Chapter 13
"A-ano? B-bakit?" Nanghihinang bulong ni Cameron ganunpaman narinig siya ng kanyang Uncle.
"Nag invest kasi ako kaso na scam ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Alam mo naman ang asawa ko diba sobrang maldita." Sabi ng Uncle niya.
Napabuntong hininga nalang si Cameron. "Ganon po ba? Sige gagawan ko nalang ng paraan."
"Okay mag-ingat ka. Again pasensya na bye."
Sumandal siya sa sofa pinikit ang mata habang ang mga kamay ay nasa mukha niya. Nag-iisip siya kung paano ma resolba ang kanyang problema.
Nang gabing 'yon uminom lang siya ng uminom hanggang siya ay nalasing.
KINABUKASAN pinuntahan ni Ericka si Cameron sa kanilang bahay.
Masakit ang ulo ni Cameron nang mga oras na 'yon. Kanina pa siya nakarinig sa marahang katok sa labas ng kanilang bahay.
Napadaing siya nang subukang tumayo. "Shit hangover!" Inis niyang saad.
Nag ring ang kanyang cellphone tamad niya itong kinuha sa kama. Hindi na niya tinignan kung sino ang tumawag basta agad niya lang itong sinagot.
"Hello?" Napapaos niyang sabi.
"Geez, please open the damn door! I'm here in the outside."
Tapos agad 'yong pinutol ni Ericka ang tawag.Nawalan ng gana si Cameron kay Ericka akala pa naman niya iba ito pero nang nakita niya ang kulay ng dalaga ay biglang nawala ang kanyang nararamdaman para rito.
"What brings you here?" Bungad sa kanya ni Ericka.
Nakahalukipkip ang dalaga nang tinignan siya.
"Ang baho mo at dumi kasing dumi ng bahay niyo eww.. Anyways hihintayin kita sabay na tayo pupunta sa school." Maarte nitong sinabi.
"Ayokong sumabay sa 'yo, mauna kanalang don."
Ericka smirked. "Whether you like it or not sabay tayong dalawa. Or else ipagkakalat ko ang sekreto mo ano gusto mo ba 'yon?"
Naghahamon niyang tinignan ang binata. Umigting naman ang panga ni Cameron hindi siya makapaniwala dahil sa totoo ginawa na siyang aso ni Ericka na dapat sundin ang sinabi nang kanyang amo.
May matindi pa siyang inaalala paano nalang ang mga bayarin sa school nila, hindi nga niya alam kung saang lupalop pumunta ang kanyang Mama. May inipon naman siyang pera maliit lang 'yon, nagdadalawang isip kung gagamitin ba niya 'yon kasi para 'yon sa kinabukasan niya kaya siya nag-iipon.
HALOS MABALI ang mga ulo nang mga studyante nagtataka nilang tinignan si Cameron at Ericka.
"Relax guys we're just friends." Sabi ni Ericka kahit wala namang nagtanong ni isa. Inunahan lang niya ang mga papanuring tingin ng mga kapwa niya studyante, may plano pa siya kaya ayaw muna niyang mabulyaso ito.
"Remember babe hindi pa tayo naghiwalay." Bulong ni Ericka.
"Pwes maghiwalay na tayo." Sabi ni Cameron, humagikhik naman ang dalaga.
"Oh not now babe."
Nirolyo nalang ni Cameron ang kanyang mata dahil sa inis.
Lunch break tinawagan ni Cameron si Ziana para sabay silang kumain. Sa cafeteria nalang hinintay ni Cameron si Ziana.
Magkasama silang lima sa cafeteria magkatabing umupo sina Nexus at Ericka. Wala namang pakialam si Cameron dahil kahit hindi sabihin ng kanyang kaibigan alam niyang may namamagitan sa dalawa. Pandidiri nalang ang tanging naramdaman ni Cameron sa kanila.
"Bro ito ang susi oh. Ipapahatid ko nalang mamaya ang kotse."
"Huh?" Sabi nalang niya.
