Jane's POV2 linggo na, 2 linggo nagkululong sa kwarto,2 linggong walang tulog, 2 linggong laging umiiyak, 2 linggong patuloy na hinahabol si yuri, 2 linggong pinaguusapan sa campus, 2 linggong punong puno ng problema.
Baket pa kase umabot sa ganito? Masaya naman kame ah? Pero baket iniwan niya ko? Ang dami pang tanong na di pa nasasagot. Yung mga kaibigan ko nga alalang alala na sa akin eh, Lalo na si shai. Sorry besbud. Alam kong nagagalit na sya kase nagiging tanga na daw ako.
Sinabe ko lang 'Wala kang alam, Mahal ko siya.Kaya wala akong pake kung ano man sabihin nyo o nila' Alam kong nasaktan yun. Besprin kame eh. Pero kaylangan ko na nga bang magmove on? Kaylangan ko na ba talaga siyang kalimutan? Yung mga masasayang araw na kasama siya. Magiging memories na nga lang ba talaga? Ang sakit sakit naman sa vagina</3. Nagmahal lang naman kase ko eh! Pero sabe nga nila kasama ang masaktan kapag nagmahal ka! Putang berde nama eh?! Sino bang may gustong masaktan ah? Ikaw nasaktan kana ba?
Napapabayaan ko na nga pagaaral at pagkain ko e. Sa tingin ko pumayat na ko eh. Gaga! Mataba ka pa din. Hala!? Konsensya ikaw ba yan?.
Nageemote ako eh! Magkagalit kami ni shai ngayon dahil nga sa paghahabol ko kay yuri.Nagkasagutan kami nun.Flashback
Di ko na naman ginagalaw yung pagkain na niluto ni shai.Wala akong gana eh? Pake ba nila ha? Kahet alam kong masarap yung sinigang na baboy na to. Walang epekto yung tiyan ko na kumaen.
"Sht." Napamura si shai.Kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Hanggang kelan jane ah?! Putrages naman oh! Mukha ka ng aso eh! Hinahabol mo yung taong wala namang pakielam sayo!? Ako nahihirapan sa mga kagagahan na ginagawa mo! Sinabe ko na kaseng tumugil ka na eh!" Napatayo sya.
"Inaano ba kita ah?! Ano bang pakielam mo ah? Kung hanggang kelan ko hahabulin si yuri?! Lol, Mahal pa ako ni yuri tandaan mo yan!!" Sigaw ko pabalik.
"Ano ba?! LAGI NA LANG KAYONG NAGAAWAY!!" sigaw ni mariz
"Ayoko na kumain" Pumanik na lang ako at nagkulong sa kwarto
End of flackback.
Oh? Diba, Ayokong mawala bestfriend ko sakin. Siya na lang ang meron ako. Pati sila mariz. Ititigil ko na talaga ito. Ayoko ng umaasa sa taong di naman talaga babalik sa akin. Hindi naman ako yung nawalan siya. Sinayang niya ko. At ipapamukha ko sa kanya kung sino ang sinayang niya.
Tinignan ko ang wrist watch ko, 9:03 am palang. Tumingin ako sa salamin. Ang panget ko na. Ang haggard na ng peslak ko. Yung eyebags ko grabe!. Tapos yung buhok ko. Mukhang di ko na nasusuklayan.Kaylangan ko lang ngayon. Magbago. Ipamukha sa taong sinaktan at pinaiyak ako. Maglaway ka sa kagandahan kong ulol ka!
Naligo muna ko, Kaylangan kong magpaayos.Kaylangan maging kapansin-pansin ako.Kaylangan maging maganda ako ule.Nagbihis na ko ng sibilyan kase friday ngayon at sibilyan kame. Nagmaong na kupas ako na parang may touchy na butas butas. Tapos nagsando ko. Tinak-in ko sa pantalon at kinuha yung hang shirt ko na nakalagay dun ay 'bullsht' Ang cute kaya! Tapos nagsapatos ako ng vans. Naalala ko bigla si shai. Parehas kame nito. Kaylangan ko na den makipagbati sa kanya. Tutal Mamaya pang 11 Pasok naman. Lumabas nako at wala pang tao sa salas. Mga tulog pa sila eh.
Pumunta ako sa david's salon para magpakulot at magpakulay ng buhok. Gusto ko ng newlook para makita nila kung ano ang epekto ng napagiiwanan.Pumasok na at sinabe sa bakla ang gusto ko.
After 1 hour
Emerged!! Ako ba talaga itech? Ang ganda ko naman!! Nakakaexcite naman na pumasok agad.Tumayo nako at pumunta sa cashier para bayaran yung pinagawa ko. Bago ko umalis sa salon tinignan ko muna yung mukha ko sa salamin.
'Move on na jane mashado kang maganda para iyakan sya'
---
Pasensya na sa long update :( nabura kase lahat ng stories ko na iuupdate ko dapat. im sorry :* ~Dyowshaaaa