Part 4 - "Ikaw Pa Ba?..."

7 0 0
                                    

Nagtataka talaga ako sa inaarte nitong mokong na 'to... nakakatawa pero pinipigilan ko ng sarili kong humagalpak. Sa isang banda, ok lang naman sa akin, sa isip-isip ko, "... ikaw pa ba?.. eh malakas ka sa akin."

Napatulala na naman ako nang makita ko ang "tanging yaman" ni Roger. Pasintabi lang, pero nakita kong may katabaan at kahabaan ang parteng yun ni Roger. Mamula-mula at napapaligiran ng maninipis na animo'y balahibo. Di ko alam kung gaano katagal ko syang pinagmasdang umihi. Sa pakiwari ko'y talagang umaarte lang 'to! At natatawa na lang ako.

Nang matapos sya'y...

"Pakitaas naman ulit, please... paki buhol na din... paano na lang Jordan kung wala ka sa tabi ko?"

"Loko ka! Akala mo naman 'to naimbalido! Tinuli ka lang naman!"

"Lambing lang naman eh... at saka, pag ikaw naman ang makaranas nito, tutulungan din kita."

Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o matatawa. Ewan ko. Basta masaya lang ako.

"O, masaya ka na?! Wala ka ng maitatago sa akin, loko!!! Nakita ko na yan! Ang pangit pala ng hitsura kapag may tahi-tahi... Pero kumikirot pa ba? Mukhang pahilom na naman ah.", tanong ko.

"Di bale, ikaw lang naman ang nakakita nyan bukod sa gumawa nyan. Di mo pa nga nahawakan eh. Minsan kapag tumatayo si junior, syempre masakit ah.", tugon ni Roger.

Sa isip-isip ko, "Aba! May plano pa talagang ipahawak sa akin?" Natawa na lang ako sa sarili ko. Ang ingay ng utak ko! Buti na lang hindi naririnig ni Roger.

"O, bakit tumatawa ka dyan mag-isa? Anong iniisip mo?! Loka ka ha!"

Nagtatawanan kaming lumabas ng palikuran at muling naglakad ng paika-ika pabalik sa terrace. Pagkaupo namin, muli na naman akong pinatabi ni Roger sa kanya.

"Salamat Jordan ha.."

"Salamat sa saan?... sa pag-ihi?!"

"Hindi lang. Salamat kasi mapagpasensya ka sa akin. Nasasakyan mo ang kalokohan ko. Kaya masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag kausap kita. Alam ko parang weird, pero di naman ako nag-aalangan. Basta ang alam ko iba ang saya ko 'pag kasama kita."

Kumabog na naman ang dibdib ko. Lalo na nung inakbayan na naman nya ako at sabay kaming sumandal sa sofa.

"Bola!! Hahahaha.. Pero salamat din Roger ha... sa pagiging ikaw. Maloko din naman ako eh, alam mo yan. Pero kaya mong tapatan ang kulit ko.", tugon ko.

Sinuklian naman ni Roger ng napakatamis na ngiti ang sinabi ko. Sabay kabig ng mahigpit sa pagkaka-akbay. Halos magdikit ang aming mga pisngi. Di ko nga alam kung namumula na naman ako. Sa palagay ko'y namumula na nga ako dahil nakaramdam na naman ako ng init sa mga mukha ko.

Marami pa kaming napagkwentuhan at napagtawanan ni Roger noong hapon na yun. Ang bawat minuto ay napakasarap sa damdamin naming pareho. Daig pa namin ang buong araw na naglaro sa kalsada.

Napaisip tuloy ako kung pareho ba ang nararamdaman ni Roger sa nararamdaman ko sa kanya? Basta ang alam ko, iba ang saya na nadarama ko kapag kasama ko sya, o kapag kausap ko sya. Madalas ay hindi namin namamalayan ang oras at kung magkaminsan pa'y tila kinukulang ang buong maghapon para sa amin.

"Lalabas ka ba ulit bukas?", tanong ni Roger at sumandaling kumalas ang kanyang bisig sa pagkakaakbay sa akin.

"Pinapauwi mo na ba ako?... Hahahaha... Oo naman, kapag wala namang iuutos si Nanay, pwede naman ako lumabas. Bakit?"

"Gusto ko sanang puntahan mo ko ulit dito. Medyo malungkot kasi kapag nakatunganga lang at mag-isa eh, walang kausap. Nakakabagot. Kapag andito ka, nawawala yung bagot ko, masaya ako... masaya ka din ba kapag kasama mo ako?..."

Tinanganan ni Roger ang kamay ko nang tanungin nya ako. Sabay ngiti na naman sa akin. Gusto ko nang isigaw na "Oo!!!", at siguro kung ang titig at ngiti ay nakamamatay, kanina pa ako nakabulagta. Hindi ko alam ang aking nadarama, pero isa lang ang alam ko, masaya ako.

"Oo naman, sige aakyat ako ulit dito para samahan ka. Ikaw pa! Malakas ka sa akin eh! Kung gusto mo agahan ko pa eh..."

Sinuklian ko din ng ngiti ang kanyang mga ngiti. At hindi ko napigilan ang sarili kong dumantay sa kanyang balikat. Inapuhap ng kanyang kamay ang aking pisngi at mahinay na pinikpik sabay sabing...

"Salamat talaga ha.."

Sa puntong yun, parang ayaw ko ng matapos ang oras. Nagtatanong ang isip ko... "Bakit ganito ang nararamdaman ko sa iyo, Roger? Ganito rin ba ang nararamdaman mo? Pareho tayong lalaki. Pero posible bang ganito tayo?"...

Hindi ko inaakalang magiging ganito kami kalapit sa isa't-isa. Siguro nga'y ganito talaga kapag kasabay mong lumaki, na mula pa sa pagkabata ay laging sya na ang madalas kong kalaro at kasama. Maging sa paaralan, kami ang madalas magkasabay pumasok, kumain, magkausap, at umuwi. May ilang araw na hindi sabay matapos ang aming klase, pero lagi kaming naghihintayan para sabay na umuwi. May pagkakataon pang ipinagtatanggol pa ako ni Roger sa mga bully na walang inatupag kundi ang gawin miserable ang buhay ng kahit sinong bata.

Ngayo'y nagbibinata na kami pareho. At hindi naman lingid sa amin na maraming tumitingin sa aming mga kaklaseng babae... na halos mamilipit sa kilig kung aming malingon man lang. Sa totoo lang, di naman namin talaga nabibigyan ng pansin ang mga iyon at tinatawanan na lang.

"Ubusin na natin itong juice, may isang stick pa ng turon, baka gusto mo pa...", turan ko kay Roger.

"Sige hati tayo sa turon.", yan naman ang tugon ko habang nagsasalin ng juice.

Inabot ko kay Roger ang turon. At sa hindi inaasahang pagkakataon, sinubuan nya ako sabay sabing, "Ikaw ang maunang kumagat..." Medyo nakaramdam ako ng hiya pero kumagat ako ng turon habang pinagmamasdan ako ni Roger na nakangiti. Sa isip-isip ko, "... Yang ngiti talagang yan o!... nakakapanghina na ah!" At kumagat din si Roger ng turon.

"Alam mo, sobra na 'to! Nagsusubuan pa eh! Hahahahahahaha", tudyo ko sa kanya.

"Bakit naman? Ayaw mo ba? Sinubuan lang naman ah... Isipin mo na lang na lambing lang yan...", sambit ni Roger.

Best BudWhere stories live. Discover now