Nagtataka naman si Clarkk. "Yung pustahan natin remember?"
"Para kang wala sa sarili mo may problema kaba bro?" Si Kinz.
Umiling naman siya agad at napasulyap kina Ericka. "Wala naman."
"Oh si Ziana."
Lumingon naman agad si Cameron bigla ay namiss niya ang dalaga. Akala niya nag-iisa si Ziana may kasama pala ito.
"Thank you Brixx." Sabi ni Ziana sa kanyang kasama.
Kinulit kasi siya nito at gusto siyang ihatid. Hindi naman siya makatanggi dahil kilala naman niya si Brixx Espinosa magkapitbahay naman silang dalawa at magkakaibigan ang kanilang mga magulang.
"Sino 'yon?" Tanong ni Cameron, nagseselos ba siya?
"Ahh 'yon? si Brixx ano inihatid niya lang ako dito." Paliwanag ni Ziana.
"Okay ano ang gusto mong kainin?" Sabi nalang ni Cameron.
Para silang may sariling mundo agad naman naputol 'yon nang tumikhim sila Clarkk.
"Hi Ziana." Si Ericka.
Ayaw naman ni Ziana na maging bastos kahit labag sa loob pinansin niya parin ang dalaga.
"Hello."
Nagulat sila nang may mga pagkain na nilagay sa lamesang inukopa nila dala ng mga serbedora.
"Mabait naman ako kaya libre ko na kayo guys." Sabi ni Ericka.
Laglag naman ang panga nina Clarkk, Kinz, Cameron at Ziana.
"Geez, let's eat na guys." Natatawang sabi pa niya.
Inalalayan naman ni Cameron si Ziana, magkatabi silang dalawa. Nilantakan agad nila Clarkk ang pagkain mga mukhang patay gutom.
Bahagyang tumingin si Ericka kina Ziana at Cameron. Palihim siyang ngumiti nang nakakaloko.
Tumikhim siya hindi 'yon napansin nila Clarkk.
Binigyan niya ng pagkain si Ziana, spaghetti 'yon na may halong maliliit na shrimp at hindi rin 'yon mapapansin kung hindi mo suriin ng mabuti.
"Uhmm, I'm sorry Ziana... Alam mo na 'yong hindi naging maganda ang asal ko sa 'yo last time hehe.. Ahh, nga pala baka magustuhan mo ang spaghetti mas masarap 'yan sige kainin mo na." Ngumiti pa ang dalaga ng peke.
Kinilatis ni Ziana si Ericka nagdadalawang isip pa siya.
"Okay lang 'yon. Salamat pero busog pa talaga ako eh." Pag-amin niya.
"Sige na please isang subo lang."
Tumagal pa ng ilang segundo bago siya pumayag. "Ahh ehh... Okay."
Pumalakpak naman si Ericka. "Good."
"H'wag mo ng kainin kung ayaw mo." Mahinang sinabi ni Cameron pero hindi nakinig si Ziana.
Kinuha niya ang tinidor maya maya'y sinubo niya ito ng konti ang spaghetti tapos uminom siya ng juice. Mga ilang minuto nag kanya kanya na silang alis, nasa labas na sila Cameron at Ziana sa cafeteria nang biglang nangati ang mukha ni Ziana at nahirapan din siyang huminga.
"Gosh! Ang kati!" Natarantang saad niya.
Pulang-pula ang mukha ni Ziana nanlaki naman ang mata ni Cameron.
"Shit!" Mura ni Cameron nang nakita niyang nawalan si Ziana ng balanse. Agad niya itong binuhat saka nagmamadaling pumunta sa hospital.
BINABASA MO ANG
Just let Me love You
General FictionMay mga tao talagang kaya tayong saktan kahit na alam naman nila na minahal natin sila ng buo pero sa huli hindi nila 'yon pinapahalagahan. Paano kung tapos mo na siyang mahalin pero dumating 'yong araw na bumaliktad ang sitwasyon pagbibigyan mo pa...