Sumisipol-sipol pa ako habang bumababa mula sa aking silid. Humarap ako sa malaking salamin na nasa aming sala.
"Ayan!! Gwapo mo, Jordan!!", bulalas ko sa harap ng salamin... "Tignan lang natin Roger, ako naman ang babanat sa iyo.. haha!"
Sinadya kong isuot ang paborito kong pulang sando at puting shorts. Siyempre, naglagay din ako ng konting pabango, yung hindi matapang at makapunit-ilong. Inayos ko ang buhok at nagpa-cute sa salamin. Pina-practice ko din ang makamandag kong ngiti at pinag-iisipan ko kung kailangan ko din bang kumindat.
"Ah, hindi na ako kikindat mamaya. Baka sabihin ni Roger ginagaya ko ang istilo nya. Dadaanin ko sya sa mga pa-cute kong ngiti. Humanda ka Roger, ikaw naman ang matutunaw!"
"Aba!... nagpa-gwapo ang anak ko ha!", panggulat ni Nanay.
"Nay, andyan ka na po pala!"
"May lakad ba kayo ni Roger? Halika nga muna't tulungan mo akong ipasok itong mga pinamili ko."
Tinulungan ko si Nanay na isalansan sa mesa ang mga pinamili nya. Pagkatapos ay inilatag ko naman ang lamesang "de-tiklop" sa harap ng bahay, pati na ang tapete.
"Nay, naiayos ko na po ang lamesa sa labas. Inilambong ko na din po ang lona para di ka mainitan.", pa-cute ko kay Nanay. Ngumiti naman sya sa akin at may inilabas na supot.
"Anak, isukat mo nga ito..."
Iniabot ni Nanay ang isang supot na may lamang mga damit - isang asul na sando, kamisetang puti na medyo pormal, at dalawang khaki shorts.
"Wow Nay!!! Ang gaganda naman po nito! Mukhang mamahalin ah!.. napagastos na naman po kayo ng wala sa oras... hindi ko naman po birthday eh.", may tuwang tugon ko kay Nanay.
Nakangiti lamang sya habang pinagmamasdan akong tuwang-tuwa sa kanyang pasalubong. Simple lang naman kasi ako. Hindi magarbo. Hindi ko kilangan ng sobrang mahal na mga gamit. Isa-isa kong ipinarada sa harap ng salamin ang mga bagong damit.
"Wow Nay.. ang gaganda naman po nito! Salamat po..", yumakap ako sa kanya sa tuwa.
"Walang anuman. Para sa iyo yan. Mainam din namang makabili ng damit paminsan-minsan. Tignan mo o, mayroon din akong tatlong bagong blusa... magagamit natin kapag tayo'y mamamasyal o magsisimba!"
Ipinakita din ni Nanay ang kanyang mga bagong blusa at masasabi kong magaganda rin... Sa isip ko, "Hmmm magaling talaga pumili ng damit si Nanay, bagay na bagay..."
"O, pupunta ka na ba kila Roger? Dalahin mo sa kanya itong manggang hinog."
Sa isip ko, "Sakto Nay! Ang galing.. may dahilan na ako para pumunta ng maaga kila Roger... mangga!!!"
At napangiti akong lalo..."Wow!!! May pa-mangga pa si Nanay ah! Mukhang nakarami po yata kayo ng benta kahapon ah!", magiliw kong tugon.
"Sakto lang anak... sakto lang para makabili tayo ng konting magpapasaya sa atin.. hahahahaha!"
"Salamat po Nay... 'da best' ka po talaga!", niyakap kong muli si Nanay at nagpaalam na.
"Uuwi na lang po ako Nay pag oras na ng tanghalian. Huwag nyo na po ako sunduin. See you later, Nay..."
