hindi niya iyon ma-abot.
Halos tumalon naman siya upang maabot iyon ngunit sadyang maliit siya kumpara dito, Idagdag pang naka-heels ito. Samantalang naka white-rubber shoes naman siya.
"Oo na nababaliw na kung nababaliw! Bilisan mo na Ara ibalik mo na sakin yan!"
"Pag nakita ni Zach na hinahalikan mo yang pera na yan baka mandiri pa yun sayo eh!" Ibinalik na nito ang pera sakanya dahil alam nitong hindi siya susuko sa pagtalon talon.
Napabuntong hininga siya "Nabasa ko lang kasi yun sa diyaryo kaninang umaga. Ayon sa love tips ng zodiac sign ko gamitin ko daw ang laway ko upang magayuma ang taong minamahal ko at iibigin daw ako ng taong mahal ko magpakailan man! As in foreveeeer!." Muli niyang pinaghahalikan ang pera. Sa totoo lang nandidiri din siya sa kanyang pinag gagawa ngunit wala naman mawawala kung susundin niya ang love tips na iyon.
Isang malakas na batok ang kanyang natangap mula kay Arabella
"Baliw! Yuck ka talaga Gelyn tigilan mo nga yan! Hay nako! Uuwi nako tatlong oras na tayong naghihintay dito eh. Hindi ka ba napapagod? Mag-gagabi na rin baka hinahanap na tayo, lagot ka nanaman sa mama mo"
Sumimangot siya "Sige umuwi kana. Ako nalang maghihintay dito. I-lilibre pa naman sana kita mamaya ng burger"
Naningkit ang mga mata nito
"Tse! Akala mo siguro mauuto mo nanaman ako. Ilang linggo na tayo pabalik balik sa campus na ito. Pagod na ako. Bahala ka na diyan maghintay sa Zach mo."
Akmang aalis na ito ngunit napahinto ito
"G-Gelyn"
Nakasimangot padin siya at hindi niya ito pinansin. Nagtatampo kasi siya dahil iiwanan siya nitong mag isa sa paghihintay.
"Tse umuwi kana" Mataray niyang sagot, Pinagpatuloy nalang niyang halik halikan ang pera kaysa pansinin si Ara.
"G-Gelyn ..." Hinila nito ang kanyang damit habang nakatalikod siya rito.
"Akala ko ba uuwi kana? Gusto mo ng burger no? Kunwari ka pa kasi eh--"
"Gaga si Z-Zach palabas ng campus nila!"
Nawala ang ngiti sa kanyang labi at unti-unting namilog ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Ara. Agad niyang tinignan ang gate ng paaralan ni Zach at nandoon nga ito!
Napatili agad siya ng Makita niya ito
"Ang baby ko!!!" Tili niya
Nakakapagtaka dahil naglalakad lang ito palabas ng Campus. Hindi ito nakasakay sa kotse nito. Ngunit mayroon dalawang bodyguard sa likuran nito.
BINABASA MO ANG
My fan girl
RomanceKilalang kilala ni Zach Hoffman si Gelyn Palma. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil sa tuwing nagku-krus ang kanilang landas may kakaiba itong pinag-gagagawa upang mapansin lamang niya ito. Wala na itong ginawa kundi sundan siya kung saan saa...