11/08/19

29 0 0
                                    

PAGTANGGAP

Ramdam ko ang init sa aking mga pisngi na dulot ng mga luha
Sa gabing tahimik ngunit may maliliit na ingay na bumabaha
Mga memoryang pinipilit kong kinakalimutan
Pagnanais na makalimot ay hindi parin nakakamtan

Naaalala ko ang mga masasayang araw
Sa piling mo'y kasing sikat ni haring araw
Hindi mawaksi sa aking isipan
Kung paanong ang tulad ko'y iyong naging kaibigan

Binigyang importansya ang dating akala ko'y walang kwenta
Nangakong mananatili umabot man ng sesenta
Salitang plato, baso at platito ay ikaw ang naaalala ko
Dahil sa hindi ko inakalang ako'y bibigyang importansya mo

Hinahanap hanap ko ang pakiramdam noong tayo ay maayos pa
Ang mga tawag at yakap mo'y sobrang miss ko na
Paano kaya kung tayo'y di nagkalayo?
Maaari kayang maging mas matibay ang pundasyong itinayo?

Akala ko'y ikaw ang tipong pang matagalan
Sapagkat nakita ko sayo ang katotohanan
Ipinaramdam mong ako'y sapat at sobra pa sa inaasahan
Lubos ko iyong ipinagpapasalamat ng walang hanggan

Isang linggo lang ang langit sa piling mo
Sa huli ako'y binasura mo
Kaya ba ako'y ganon mo na lang kabilis na iniwan?
Walang pahintulot sa gitna ng aking kasiyahan

Walang pasabi ang iyong biglang panlalamig
Ako ay nasa gitna parin ng init na iyong hatid
Kung gaano kabilis ang ating pagkakakilala
Ay siya ring bilis ng ating pagsasamama

Mabigat sa dibdib na ipagpilitan ang sarili
Akala ko'y tunay at hindi nabibili
Ulit-ulitin ko mang isipin kung ano ang pagkakamali
Humahantong parin sa posibilidad na iyon talaga ang dulo at huli

Aking naaalala ang sakit ng pagpapakatanga upang tanggapin mo
Nahihiya akong aminin na umabot ako sa ganoong punto
Na kinaya kong paulit-ulit na marining mula sayo
Ang mga salitang nagdulot ng malaking sugat sa puso ko

Nakakatawang isipin ang mga gawa ni tadhana
Sa buhay natin ay puno ng sarang pinto at bintana
Pangako sa sarili ay ikaw na ang huli
Hindi na ulit magpapakatanga at mag-isang iiyak sa gabi

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon