11

14 1 0
                                    

Chapter 11

Maingay sa loob ng bahay nila Cameron dahil nag-aaway ang kanyang mga magulang.

"Wala ka talagang kwenta!" Sigaw ng kanyang Mama.

"Nagsalita ang meron hoy babae mas wala kapang kwenta pisti kayo sa buhay ko!" Ang kanyang Papa naman.

"Ahh ganon? Mas bwisit ka!" Sinampal pa ito ang kanyang Papa.

Ayaw sumali ni Cameron sa dalawa gabi na rin kaya lumabas siya sa kanilang bahay. Kanina pa niya hindi makontak si Ericka at hindi niya rin ito nakita kanina nong uwian na.

Dala niya ang isang latang beer binuksan ito at nilagok. Sinindihan rin niya ang isang sigarilyo.

Tinignan niya ang buwan na sobrang liwanag, huminga siya ng malalim. Hanggang sa naisipan niyang tawagan si Ziana.

Hindi niya alam kung anong meron sa dalaga ngunit para bang para sa kanya gusto niyang may kausap. Oo nga pala hindi pa siya humingi ng tawad sa kay Ziana dapat siyang mag sorry nito.

Tinignan niya lang ang cellphone hanggang kusa itong tinawagan ang dalaga.

"Hello?" Dinig niyang sabi ni Ziana sa kabilang linya, hindi muna siya nagsalita pinakinggan muna niya ang boses ng dalaga. Ewan ba pero mukha siyang kumalma sa boses ng dalaga.

Kinain siya ng konsensya kung bakit ba kasi si Ziana ang lolokohin.

Alas nuebe na kasi paniguradong nasa kwarto na ito at natutulog mukhang nagising lang niya dahil sa tinawagan niya ito.

"Sorry." Sabi niya.

Narinig niyang bumuntong hininga si Ziana sa kabilang linya.

"Okay sorry din." Malambing na sabi ni Ziana.

Mariin siyang pumikit. "Nagising ba kita?" Tanong ni Cameron.

"Uhmm yeaahh..."

"Ah ganon ba sige matulog kana ulit bukas nalang tayo magkikita. Bukas na 'yon diba?"

"Yes, antok na ako good night. I love you."

Tulala niyang ibinaba ang cellphone hindi na siya sumagot sa dalaga. Mas lalo siyang kinain ng konsensya.

God help me!

WALANG PASOK kinabukasan nabulabog ang tulog ni Cameron dahil sa ingay galing sa labas ng kwarto niya. Madaling araw pa naman siya nakatulog tapos heto ngayon gusto niyang patayin ang mga ito dahil sa ginawang ingay.

Hindi 'yon normal na ingay dahil sure talaga siya na mga babasagin 'yong mga gamit na nabasag, pagkatapos ay narinig niya namang sumigaw ang Mama niya.

Juicecolored! Wala ba itong mga ginawang mabuti puro nalang problema ang mga ito.

"Lalayas talaga ako letse kang lalaki ka! Kaya pala hindi mo ako mabigyan ng mga gusto ko dahil lang dyan sa mga kalokohan mo! Sawang-sawa na ako sa buhay na ito!!"

"Hala sige gawin mo! Hindi kita pipigilang lumayas bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ng Papa niya.

Maya maya'y lumabas siya ng kwarto at nakita niya ang kanyang Papa na umiyak sa sala. Umalis na rin sa bahay ang kanyang Mama, nakaramdam siya ng awa sa kanyang Ama.

Tinignan siya nito at suminyas na lumapit. Humakbang naman si Cameron papunta sa kanyang Papa.

Umupo siya sa sofa nila.

Ilang minuto pa bago nagsalita ang kanyang Papa.

"Anak patawarin mo kami dahil hindi kami naging mabuting magulang sa 'yo. Alam mo ba mahal ko 'yang Mama mo pero lumipas ang ilang taon nawala bigla dahil mas mahal niya ang kanyang sarili.... Nagsikap naman akong magkapera anak para lang mabigyan ko kayo ng magandang buhay pero sadyang malupit lang ang tadhana kasi mas importante sa Mama mo na mabili at makuha ang mga gusto niya. Kaya anak patawarin mo ako, at itatak mo 'to sa isipan mo. Dapat mag-aral kang mabuti at maging successful ka balang araw wag mo kaming tularan. At kung makahanap ka ng babae na mahal ka at hindi halang ang kaluluwa wag mo ng pakawalan. Alam kong sa panahon ngayon mas importante ang pera, pero dapat mas importante ang may magandang kalooban." Pagkatapos itong magsalita ng mahaba ay tumayo ang papa niya at tinapik siya nito sa ulo at siya naman ay naiwang tulala.

NANG KINAGABIHAN ay nasa labas ng village si Cameron. Parang nagdadalawang isip siyang pumasok o hindi pero sa huli tumuloy parin siya.

Binilinan ni Ziana ang mga guard na nagbabantay sa village na papasukin si Cameron kaya madali ring nakapasok ang binata.

Palinga-linga siya sa paligid namangha sa mga kabahayan dahil sa ganda at laki nang mga ito.

Ilang minuto ay nasa tapat na siya ng bahay nila Ziana. Namangha rin siya dahil sa mala mansion nitong hitsura.

Bigla siyang nanliit para sa sarili. Bagay ba siya doon? Nagsimula rin siyang kabahan sa tanang buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng husto.

Lumabas siya sa kotse at inayos ang sarili. Naghanda talaga siya ng bongga effort na effort!

Pinindot niya ang doorbell at binuksan 'yon ng dalawang guard ang malaking gate. Sa labas may nakalagay din na CCTV cameras.

"Kayo po ba si Mr. Dela Fuente?" Tanong ng guard.

"Ahh opo."

"Sige pasok ka Sir, tol puntahan mo muna si Ma'am at sabihin na nandito na ang bisita."

"Sige tol."

Hindi muna siya humakbang sa katunayan para siyang aso na pagala gala at nakahanap nang masisilongan na maayos.

Bago paman siya pumunta rito ay bumili muna siya ng bulaklak ayaw talaga niya 'yong bongga at magastos kaya pinili niya 'yong simple yet elegant.

NASA LOOB ng bahay 'yong isang guard at hinanap si Ziana mabuti nalang at nandon sa living room nanuod ng tv.

Ang kanyang Daddy at Mommy ay nasa kwarto pa may kung anong ginawa siguro baba rin ang mga 'yon.

Papunta palang si Zian kasama ang asawa nitong si Nicolette.

"Ma'am andyan na po si Sir." Untag sa kanya.

"Huh? Ahh.. Sige salamat manong." Tumayo na siya at lumabas.

Busy rin ang mga kasambahay nila sa mga inihandang pagkain para bang may bonggang okasyon.

"Hi," Sabi ni Ziana sa malayo dahan-dahan siyang lumakad papalapit kay Cameron.

Si Cameron naman namangha sa hitsura ng dalaga. Nakasuot pa ito ng ilang inches na heels tapos dress na hapit talaga sa bewang.

Siya? Simple raman ang ayos ni Cameron pero malakas ang dating mas lalong guwapo.

Binigay ni Cameron ang bulaklak kay Ziana. "Aww so sweet, thanks. Halika let's get inside." Nahihiyang sinabi ni Ziana.

Pagpasok nila sa loob ng bahay mas lalong nalula si Cameron dahil sa ganda at elegante nang bahay. Hanggang sa nakita niya ang mag-asawang bumaba galing sa hagdan mas kinabahan siya ng husto.

Just let Me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon