Shai's POVMonday na, Kakausapin ko na si yuri. Yung nangyare kahapon diko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para kausapin si yuri nung oras na yun.
Flashback
Pumunta ako sa photo booth para makita kung marami bang tayo. pero may nakita ako. Lumabas si yuri, may kasama syang babae.Agad agad?!? Putcha! Kahapon lang sila nagbreak tapos ano? Meron agad? Nakita kong nakapulupot yung mga kamay ng babae sa braso ni yuri. Sa sobrang inis ko.Hindi ko na puna na natawag ko si yuri at nagulat sya na ako nakita niya
"Yuri ano to?!?" pasigaw ako. Tae! Sinayang lang ni jane luha niya para sa gagong to?
"Who are you? Kilala mo ba sya bheyb?" sabe nung malanding babae
"Oo sandali lang," sabe niya at kumalas ito sa hawak ng babae.
Lumayo kame ng ka-onti para di marinig ng babae ang pinaguusapan namen.
"Shai makinig ka, Di ko sya girlfriend o ano man ang nasa isip mo ngayon. Pero sana wag mo munang ipaalam o sabihin ito kay jane."Sabe ni yuri
"Eh gago ka pala eh!? Paanong di ko sasabihin yung nakita ko? Halos di na nga kayo mapaglayo nung babae na yun e?!" sabe ko. Nanggigigil ako!
"Hinaan mo boses mo kung ayaw mong madamay, Malalaman niyo den shai"sabe niya.
"Sabihin mo saken yuri, Hinding hindi ko ipapaalam kay jane ito. Bukas? Sa lab magusap tayo. Aantayin kita. Pumasok ka ng umaga."Sabe ko
"Pagiisipan ko shai, Ayokong madamay kayo. At lalong lalo na si jane" sabe niya at umalis na.
Kinabahan ako bigla, Tumunog ang phone ko. Si jane tumatawag.
Besbud kong taba<3 is calling...
"Hello?"
[Where are you? Di kita mahanap!]
"Jane umuwe nako pasesnsya na, Si mommy kase eh" Sht, Lord. patawarin niyo ko.
[Ang daya mo naman!, Okay sige kakaen lang kame then uwe na den.]
"Okay, Take care bye bye. I love you. Babawe ako."
[I know, Osge na! Babuuu. I love you more]
End called
Pauwe pa lang talaga ako nun, Iniisip ko kung tama ba ang gagawin ko. Magsisinungaling ako sa bestfriend ko. Di ko alam kung ano pumasok sa kokote ko eh,Alam ko lang para di na sya masaktan at para malaman ko den kung ano ang dahilan ni yuri kung baket sya nakipagbreak kay jane.
End of flashback
Nandito ako ngayon sa bench, Sa tapat ng lab. Inagahan ko talaga pumasok para makausap si yuri. 8:30 am pa lang. Mamayang 11:30 pa ang start ng class namen.
Since alam kong mamaya pang 10 papasok si yuri pumunta muna ako sa cafeteria para kumaen.
"1 bottle of water and carbonara please" sabe ko sa counter.
Nang ibigay yun sa akin, Nakita ko si yuri na papunta sa lab. Sabe ko na eh. Nagshort cut nako sa 2nd floor. At sakto wala pa sya. Inantay ko sya pero wala paden. Mag10:30 na.
Kaylangan ko pang mag community service.Aalis na sana ko ng may tumawag saken. Si yuri.
"Buti naman dumating ka." sabe ko
"Pinagisipan ko ng mabuti to.Ayoko lang ng may madamay. Ayoko talaga kayo idamay sa problema ko"sabe niya
"Di nako magpapaligoy-ligoy pa, Mahal mo pa ba si jane? Minahal mo ba talaga sya? Baket mo sya iniwan? Akala ko ba di mo iiwan yung bestfriend ko? Sht, Nangako ka saken 10 months ago yuri! Bago ka sagutin ni jane! Pero ano tong ginagawa mo?!?"sabe ko.
