Chapter 3"Bro finally nag-condo kana?"
"Yeah" maikling sagot ni Zach sa tanong ng kanyang kapatid na si Kenjie Hoffman bago niya inubos ang whiskey sa basong iniinom niya.
They were having a brother-night shots sa bar ng kuya Miguel nila. Isang beses sa isang buwan nagpupunta sila sa bar nito upang makapagkita kita silang magkakapatid. But tonight was different. Dahil dalawa lang sila ni Kenjie ang sumipot.
Paano ba naman lumalagay na halos lahat ng kapatid nila sa tahimik wala ng oras ang mga ito sa mga ganitong bagay. Marahil nagkaka-edad na rin kasi ang mga kuya nila. Ang kuya Angelo niya masayang masaya ngayon sa pamilya nito mayroon na itong limang anak. Ang kuya Miguel niya din ay humahabol sa mga anak ng kuya Angelo niya. Dahil may tatlo na itong anak.
May mga sariling pamilya na rin ang kuya Joshua at kuya Cedric niya.Sa ngayon siya na ang susunod sa hanay ng mga ito. Pero para sakanya wala siya panahon at oras sa mga babae. Masyado siyang busy sa pag aaral kung paano mas mapapalago ang business na kanyang itatayo sa sarili niyang pagsisikap.
"Mabuti naman pinayagan ka na ni mommy. Bantay sarado kasi tayo ng mga maids sa mansyon nakakasakal na rin hindi ko masolo ang girlfriends ko. Pag naging eighteen years old din ako lilipat na din ako"Mas matanda siya ng dalawang taon kay Kenjie.
Ngumiti siya ng tipid
"Saan ang condo mo?" Mayamaya pang tanong nito
"Katabi ng campus" maikling sagot niya
"What? Ang lapit naman!" Bulalas nito
"Tipid sa gas. Hindi ko na ginagamit ang kotse ko nilalakad ko nalang"
"What? Are you serious? Mabuti hindi ka pinagkakaguluhan ng mga chix don?"
Halos maubos na nito ang whiskey na iniinom nito.Nagkibit balikat siya. Bigla niya tuloy naalala si Gelyn. Ang pinakamakulit na babaeng nakilala niya.
Hindi niya ito makakalimutan dahil ito yung pasaway na babaeng muntik na masagasaan ng driver niya noong nakaraang buwan. Kaya naging mahigpit ang security sa mansion nila dahil sa kagagawan nito.
Ito rin yung babaeng nakikipagtalo sa cashier ng coffee shop ng kaibigan niya.
Ngunit ang hindi niya makalimutan sa mga ginawa nito ang pag amin nito ng pagmamahal nito sakanya.
"Why are you smiling bro?" Kunot noong tanong ni Kenjie sakanya
"I'm not smiling" tangi niya"Yes you are!"
"I'm not" seryoso niyang tangi kay Kenjie.
"Ngumiti ka eh. May chix kana no?"Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito
"You know me, wala akong panahon sa ganyan" Muli siyang nag salin ng whiskey sa kanyang baso at ininom niya agad iyon
Tumawa ito ng malakas
"Bro life is short! Enjoy lang! Mas marami pa akong experiences sayo samantalang mas matanda ka sakin."
Napa-iling nalang siya. Kilala niya ang kapatid niya pagdating sa mga babae mahusay ito. Basta nakapalda siguro ay pinapatulan nito.
"Pero bro ngumiti ka talaga kanina eh. Ano ba yung naiisip mo?""Wala nga"
"Kilala kita Zach. May iniisip ka kanina eh"
"Fine. There's a girl that confessed her love to me yesterday and i find it funny"
"Anong bago don? Palagi naman may nagtatapat ng pagmamahal nila sayo. Kahit lalake nga nagkakagusto sayo. Don't tell me type mo yung girl na yan?" Panunukso ni Kenjie sakanya
"No way." Napangiti tuloy siya ng maalala niya ang babaeng iyon at ang madungis nitong pisngi. Makinis sana ang mukha ng babae ngunit ang dungis ng pisngi nito. Pinigilan lang niya ang kanyang sariling punasan ang pisngi nito habang nagpupumilit itong ibigay sakanya ang pera .
Napangisi ito sa kanyang sinabi
"Kinilig ka bro? Shit sa dami ng nag coconfess sayo araw araw mukhang may nakakuha na ng interest mo?"
"That's crazy. It will never happened. Bata pa yung babaeng yun at mukhang mag kasing edad lang kayo"
"Kami? Sige nga bro pakilala mo sakin. Baka matipuhan ko—"
Tinignan niya ito ng masama"I think she's younger than you. I gotta go baka lasing na si Luper at Rey doon"
Tumingin naman ito sa dalawa niyang bodyguards na kanina pa rin nag iinuman sa kabilang table.
"Kuya Zach bata pa rin naman ako" hirit pa ni Kenjie bago siya tuluyan maka-alis sa bar.
Hindi nalang niya pinansin ang pangungulit ng kanyang kapatid.
"Luper lets go home"
Mapungay na ang mga mata ng dalawa niyang body guard. Napailing nalang siya. Mukhang siya nanaman ang magmamaneho papunta sa condo unit niya.
"Bossing ubusin lang namin ni Rey tong isang bote." Hirit pa ni Luper
Napabuntong hininga nalang siya
"Mag taxi nalang kayo pag-uwi niyo. Mag day off nalang kayo bukas"
Naglabas siya ng isang libo at pinatong iyon sa lamesa ng mga ito. Uuwi nalang siyang mag isa sa condo unit niya tutal sa ibang lugar naman nakatira ang mga ito.
Habang nagmamaneho siya pauwi hindi niya maiwasan maisip ang babaeng pinag uusapan nila ni Kenjie kanina.
Pag uwi niya sa kanyang condo unit naligo na muna siya at kumain. Bago matulog binuksan niya ang kanyang cellphone na minsan lamang niya gamitin.
Tinignan niya lang kung anong araw kinabukasan.
Nang makita niyang sabado bukas ay napangiti siya.
"Makapag-kape nga bukas" aniya bago mahiga sa kanyang malabot na kama.
BINABASA MO ANG
My fan girl
RomanceKilalang kilala ni Zach Hoffman si Gelyn Palma. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil sa tuwing nagku-krus ang kanilang landas may kakaiba itong pinag-gagagawa upang mapansin lamang niya ito. Wala na itong ginawa kundi sundan siya kung saan saa...