Part 11 - Pangako

3 0 0
                                        

Pakiramdam ko ay nanghina ako sa halik ni Roger. Mainit. Masarap. At dahil kabigha-bighani ang amoy ng kanyang bibig, nagparaya ako kay Roger ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay naubos ang hininga ko. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo at ang pagtakbo ng oras. Ganun pala ang halik. Nakakapanghina, pero parang inililipad ka sa alapaap. Siguro yan ang dahilan bakit napapapikit ang sinuman na naghahalikan.

Si Roger. Sya ang unang lalaki na bumihag ng puso at isipan ko. Yung klase ng pagkabihag na masarap at magaan sa pakiramdam. Sya rin ang kauna-unahang lalaki na humalik sa akin ng ubod tamis. Sya ang una ko at wala ng susunod pa. Sa tuwing lumalapat ang kanyang mga bisig sa aking balikat, o ang kanyang mga kamay sa aking kamay ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil may kilig akong nararamdaman. Hindi ko alam kung napapansin ng mahal ko yan, pero sa tingin ko ay nararamdaman naman nya. Hindi ko inakala na magiging kami dahil una sa lahat, kami ay bata pa. At malamang na maari pang magbago ang aming damdamin sa isa't-isa pagdating ng panahon. Pero hindi namin pareho inisip na magbabago kami sa isa't-isa o lalayo man, o maghihiwalay. Basta't mananatili kaming tapat at nagmamahalan, sapat na para kami magtagal.

Matapos ang tila napakahabang sandali na magkalapat ang aming mga labi, marahang kumalas kami sa pagkakayakap at pagkakahalik.

"Ang sarap pala ng halik, lalo na kung galing sa pinakamamahal mo..", yan ang unang mga salitang nabanggit ko.

"Nagustuhan mo ba, love? Ikaw ang una kong hinalikan.. at wala akong planong humalik pa ng iba..", tugon naman ni Roger.

"Mahal kita, Roger.. mahal na mahal."

"Mahal na mahal din kita, Jordan. At pangako ko sa iyo na ikaw lang ang nasa puso ko. Hindi kaila sa ating may mga tukso sa paligid, o mga nagpaparamdam. Pero pangako ko sa iyo, Jordan, ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba. Sa iyo lang ang puso ko at ang buong ako."

"Roger, mahal din kita. Pangako ko din sa iyo na ikaw lang din ang laman ng isip at puso ko. Hindi kita ipagpapalit sa kahit sino. Ikaw lang, sapat na. Ikaw lang ang para sa akin. Mamahalin kita ng buong-buo."

Para kaming nasa harap ng altar ng mga sandaling iyon at nangangakong magmamahalan ng walang alinlangan. Napakasarap sa damdamin. Napakatamis sa pandinig. Pareho kaming napuno ng saya ng umagang iyon.

Magkahawak-kamay kaming nagkwentuhan sa terrace. At gaya ng dati, punong-puno pa rin ito ng tawanan at biruan.

Maya-maya ay may narinig kaming kumakatok sa gate sa ibaba. Tumayo ako't lumapit sa balkon upang tanawin kung sino ang kumakatok.

"Nay!! Ikaw po pala yan.."

Bago pa man makasagot si Nanay at tumingala, nakita ko na si Ate Cristy na pinagbuksan sya ng gate. Saglit silang nag-usap, at pinatuloy na ni Ate Cristy si Nanay. Sinalubong ko naman sya sa may puno ng hagdan.

"Nay! Pauwi na din po sana ako, naunahan nyo lang po ako.. hehehehe."

"Sinadya ko talagang pumunta dito, gusto ko kasing kumustahin si Roger."

"Hali po kayo Nay!", bati naman ni Roger na nakaupo sa sofa sa terrace.

"O, anak, kumusta ka? Ang balita ko dito eh bagong tuli ka daw! Akala ko'y may sakit ka. Pinadalahan kita ng mangga kay Roger ah, natikman mo na ba? Kumusta ka naman?", pag-aalala ni Nanay.

"Wow! Ang lambing naman ni Nanay.. ok naman po ako. Medyo madalang na po ang pagkirot. Salamat po sa mangga ha..", nakangiting tugon ni Roger.

"Walang anuman, hijo. Sya nga pala, anong oras ba ang uwi nila Marlyn at Naldy mamaya? May ipapakisuyo sana ako sa kanila."

"Kadalasan po, mga pasado alas sais na ng gabi, Nay. Babanggitin ko na lang din po sa kanila mamaya na gusto nyo po silang makausap.", tugon ni Roger.

"Sige, anak.. Sunduin ko na din muna pala itong si Jordan ha.. kasi magpapatulong lang ako sa kanya sa bahay. Hayaan mo't babalik naman sya pagkatapos ng pananghalian."

"No problem po, Nay. Salamat po ulit sa mangga ha.. Maya-maya naman po'y manananghalian na din kami ni Ate Cristy. Gusto nyo po bang dito na mag-lunch?", sagot ni Roger.

"Naku hindi na, anak. Sa susunod na lang. May kailangan pa kasi akong tapusin sa bahay at ibilin kay Jordan. Hayaan mo, minsan, dito kami manananghali at ipagluluto pa kita ng gusto mong ulam.", masuyong tugon ni Nanay.

"Balik ako mamaya ha.. samahan ko muna si Nanay.", pagpapaalam ko.

"Sure! Take your time, bestfriend!", tugon naman ni Roger ng may kindat at ngiti.

Bumaba kami ni Nanay mula sa terrace at nagpaalam na din kay Ate Cristy. Nais din nga sanang dito na kami pakainin ni Ate Cristy, pero tumanggi ulit si Nanay. At naglakad na kami ni Nanay patungong bahay.

Pagpasok namin, nakita kong nakaligpit na ang lamesa ng paninda ni Nanay.

"Naubos na po agad ang paninda, Nay?", tanong ko.

"May natira pang ilang piraso ng turon at bananaque. Ipinasok ko na kanina para may mameryenda tayo at madalhan ko sila Marlyn mamaya."

"Ah, Nay, ano nga po pala ang ipag-uutos nyo sa akin? At saka bakit po pala ninyo kakausapin sila Mama mamaya?", pag-uusisa ko.

"Magpapatulong lang ako sa iyong mag-ayos ng damit. Kasi tumawag sa akin ang Tita Alma mo, iniimbita akong umuwi ng Bicol bukas. Dumating kasi si Tito Rolan mo at may mga pasalubong daw para sa atin. Plano kong umuwi bukas ng umaga dahil Sabado naman at para makabalik na agad ako. Ihahabilin muna kita kila Marlyn, anak, ok lang ba? Dalawang gabi lang naman yun. Lunes ng hapon ay nandito na ulit ako. Pag isinama kasi kita'y mapipilitan pa tayong magtagal. Ayoko naman ng ganun, nakakahiya. Pero pangako ko, isasama kita sa susunod. "

"Ganun po ba? Sige po Nay, wala pong problema. Mag-iingat po kayo sa byahe ah?"

"Basta't tatawag ako sa iyo kapag dumating na ako dun. Behave ka kila Marlyn ha, huwag kang magpapasaway."

"Opo, Nay."

Best BudWhere stories live. Discover now