04

8 1 0
                                    

Chapter 4

"Ma, ugh please I'm not baby anymore!" Inis na inis si Jave sa kanyang mama dahil kahit binata na siya baby parin ang turing sa kanya.

"Oh c'mon baby boy.. Wala namang masama kung tawagin kita ng ganyan eh." May pagtatampo sa boses nito.

Lumambot naman ang puso ni Jave kahit kailan mama's boy talaga siya. Ang Mama lang niya talaga ang nakakaunawa sa kanya at ang mama lang din niya ang nakakaalam na may gusto siya kay Ziana.

Hinagkan ni Jave sa noo at niyakap niya ang kanyang mama sa ganong paraan mawawala ang inis niya at pagtatampo sa kanyang mama.

Kinuwento ni Jave na may umaaligid na lalaki kay Ziana. Tumawa naman ang kanyang Mama.

"Geez, dapat ang bantayan mo baby ay 'yong lalaki na lumalapit kay Ziana." Sabi ng kanyang Mama.

"Yeah." Tangi niyang sinabi.

SA CRUZ UNIVERSITY maraming nagkalat na mga studyante busy sa mga school projects at mga kung ano-ano dahil bukas na ang exam at deadline na rin sa kanilang mga requirements.

Naglalakad sila Cameron, Clarkk, Kinz at Nexus. Kahit busy ang mga nasa paligid nagawa parin silang sulyapan ng mga tao mapababae, binabae at lalaki.

Sa cafeteria nandon sila Ericka at mga barkada niyang sila Britney at Chella. Wala lang sa kanila kung bukas na ang exam tanging ginawa lang nila ay tumambay at hindi mawawala sa kanila ang magpaganda.

"Gaad! Look girls may something ba kina Cameron at Ziana?" Mataray na sinabi ni Britney ang pinakamaarte sa kanila.

Hawak niya ang kanyang mamahaling cellphone at nakita niya sa isang website ang larawan nila Cameron.

Tinignan naman nila Ericka at Chella 'yon. Agad sumama ang timpla ng mukha ni Ericka hindi makapaniwala sa nakita. Nagkatinginan naman sina Britney at Chella alam nila kung paano magalit si Ericka kaya tumuwid ng pagkaupo ang dalawa saka pinakalma ang kaibigan.

"Uhm.. Ericka okay kalang?" Si Chella.

Tumango naman si Ericka saka ngumiti-- ngiting may binabalak.

"Of course!"

Gusto ni Ericka si Cameron kaya kailangan niyang puntahan ito at tatanungin kung ano ba ang namamagitan sa kanila ni Ziana.

Hindi siya papayag na basta basta nalamang mapupunta si Cameron sa iba.

NANG HAPON na 'yon hinanap ni Ericka si Cameron sa buong campus kanina pa niya ito tinatawagan pero ring lang ng ring. Naiinis na siya dahil maski sila Clarkk hindi alam kung nasaan si Cameron.

Sa field nandon sina Ziana at Chlover hinintay si Jave dahil may binili muna ang binata at naiwan silang dalawang magpinsan.

"Couz, let me tell you something." Panimula ni Chlover.

Agad-agad namang nakinig si Ziana habang nakangiti.

"Ano ba 'yon couz?"

"But promise me muna na hindi mo ipagsasabi kahit kanino okay?" Namumula na ang mukha ni Chlover.

"Alright spit out."

Kinagat ni Chlover ang kanyang pang-ibabang labi saka mas lumapit pa siya sa kanyang pinsan saka binulongan.

"I like Jave." Pag-amin niya nanlaki naman ang mata ni Ziana sa natuklasan.

Natawa siya ng konti. "Really? Haha! I knew it! Ramdam ko talaga 'yon couz the way na kapag tumitingin ka sa kanya and then when he's around para bang nagiging blooming ka bigla.. Hmm, kailan pa?" Usisa pa ni Ziana.

"Matagal na sometimes I got jealous kasi ang sweet niyong dalawa. You like him rin ba?" Tanong ni Chlover.

Ziana rolled her eyes. "Nope I don't like him as a man. But I loved him as my bestfriend. Kaya don't worry couz hindi ko siya aagawin sa 'yo." Tapos nagtawanan ang dalawa.

Nagkatingin sila nang dumating si Jave may bitbit na mga pagkain.

Nahanap rin sa wakas ni Ericka si Cameron sa field. Malayo sa kinaroroonan nila Ziana, Jave at Chlover. Tinignan 'yon ni Cameron ang tatlo at agad kumunot ang noo ni Ericka sa nakita kaya nilapitan niya ito.

"Cameron, Hi! Anong ginagawa mo dyan?" Masigla niyang sambit.

Medyo nagulat si Cameron sa biglang pagsulpot ni Ericka.

"Oh Ericka hello.. Uhm, wala may tinitignan lang." Kinakabahang sinabi ng binata.

Sumilip naman si Ericka. "Really? Sino-sino ba? Hmm.. Ah it's Ziana!"

Hindi alam ni Cameron ang kanyang gagawin. Bakit ba kasi niya tinignan sila Ziana diba? Ayan tuloy may nakakita pa at mismo si Ericka. Kaya ang ginawa niya lang hinawakan niya ang braso ni Ericka at nagpatianod naman ang dalaga.

Nasa garden sila hindi masyadong maingay at walang masyadong tao.

"True ba na may something sa inyo ni Ziana?" Nakahalukipkip si Ericka habang tinignan ng seryoso si Cameron.

Hinawakan ni Cameron ang kanyang batok. Paano ba siya mag i-explain? Nasa harap niya ang babaeng gusto niya. Paano na?

"I love you Cameron." Biglang sabi ni Ericka natigilan naman si Cameron hindi makapaniwala sa narinig.

"You what?" Ulit pa ng binata.

Nilapitan ni Ericka si Cameron at agad itong hinalikan sa labi.

"I love you,"

Kumurap-kurap si Cameron hindi parin makapaniwala. Para sa kanya ang swerte niya para siyang nanalo sa lotto.

"I love you too Ericka." Sabi niya sa dalaga na nagulat rin.

Nagkatinginan ang dalawa para bang hindi na kailangan ng eksplenasyon kung kailan sila nagka gusto sa isa't isa. Sa araw na 'yon naging sila na. Pero tinanong parin ni Ericka si Cameron.

Nasa sasakyan na sila ngayong dalawa hinawakan ni Cameron ang kamay ni Ericka saka hinalikan 'yon.

"I want to be honest.. Look sila Clarkk kasi bigla nalang niyang sinabi na mag pustahan daw kami. Alam mo naman kung ano ang mga trip nila diba? So ayon nga ako ang mauuna kapag mananalo raw ako sa bet namin sa akin na ang kanilang itinaya. Sinabi nila na paiibigin ko raw si Ziana tapos agad naman akong umo-o agad. Please don't be jealous, I don't fucking like that girl." Litanya ni Cameron.

Tila naintindihan ni Ericka si Cameron.

"Okay so what's your next move?"

Ngumuso naman si Cameron. "I don't know."

Naghalikan muna ang dalawa at si Ericka na mismo ang gumawa ng plano para lang sa pustahan nila Cameron. Syempre gusto niyang manalo ang kanyang boyfriend.

Sana all.

Just let Me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon