Part 2 - Ang Dahilan

14 0 0
                                    

Pumasok na ako sa bahay nila Roger.

"Ate, turon po... padala ni Nanay.", sabay abot kay Ate Cristy ng supot ng turon.

"Naku, salamat! Si Aling Lina talaga, nag-abala pa. Sabihin mo kay Nanay mo salamat ha. Ipapaabot ko na lang ang bayad mamaya pagdating ni Ate Marlyn."

"Ay, libre po yan Ate... para sa inyo.. para kay Roger.", tugon kong may ngiti.

"Hay naku, ikaw talaga! Sige akyatin mo na yung kakambal mo sa terrace. Kanina pa yun naghihintay.", sambit ni Ate Cristy.

Parang kidlat kong inakyat ang hagdan patungong terrace. Andun nga si Roger, nakaupo at nakatingala habang nagpapahinga. Nakapatong pa ang kanyang isang paa sa lamesitang nasa harap. At dahil mainit ang hapon, naka-sandong puti at maluwag na short lang si Roger. Kitang-kita ko ang magandang hubog ng kanyang dibdib at mga braso, pati mga hita. Bilad na bilad din ang kaputian ng best friend ko.

"Roger... Kumusta ka? Anong pakiramdam mo? May sakit ka ba? O may nakaaway ka ba sa barkada? Bakit ilang araw ka nang hindi lumalabas at nakikipaglaro? May dinaramdam ka ba?", tuloy-tuloy kong tanong.

"Wala! Hahahahaha... Ano ka ba? Daig mo pa ang imbestigador magtanong ah.", tugon ni Roger.

"Eh ano nga ang dahilan bakit andito ka lang? Tapos nakahilata ka lang at nakatulala. Hindi ka ba nababagot ng ganyan? Ano bang dinaramdam mo? Pinagbawalan ka ba nila Mama Marlyn na lumabas?"

"Jordan, relax... ayos lang ako. Nag-aalala ka masyado eh. Na-miss mo ako 'noh?"

Boom!!! Para akong sinilihan at natuod sa harap ni Roger. Hindi ko alam bakit. Pero pakiramdam ko'y umiinit ang aking mukha. Di ko din alam kung ano ang isasagot sa huling tanong nya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang tumango at maupo sa kanyang harapan.

"Dito ka maupo sa tabi ko... ang layo mo eh."

Akma namang tatayo ako nang bumungad si Ate Cristy na dala-dala ang isang tray ng meryenda - ang turon na dala ko at ang pitsel ng malamig na orange juice na paborito din naming inumin ni Roger.

"O mga kambal... magmeryenda muna kayo. Mas masarap magkwentuhan kung may nginunguya.", sambit ni Ate Cristy.

"Wow!! Salamat Ate ha.. Paborito ko yan!!", si Roger.

"Hay, wag ka sa akin magpasalamat. Kay Jordan ka magpasalamat dahil dinalhan ka nya ng turon... Mahal na mahal ka ng kambal mo eh 'noh?", tugon naman ni Ate Cristy sabay lapag ng meryenda sa lamesita.

"... At kung may kailangan pa kayo, tawagin nyo lang ako sa baba ha!", pahabol na sambit pa ni Ate Cristy na may kasabay na ngiti bago tumalikod at bumaba. Napaupo naman akong nakangiti.

Umupo ako sa tabi ni Roger. Nakatingin naman sya sa akin at nakangiti rin... na sa pakiwari ko'y nakakabighani. Bumulong na naman ang utak ko... "Haaaay, Roger.. bakit mo ko ngingitian ng ganito? Bakit ako nakakaramdam ng kakaiba sa mga ngiti at titig mo?"

"O bakit ganyan ka makatingin? Ngumingisi ka pa! Di mo pa sinagot kahit isang tanong ko ah!", tudyo ko kay Roger.

"Totoo ba?...", ngumingiting tanong ni Roger.

"Ang alin?", tugon ko.

"... Na mahal na mahal mo ako?"

Nakatitig pa din sya sa akin at nakangiti ng pagkatamis-tamis... Naghihintay ng sagot ko.

At tuluyan na nga yatang namula ang buo kong katawan dahil sa tagpong ito. Para akong nasementuhan sa pagkakaupo ko sa tabi ni Roger.

Pabirong sinungkal at inakbayan ako ni Roger sabay tanong muli ng...

"Totoo bang mahal na mahal mo ako?... Yan ang sabi ni Ate Cristy kanina eh.", pangungulit ni Roger.

"Loko 'to!!! Nagdala lang ng turon, mahal na agad? Eh paborito naman natin 'to noon pa man!", sabay layo ng konti upang makalas ako sa pagkaka-akbay ni Roger... at makahinga din ng maluwag. Dahil parang naputulan ako ng paghinga sa sunod-sunod na banat at tanong ni Roger sa akin pati na ang pagtitig at pag-ngiti nya sa akin.

"Na-miss mo ako 'noh?..."

"Makulit ka rin eh 'noh? Buti nga dinalahan ka ng meryenda eh..."

"Eh kasi nga, na-miss mo ako!"

"Oo na! Kung dyan ka masaya! Hahahahaha!", pabirong banat ko kay Roger.

"Kumain muna tayo nitong dala mo bago pa lumamig."

Inabot ko kay Roger ang isang stick ng  turon at nagsalin na din ako ng orange juice sa dalawang baso.

"Ang sarap talaga ng turon na luto ni Nanay Lina, 'noh?", si Roger... sabay kagat muli ng turon.

"Bola!... Libre kasi!", sagot ko.

"Hindi ah! Masarap talaga, tama sa tamis at nakadagdag pa sa sarap ang langka na nilalagay ni Nanay!", tugon ni Roger na nakangiti pa rin kahit ngumunguya.

"Ano ba talaga nangyari sa iyo? Bakit ilang araw ka nang hindi lumalabas?"

Muli akong kinabig ni Roger palapit at inakbayan.

"Umamin ka muna... Na-miss mo ako, diba?", sabay kindat pa ang mokong.

"Ayos ka din mang-asar eh 'noh?! Masama bang mag-alala sa iyo? Para na nga tayong magkapatid eh!"

"O, eh di na-miss mo nga ako!", sabay tawa ng malakas si Roger.

Pasandal akong inakbayan ni Roger habang kumakain ng turon sabay sabing...

"Ang totoo nyan, wala naman akong sakit. Wala ring nakagalit. At hindi rin pinagbawalan nila Mama..."

"Eh bakit nga hindi ka lumalabas? Kanina pa ako nagtatanong, puro kalokohan naman ang sagot mo."

"Lambing lang naman yun... hahahahahaha...", sagot ni Roger.

Kumabog ng bahagya ang dibdib ko sa sagot na yun. Pero nalilito pa rin ako sa naiisip ko at nararamdaman. Muli syang nagsalita...

"Bakit natigilan kang bigla? Hoy! Kanina lang para kang imbestigador. Ngayon, tulala ka."

Hindi ko mamalayang napatulala ako sa harap ni Roger... marahil nag-iisip kasi ako o talagang di ko alam ang isasagot ko.

"... Namumula ang mukha mo.", sambit ni Roger.

"Ha?! Baka mainit lang kasi...", tugon ko.

"Hindi. Kanina ka pa namumula."

Malamang nga na namumula na ako kasi kanina pa ako parang lalagnatin sa harap ni Roger.

Habang naka-akbay pa rin at kumakain ng turon, inamin na ni Roger...

"... Ang totoo niyan Jordan, kakatapos ko lang matuli. Kaya hindi muna ako makalabas at makapaglaro."



Best BudWhere stories live. Discover now