Chapter 8
Nagkita sina Cameron at Ericka sa parking lot pagkatapos ng klase. Para kay Cameron mahirap ang pinasok niyang gulo kahit pustahan lang 'yon na jowain si Ziana para bang naging two timer na siya. Si Ericka naman ang mahal niya diba? Kaya ipinagwalang bahala nalang niya 'yon ang importante magkaroon siya ng oras sa kanyang totoong girlfriend.
Pumasok sina Cameron at Ericka sa sasakyan. Ewan ba niya kay Ericka parang agresibong babae. Pagkapasok palang nila eh agad ba namang sinunggaban ng malalim na halik na may kasamang tunog sinong hindi iinit ang katawan diba?
"Not here." Bulong ni Cameron.
Tumawa naman si Ericka habang nasa noo niya ang noo kay Cameron.
"Geez, I missed you babe." Malambing sinabi niya.
Hinalikan naman ni Cameron sa leeg si Ericka. "I missed you too babe."
Again naghahalikan naman ang dalawa naputol lang 'yon agad.
"So kumusta na kayo ni Ziana?" Tanong ni Ericka na para bang wala lang 'yon sa kanya.
Kibit-balikat naman ang kanyang boyfriend. "Wala lang I don't feel anything to her."
Wala nga ba? Para bang gustong bawiin ni Cameron ang kanyang sinabi. Bakit naman niya 'yon babawiin diba? Gusto ba niya ng away? Duh. Nasa harapan niya ang kanyang girlfriend ano nalang ang iisipin nito sa kanya kung ganoon.
"For me nakakatuwa lang na magmukha siyang tanga. Akalain mo 'yon napapayag mo agad siya and crush ka pala niya noon wow!"
Napailing nalang si Cameron may kung anong humaplos sa puso niya ang salitang crush. Ang swerte ba niya na crush siya ni Ziana noon? Dapat lang!
NANG HAPON ding 'yon malapit nang mag-away sina Ziana at Jave dahil kay Cameron.
"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Jave?" Si Ziana mukhang iritang-irita na.
Hinilamos ni Jave ang kanyang mukha naiinis na rin siya.
"He's fucking jerk!" Halos gusto ng isigaw 'yon ni Jave. Pinigilan lang niya ayaw niyang sigawan ang babaeng mahal niya.
"Gaad! He's not okay? Ang paranoid mo masyado. Please just support me, and please do me a favor. Don't tell Kuya Zian na meron akong boyfriend specially kina Mom at Dad."
Napailing nalang si Jave. See mukhang nagbago bigla ang bff niya pati ang pagkakaroon ng boyfriend ayaw pa ipasabi sa family nito.
"I don't think so." Napailing nalang si Jave.
Lumapit si Ziana at niyakap nito ang binata. "Pretty please." Bulong niya.
Jave sighed. "Okay."
Nakita 'yon nila Ericka at Cameron ang dalawa na magkayakap. Hindi maintindihan ni Cameron ang sarili para bang gusto niyang suntukin si Jave.
"So sweet." Komento ni Ericka hindi nalang nagsalita si Cameron.
Umalis na silang dalawa bakit ano bang gagawin ni Cameron lalapitan ang dalawa at bubuwagin ang yakap sa isa't isa.
Heck wala naman siyang pakialam diba?
WALA NAMANG sinabi si Jave pero agad nakarating ang balita sa mga magulang ni Ziana na ang pagkakaroon ng boyfriend.
"What the?" Ang kanyang Daddy na nasa opisina.
Agad niyang tinawagan ang kanyang misis. Sinabihan niya ito na maaga siyang uuwi sa kanilang bahay kahit na may meeting pa ito pero wala na siyang balak pa sa kanilang meeting. Nagiging OA agad si Zimmon pati si Zian tinawagan niya at kailangan pumunta ito sa bahay nila.
Malapit na gumabi nang makauwi si Ziana sa kanila. Inihatid pa kasi nila ng kanyang driver si Jave sa bahay nito pero bago pa 'yon tumambay muna sila sa clubhouse. Nasa isang sikat din na village nakatira sila Jave.
Gulat na gulat si Ziana nang makapasok sa bahay nila. Nakita niya kasi ang kanyang Daddy, at Kuya na seryosong nakatingin sa kanya.
Tumaas ang kilay niya bigla, sasalubungin sana niya ito ng mga yakap pero agad nagsalita ang kanyang Dad.
Inilahad nito ang cellphone at agad naman 'yong tinignan ni Ziana natutop niya ang kanyang bibig sa nakita na puro pictures nila 'yon ni Cameron.
Kinabahan siya para siyang kriminal na gumawa ng malaking kasalanan at mga mukhang pulis ang nasa harapan niya.
"Care to tell us?" Ang kuya naman niya.
Tumingin siya sa kanyang Mommy na naghahanda ng pagkain gusto niyang humingi ng tulong. Sobrang OA pa naman ang dalawang importanteng lalaki sa buhay niya.
NASA HAPAG kainan na sila hanggang ngayon hindi pa masabi ni Ziana. Naghahanap siya ng tamang salita.
Mariin siyang tinignan ng dalawang lalaki. Okay this is it!
"My, Dy, Kuya.. Uhm, boyfriend ko po siya." Nakababa ang ulo niya nang sabihin niya 'yon. Hindi niya alam kung ano ang mukha ng dalawa. Tahimik parin halos gusto na niyang umiyak dahil wala pang isang nagsalita.
Bigla namang tumawa ang Mommy niya tumayo ito't niyakap siya.
"Oh goodness! Dalaga na talaga ang sweetie ko, nagkaka boyfriend na aww.." Nahiya naman siya bigla.
Sumandal si Zian at Zimmon sa kanya kanya nilang upuan.
"Well kung ganoon tell him na gusto namin siyang makilala. Sa susunod na araw papuntahin mo siya rito sa bahay maliwanag?" Seryosong sabi ng Daddy niya.
"Siguraduhin mo lang na hindi gago 'yang napili mo Ley." Si Zian.
"Alright." Sabi niya.
Nakahinga naman siya ng maluwag akala pa naman niya na si Jave ang nagsabi sa kanila. Ang tanga kasi niya bakit hindi niya tinignan sa socmed. Mukhang araw-araw na yata siyang mag o-online nito.
BINABASA MO ANG
Just let Me love You
General FictionMay mga tao talagang kaya tayong saktan kahit na alam naman nila na minahal natin sila ng buo pero sa huli hindi nila 'yon pinapahalagahan. Paano kung tapos mo na siyang mahalin pero dumating 'yong araw na bumaliktad ang sitwasyon pagbibigyan mo pa...