Excited akong tumungo kila Roger. And as usual, nasa terrace na sya at naghihintay. Malayo pa lang ako'y nakita ko na syang nag-aabang sa itaas. At nagulat pa ako!!! Bulong ko sa sarili, "... Hmmm, mukhang nagpa-gwapo rin ang mokong ah! Tinernohan pa ang pulang sando ko. Ayaw magpatalo."
Napansin kong nakapaligo na din si Roger at gwapong-gwapo din naman sa kanyang suot na pulang sando at maluwag na short. Ilang hakbang pa'y kumaway na sya at sumigaw... "Akyat ka na dito!!"
Kumatok naman ako sa gate nila. Pagbukas ni Ate Cristy...
"Good morning Ate!!", bati ko.
"Aba teka! At nagterno pa kayo ha! Ano 'to, may production number ba? Saan ang sayaw? Hahahahaha!!", biro ni Ate Cristy.
"Naku Ate! Di ko naman po sadya. Hahahaha. Di ko naman po alam na magpupula din Roger ngayon. Naisipan ko lang po isuot itong paborito kong sando kasi.. hehehehe..", tugon ko.
"O sya, umakyat ka na at kanina pa yan dyan nakatunghay."
"Eto nga po pala Ate... mangga... bigay po ni Nanay."
"Ahahaaay! Nakakahiya naman kay Ate Lina, may pa-mangga pa! Sabihin mo salamat ha... magugustuhan ito ni Roger at nila Ate Marlyn... mukhang ang tatamis ha!"
Ngiti lang ang naitugon ko sa tuwa ni Ate Cristy. Umakyat na ako sa terrace. Nasa punong hagdan pa lang ako nang makita kong nakaabang na sa akin si Roger.
"Wow, ang gwapo naman! Terno pa tayo ah! Hahahaha."
Sinalubong nya ako ng isang yakap na ikinagulat ko. Sa isip ko, "... Ayos! Di ko inasahan yun ah.. naka-one point kaagad!"
"Ang bango mo naman!", sambit ni Roger na pabulong dahil sa pagkakayakap. Inapuhap pa nya ako ng pagsinghot sa aking magkabilang leeg at sa may ilalim ng tenga. Inaamin ko, medyo nakiliti ako sa ginawa nyang yun! Nagtindigan ang balahibo ko!
Mga ilang saglit din syang nakayakap at sumisinghot-singhot. At sa di inaasahan, napayakap na din ako. Mabango din si Roger. Yung bango na natural lamang... siguro dahil sa sabong gamit nyang panligo. Sa isip ko, "... Naka-puntos agad 'to! Sinasadya ba nya o nang-aasar lang talaga?"
"Tama na ang yakap at singhot!!! Nakakarami ka na ah! Ibang klaseng pasalubong yan.. naisahan mo ko!"
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at umakbay.
"Ang sarap mo yakapin at amuyin, Jordan.", pagpapa-cute nya na naman.
"Loko ka! Huwag mo ko sanayin ng ganyan!"
"Ito naman, parang bumati lang eh. Natuwa lang ako siguro kasi terno pa tayo."
Lumakad na kami papunta sa sofa sa terrace. At napansin kong mukhang hindi na masyadong iniinda ni Roger ang kanyang harapan. Hindi na sya paika-ika. Nagtanong ako...
"Mukhang hindi na masakit yan ah, hindi na ba kumakaskas?"
"Hindi na kumikirot ang sugat kahit wala akong briefs... pwera na lang kaninang madaling-araw... tumigas kasi."
Natawa ako ng palihim...
"Ngayon nga, medyo kumirot eh."
"Ha? Bakit, nadunggol ba kanina pagyakap mo?", pag-aalala ko.
"Hindi. Medyo kumislot kasi at parang nabuhayan.", pakindat nyang tugon.
"Pwede bang payakap ulit?", nakatitig pa si Roger nang sabihin ito.

YOU ARE READING
Best Bud
Historia CortaA Story of A Special Kind of Friendship That Grew Into A Special Kind of Love