Chapter 2
Masaya si Ziana nang makita niya ang kanyang Kuya Zian at Ate Nicole na malaki na ang tiyan niya sa kanyang sinapupunan. Excited na si Ziana na maging Tita soon.
"Kuya, Ate!" Tili niya medyo may pagka childish minsan si Ziana kahit college na ang ito.
Niyakap siya ng kanyang Kuya Zian ng mahigpit. Bumukod na kasi sila Zian at Nicole matapos ang kanilang kasal, bumeso naman ang dalawang babae.
Naging mahaba-haba ang kanilang pinaguusapan ng pamilyang Cruz. Kinabukasan mag-isang pumunta nang school si Ziana dahil sabi ni Jave mauuna nalang daw siya dahil sinamahan pa ni Jave ang kanyang Papa sa company nila.
Kilala na si Ziana ng lahat sa kanilang school kung kaya't sanay na siya sa mga ito. Pumunta muna siya sa HQ para kumuha don ng chocolate gusto kasi niyang kumain non. Malapit na siyang makarating ng biglang humarang sa kanya si Cameron na ikinagugulat niya.
"Hi," sabi ng binata pero parang bomba 'yon kay Ziana na sumabog
Sa ilang taon na siya sa school ni minsan hindi siya binabati o pinapansin ni Cameron dela Fuente noon pero ngayon nasa harapan na niya. May pagtataka siyang naramdaman, bakit at ano ba ang sadya sa kanya ng binata?
Hindi alam ni Ziana kung sasagot ba siya o tumunganga lang ba kaya sa huli nagawa niyang umayos."Uhh.. Hey," kaswal niyang sinabi nito.
Nagkatinginan sila saglit at binasag ni Ziana ang pagitan sa kanilang dalawa.
"Excuse me.." Nahihiya niyang sinabi.
Ngumiti naman si Cameron ay agad siyang umalis nong nakatalikod si Ziana sa kanya.Nang makapasok si Ziana nakalimutan niya sandali ang pakay niya sa HQ dahil lutang parin siya.
Gustong kutusan ni Cameron ang sarili dahil sa eksena kanina. Gwapo naman siya at maraming patay na patay sa kanya pero nong nakaharap na niya si Ziana parang naduduwag siya, alam naman niya na sobrang ganda ni Ziana pero mas iba parin pala kapag nasa malapitan ito.
Patay siya nito sa kanyang mga kaibigan kong matatalo siya sa kanilang pustahan-- pustahan nila ay papaibigin ni Cameron si Ziana unang una ayaw ng kanyang isipan pero bilang lalaki ayaw niyang matapakan ang ego niya lalo na't hindi biro ang pinupusta ng mga kaibigan niya kaya agad siyang pumayag.
Hindi parin mawala sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Ziana, nasa isip parin niya ang maamo nitong mukha at masarap na boses. Sinapo niya ang kanyang noo bawal siyang magkakagusto nito ayun pa sa pustahan nila. At kapag napaibig ni Cameron si Ziana sasaktan niya ito at iiwan sa ere pagkatapos manalo sa pustahan sa kanya na ang mga condo at kotse.
Ngumisi siya sa kanyang naiisip dahil simula na ang aktingan niya sana manlang gumana ang mga charms niyang ito sana nga!
Ikinuwento ni Ziana ang nangyari kanina tahimik lang nakikinig si Jave sa kanyang bff.
"Gooossshh! Am I dreaming?"Sabi ni Ziana sabay hawak sa kanyang mukha.
Naiinis naman si Jave pero hindi niya 'yon pinahalata. Kanina pa wala sa mood si Jave nong sinamahan niya ang kanyang Papa sa company nila, alam naman ni Jave na siya ang hahawak don balang araw pero para sa kanya boring lang ang trabaho na 'yon kahit labag sa loob niya ang kursong kinuha dahil lang sa kagustuhan ng kanyang Papa.
"Wag mo 'yon papansinin sa susunod okay?" Sabi ni Jave sabay tapik sa pisngi ni Ziana. Ngumuso naman ang dalaga at naglalaway siya nang tignan ang labi ng dalaga lumunok siya agad.
"Ang protective mo talaga sa akin babe, pero I'm not sure kung magagawa ko 'yang sinasabi mo." Aniya sabay tawa nalukot naman ang mukha ni Jave.
Kinurot nalang ni Ziana si Jave para mas lalong asarin.NAGTATAWANAN ang apat na kalalakihan dahil sa mga kabaliwan ng kanilang mga ginagawa.
"Damn! Grabe mga bro ang hayop sa kama ni Loiza." Baliw na sabi ni Nexus ang kaibigan ni Cameron na sobrang playboy lahat yata ng babae sa University nila ay kanyang natikman.
"Ayan ka na naman Nex baka magkaka aids kana." Pailing-iling na sinabi ni Clarkk ang mahilig mang-asar sa kanilang apat.
"Oo nga yayks!" Si Kinz naman.
Sila Cameron, Kinz, Clarkk, at Nexus ay mga sikat sa school dahil sa kanilang taglay na kagwapuhan at sa mga kanyang-kanya nilang paandar.
"Oh kumusta naman 'yong pustahan natin Cameron?" Tanong ni Clarkk sa kanya at ang tatlo ay seryosong nakatingin kay Cameron.
"Okay lang naman mukhang madali 'yong mauto eh." Kalmado niyang sagot.
Tumango naman ang kanyang mga kaibigan. Napabaling silang apat nang may matinis na boses silang narinig.
"Guys!" Si Ericka Lim isang half-chinese mayaman din siya at siya 'yong babaeng gusto ni Cameron.
Napangiti naman sila lalo na si Cameron. Kahit magkaibigan ang apat hindi parin 'yon sapat ang kanilang pagsasamahan lalo na sa hindi sila loyal sa isa't isa.
Si Nexus ay may gusto kay Ericka hindi niya 'yon sinabi sa kanila kasi may bro code silang apat.
Pumunta ang lima sa cafeteria habang masayang nagkwentuhan.
BINABASA MO ANG
Just let Me love You
General FictionMay mga tao talagang kaya tayong saktan kahit na alam naman nila na minahal natin sila ng buo pero sa huli hindi nila 'yon pinapahalagahan. Paano kung tapos mo na siyang mahalin pero dumating 'yong araw na bumaliktad ang sitwasyon pagbibigyan mo pa...