Chapter 6
Kanina pa tahimik ang dalawa hindi alam ang gagawin ni Cameron nakaramdam siya bigla ng hiya.
"Cameron."
"Ziana."
Sabay nilang sinabi bigla nalang silang natawa. Kaagad na nawala ang hiya ni Cameron biglang naging kumportable ganon na rin si Ziana.NASA ISANG RESTAURANT silang dalawa mabuti nalang binigyan ni Ericka nang pera si Cameron para dalhin sa magarbong resto si Ziana para sa ganon ma ramdaman ni Ziana na espesyal siya sa buhay ni Cameron.
Hindi alam kung ano ang uunahin ni Cameron dapat pala gumawa siya ng script.
"Ziana," Panimula niya saka hinawakan ang kamay ng dalaga na nasa ibabaw ng lamesa.
Para namang napaso si Cameron nang hawakan niya 'yon. Makinis at maputi talaga si Ziana kutis mayaman ika nga.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso ni Ziana. Na hihipnotismo si Cameron sa tingin ni Ziana para bang sa kanyang harapan isang anghel na bumaba sa langit.
Nakatutok siya sa mapupulang labi ng dalaga kaysarap halikan 'yon!
"You look so beautiful."
Namula naman ang pisngi ni Ziana sa lahat ng taong nagsabi sa kanya nang ganon kay Cameron lang siya kinilig ng todo. Masarap talaga sa tenga niya na marinig 'yon lalo na't sa lalaking gusto niya.
"T-thanks." Nahihiya niyang sabi.
Matagal nang nasa isip ni Ziana ang gusto niyang itanong kay Cameron kaya hindi na siya magdadalawang isip pa tutal nasa harapan naman niya ang taong gustong tanungin niya.
"Bakit ako Cameron?"
Nabigla ang binata sa tanong ng dalaga. Hindi siya makahanap ng salita. Bakit siya?
"Uh.." Lumunok muna siya.
Naghintay naman si Ziana. "I don't know, nong nakita kita naglalakad mag-isa sa campus bigla akong nagandahan sa 'yo.. Yeah maraming magagandang babae pero iba ka sa kanila 'yon bang may something sa 'yo ganon. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kailangan mapansin mo ako. Habang tumatagal nahulog na pala ako sa 'yo." Sabi pa niya.
Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang mga salitang 'yon. Halos hindi na makahinga si Ziana sa narinig.
"Alam kung mabilis ang pangyayaring 'to pwede ba kitang maging akin?" Lakas loob ang pagkasabi ni Cameron.
Mahihimatay na yata si Ziana.
"Mygaaaad!" Tanging nasabi ni Ziana.
Pumikit ng mariin si Ziana saka siya nagsalita ulit.
"Sa totoo lang Cameron matagal na kitang crush. Kaya sige pumapayag na ako maging sa 'yo."
"Talaga? Salamat!"
Ang hindi alam ni Ziana ay kanina pa sila kinuhanan ng video sa kabilang lamesa. Inutusan 'yon ni Cameron para gawing ebidensya para maniwala rin sina Clarkk.
Biglang may tumawag sa cellphone ni Ziana. Pagkakataon din 'yon ni Cameron para makuha niya ang kanyang cellphone.
"Excuse me sasagutin ko lang." Matamis niyang sinabi sa binata. Pumunta si Ziana sa CR para doon sagutin ang tawag.
Si Cameron naman nagmamadaling kinuha ang cellphone.
"Salamat." Sabi niya sa lalaking nasa kabilang table.
Agad-agad siyang bumalik sa kanilang pwesto nila Ziana.
Hindi naman pwede kung walang ebidensya paano nalang kung ayaw maniwala ang mga kaibigan niya diba?
KINABUKASAN SA CRUZ UNIVERSITY halos lahat ng mga students ay alam na nila na mag karelasyon sina Cameron at Ziana. Meron kasing nagpakalat no'n sa website nila.
Nasa malaking puno ang magkakaibigan nagkumpulan silang apat. Ipinapakita ni Cameron ang video na nakuha kagabi.
Namangha naman ang apat sa akting nitong si Cameron.
"Mag showbiz kana kaya bro." Pabirong sinabi ni Nexus.
"Napabilib mo ako don bro hanep!" Sabi naman ni Kinz habang tumatawa.
"Sana all." Si Clarkk.
Tawa sila ng tawa sa nakita binigay din nila ka agad ang cellphone kay Cameron.
"Sa 'yo na 'yong mga itinaya namin." Deklara ni Clarkk.
"Yes!" Masayang sinabi ni Cameron.
Pero bigla nalang sumagi sa isip niya ang mala anghel na mukha ni Ziana para bang nakikita niya na masasaktan ito ng husto dahil sa kagaguhan niyang ginawa.
"Wait hindi pa 'yon tapos bro dapat pakisamahin mo muna siya okay?" Pahabol ni Clarkk.
Ngayon nagdadalawang isip tuloy siya kung tama ba ang kanyang ginawa.
Tama nga ba?
"FUCK!" Naihagis ni Jave ang kanyang notebook dahil sa galit.
Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya kanina nong sabay sila ni Ziana papuntang school sobrang saya nilang dalawa. Pero nang may isang kaklase niya ang nagsabi sa kanya kung alam ba niya ang relasyon nila Ziana at Cameron.
Syempre hindi! Kaya nga inis na inis siya at napalitan 'yon ng galit. Ayaw niyang maniwala pero nang ipakita sa kanya ang mga pictures don na tumaas ang kanyang dugo.
Para siyang pinagtaksilan hindi siya makapaniwala dahil hindi nagsabi sa kanya si Ziana.
Dapat may gawin siya hindi siya basta nalang papayag na maangkin si Ziana sa iba.
"Fuck you dela Fuente!" Inis niyang sambit.
BINABASA MO ANG
Just let Me love You
Fiksi UmumMay mga tao talagang kaya tayong saktan kahit na alam naman nila na minahal natin sila ng buo pero sa huli hindi nila 'yon pinapahalagahan. Paano kung tapos mo na siyang mahalin pero dumating 'yong araw na bumaliktad ang sitwasyon pagbibigyan mo pa...