"Bata pa lang yan si Gelyn napakaswerte na talaga ano? Napakalaking swerte ang magkaroon ng ganoong scholarship""Oo. Pero bulakbol naman." Sagot ng kanyang ina
"Ma naman.." Nahihiyang pagtutol niya sa kanyang ina.
Kasalukuyan sila ngayon nasa kusina ng kanilang bahay. Naroon ang kumare nito na si aling susan. Kapit bahay nila ito kaya madalas itong mapadpad sa bahay nila. Lalo na tuwing sabado't linggo.
"Ganyan naman talaga ang mga kabataan. Pasasaan ba'y magsasawa rin sila kakabulakbol. Si Richard nga eh panay ang basketball, hinahayaan na lang namin siya ng kanyang tatay dahil doon siya masaya"
Ngumiti si aling susan sakanya pagkatapos nitong ipagtangol siya. Mabait ito sakanya mula pa noon. Favorite teacher niya din ito noong elementary siya.
Co-teacher ito ng kanyang ina kaya naman malapit ang mga ito sa isat-isa.
Sa katunayan gusto pa nga ng mga ito na silang dalawa ni Richard ang magkatuluyan!
Never!
"Nako masakit ang ulo ko sa anak kong yan. Mabuti pa ang mga ate niya matitino wala akong kaproble-problema. Mga edukada at mga guro na din ngayon" Parinig sakanya ng kanyang inaKahit ilang beses na niya iyon narinig hindi niya padin maiwasan masaktan.
Sa mata ng kanyang ina isa siyang pasaway na anak at ang mga ate lang niya ang mababait na anak. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil totoo namang pasaway siya.
Pasimple niyang pinunansan ang luha sa kanyang mata habang nagz luluto siya ng kanilang tanghalian. Siya kasi ang madalas magluto ng pag kain nila.
"Ikaw naman mare masyado ka naman harsh kay Gelyn. Eh napakabait naman ng anak mo. Tignan mo nga siya pa ang nagluluto ng ulam niyo sa tuwing nandito ako napapansin ko iyon"
Hay naku bakit ba sila dito sa kusina nag-chichikahan?
Hinalo halo niya ang chicken curry na niluluto niya. Iyon lang ata ang talentong mayroon siya. Ang pagluluto. Ngunit sa ibang bagay palaging sablay siya."Aba dapat lang siyang magluto. Hindi na nga siya nag aaral ng mabuti magpapabigat pa siya dito sa bahay?"
"Mare nag aaral naman ng maayos si Gelyn balita sakin ng anak ko magaling daw sa klase ang anak mo"
Napa-irap siya sa hangin.
Mahilig talagang gumawa ng kwento ung kulugo na yun. -aniya sa kanyang sarili
"Eh bakit ang mga grado niya hindi katulad sa mga grado ng ate niya? At higit sa lahat sinabihan ko na iyan kahapon na sabihin kay Mayor na gusto niyang kumuha ng Teacher Education course, Aba matigas talaga ang ulo, Ibang course ang pinili!"
"Mare hayaan mo siya kung ano ang gusto niyang kuhain na kurso, Ano bang pinili niya?"
"Ayun kurso sa pagluluto ang pinili! Balak ata maging kusinera!"
Alam niyang dissapointed sakanya ang kanyang ina. Ngunit hindi niya talaga kayang maging katulad ng mga ate niya.
"Mare hindi naman sa pagiging guro o doktor o enhinero o nurse lang nagiging successful ang mga batang yan. May kanya kanya silang talento na pwede nilang maging tagumpay."
Napangiti siya kay Aling susan. Natumbok nito ang nais niyang iparating sa kanyang ina
Natahimik naman ang kanyang ina.
"Ma baka mag away pa kayo ni aling susan. Mag change topic na nga kayo. Maluluto na tong chicken curry doon na kayo mag hintay sa lamesa"
Tinaasan lang siya ng kilay ng kanyang ina.
"Halika na nga susan." Nauna nang lumabas ang kanyang mama at sumunod doon si aling susan.
BINABASA MO ANG
My fan girl
RomanceKilalang kilala ni Zach Hoffman si Gelyn Palma. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil sa tuwing nagku-krus ang kanilang landas may kakaiba itong pinag-gagagawa upang mapansin lamang niya ito. Wala na itong ginawa kundi sundan siya kung saan saa...