Anghel sa Langit
Parang kailan lang kasama pa kita
Ang ngiti mo'y naaalala ko pa
Hindi man naging perpekto ang pagsasama
Ikaw pa din ay nag-iisaSa iyong paglaho ay iniwan mo
Mga alaalang nag papasikip ng puso
Mga maliliit na bagay ay ikaw ang naaalala ko
Pangit man o maganda'y pinasaya akoWalang panahon na ika'y di naaalala
Boses at tawa mo'y masarap na musika sa tenga
Pagmamahal na bigay ay puno ng sigla
Kaya ng ika'y umalis ako'y nanghinaHindi nakapaghanda ang isang tulad ko
Lahat ng hindi tama ay nagawa ko
Sa paglisan mo ay itinuro
Ang isang maganda at masakit na turoHeto na ang isang tulad ko na mahina
Nangungulila at nagluluksa
Kung bibigyan man ng pagkakataon ay sasaya
Makita lang ang tunay na ngiti sa iyong mukhaHuli mang nabuksan ang pinto
Ang puso ko'y mananatiling iyo
Lumipas man ang panahon at dumaan ang maraming bagyo
Pagmamahal mo'y maaalala at iingatan ko