UMASA
Ipinaramdam mo ang kahalagahan ng isang tulad ko
Na para bang wala ng bukas at ako'y iyong iyo
Mahal kita sa umaga, mahal kita sa gabi
Ito'y iyong sinsambit pero ramdam ko ang pighatiKay bilis ng panahon ng ating pagsinta
Kasing bilis din ng sinabe mong mahal kita
Hindi nga ba't nakakatawa?
Alam ko na biro lamang pero ako ay umasaNagtanong ako kay Bathala
Kung bakit ang isang tulad ko ay iniwan bigla
Naghintay ako ng kasagutan
Ngunit lumubog na ang araw wala paring katarunganPinatikim mo ako ng saya at luwalhati
Subalit iniwan mo din akong tanga at sawi
Bakit kay dali mo lang akong bitawan?
Samantalang ako, hirap kang kalimutan.