Chapter 4

50 6 0
                                    

Unlucky cupid 4

Avy's POV

Nandito na ko sa hospital ngayon at nagiisip kung san ako kukuha ng pera. Grabe samin si tita no? Hindi ko nga alam kung ano kinakagalit samin nun ee TT3TT yung matagal kong pinag-ipunan bigla nalang nawala.

Magtatrabaho talaga ako ng mabuti para maahon ko sa kahirapan si aina.

umasok na ko sa room ni aina at nakita ko si steven. Bat nandito pa to? Kala ko naman masama ugali neto hindi pala.

"Ang tagal mo naman" steven. Inip na inip na siguro to no?

"Ano kase ee " pinagdikit ko yung mga daliri ko teka pano ko ba sasabihin sa kanya ang word na 'pautang?' Ang hirap naman nun huhu baka kase sungitan nya ko ee. TT3TT

"Binayaran ko na yung mga bill nyo dito sa hospital. Ang tagal mo kase ee yan tuloy ako nasingil -___-" teka nagtatagalog sya? -__- bat ngayon pa kung kelan ubos ma yung dugo sa ilong ko.

"Nagtatagalog ka naaa *0*" manghang manghang sabi ko sakanya.

"Malamang? Filipino ako ee. Weirdo" Sabi nya sakin. Huhu nagsisimula nanaman syang magsungit. Ay! Kanina pa pala nya ko sinusungitan.

"Thankyouuu" sabi ko sakanya sabahay hug. Hihi :> ansaya saya ko ngayon.

Naniniwala kase ako sa kasabihang kapag may nawala ka daw ee doble ang babalik sayo *0* grabee answerte ko naman. Biruin nyo nakilala ko si steven na akala ko mahirap tas di pala ^___^ balak ko pa namang bayaran yung bill nya dito sa hospital tas mayaman pala

"Iww. Dont you dare hug me" ayan nanaman nag eenglish nanaman sya. Ihanda na ang tissue

"Sorry TT^TT oo nga pala babayaran ko rin sayo yun, may trabaho na kase ako ee ^___^" masayang sabi ko sakanya.

"K"

Umalis na sya. Pupunta siguro sya sa kwarto nya. Magkatabi lang pala sila ni aina ng room kaya siguro naligaw sya dito. Mabisita nga sya bukas dito baka kase naiinip sya dun ee.

"Ate" bigla namang nagising si aina.

"Ok na ba pakiramdam mo aina?" Concern na tanong ko sakanya. Kinabahan talaga ako kanina TT3TT

"Opo ate"


"Kinabahan talaga ako kanina bunso" Sabi ko sakanya. Nagyakapan naman kami dun na parang nasa teleserye kame hahaha.

"Oo nga pala. Ingat ka kay tita ah, napaginitan kase ako nun kanina. " Sabi ko kay aina.

"Baket naman ate?" Inosenteng tanong nya.

"Kinuha nya kase yung ipon ko. Ee nasagot ko sya kaya ayun uminit ang ulo sakin" Sabi ko sakanya. Nako pano na kaya mamaya? Tss.

"Oh tara na. Alis na tayo ah?" sabi ko kay aina

"Sige aalis na tayo dito ^___^"

Aalis na kami. Uuwi na kami, Gusto na daw kaseng umuwi ni aina ee.

Pero bago yan ee pumunta kame dun sa kwarto ni steven. Magpapaalam na kame saka magpapasalamat uli hihi :>

"Steven?" Tanong ko pagpasok palang namin ng pintuan (malamang)

"Oh? Ano ginagawa nyo dito -.-" masungit na tanong nya TT3TT magpapaalam lang naman kame ee huhu.

"Ahm. Gusto ko lang magpasalamat " Sabi ko sakanya.

"Kakapasalamat mo lang kanina ah? " masungit parin sya huhu

"Oo nga pero salamat talaga" oppps. Baka mainis na sakin to kase paulit ulit ako?

"Salamat po kuya steven" Sabi ni aina sabay yakap kay steven.

Niyakap din naman sya ni steven. Hihi ang cute nila.

"Ok lang:) sige magiingat ka na ah?" Sabi ni steven kay aina. Aba? Bat ako sinusungitan tas si aina hindi? TT3TT unfair naman yun huhu

Umalis na kame sa kwarto nya. Uuwi na talaga kame. Hindi ko talaga makalimutan yung kanina ah -.- ako sinusungitan tas si aina hindi ! It is so so so unfaaaaaiir


"Ok na ba talaga aina? Mag-iingat ka na sa susunod ah? " panenermon ko sakanya.

"Opo ate mag-iingat na ko promiseee" litaw gilagid pa sya XD

Nilakad nalang namin pauwi. Wala kameng pamasahe ee. Ayaw ko namang mapagod ai aina kaya naman pinasan ko na sya sa likod ko.

Binaba ko na sya. Nakakapagod na ee .Malapit na kame sa bahay nila tita nung makita kong may mga bag sa labas. Tumakbo naman ako papunta dun, nakita kong ang laman ng bag na yun ee mga gamit namin ni aina. Tsk why o why?

"Oh buti naman at umuwi na kayo. Ayan yung mga gamit nyo sa labas! Nakikita nyo naman diba? Lumayas na kayo mga bwiset" Sabi ni tita. Ohgod san na kame titira ngayon ? TT3TT

"Tita? Wala po kameng titiran ni aina" Kinatok katok ko yung pintuan nila.

"Wala akong pakeelam. Lumayas kayo dito layas" Sabi ni tita. Umiiyak naman ngayon si aina.

"Ate :'("

"Wag kang mag-alala bunso maghahanap tayo ng titirahan ok? Umalis na tayo dito" Sabi ko kay aina. Pero bago yan.

"Mabuti nga pinalayas mo na kame dito! Pinahihirapan mo naman kame ee!! Karma is on your way" sigaw ko sabay takbo namin ni aina. Alam ko namang tatalakan kame nyang tyahin namin ee kaya tumakbo na kame. Hahaha nakita ko syang lumabas ng pinto at umuusok yung ilong.

Kala mo ah! Punong puno na ko sa demonyitang yan e. Kala nya hindi ko sya papatulan kase mas matanda sya samen? Pwes nagkakamali sya. Hinding hindi na talaga kame babalik ni aina dun sa empyernong bahay na yon. Masunog sana sila don.


"Aina. Gutom ka na ba?" Sabi ko kay aina.

"Opo ate TT3TT."

"Walang pera si ate ee hehe"

"Wala ka naman palang pera tinatanong mo pa ko TT3TT" Aina

"Hahaha. Magkakapera din ako as soon as possible"

*beepbeeep*

Waaa. Muntik na kaming masagasaan ni aina ah!

"Hoooy! Bumaba ka dyan bwisit ka" sabay kalabog ko dun sa kotseng muntik ng makasagasa samin -.- napakaepal.


Bumaba naman yung lalaki.

"Ok lang ba kayo ah?" tanong nya samin ni aina.

"Sa tingin mo? -.- muntik na kaming masagasaan tas tatanungin mo kung ok lang kame? Ikaw ok ka lang?" inis na ko dito ah.

"Bat kase paharang harang kayo sa daanan -.-" Sabi nya.

"Hindi naman po kase daanan ng kotse tong daanan na dinadaanan namen!" Inis na sabi ko sakanya.

"Ang init naman ng ulo mo miss. Sorry na nga diba? " Yung lalaki.

"Sino namang hindi iinit ang ulo dun sa ginawa mo hah?" Nakakabwisit talaga tong mokong na to ah.


"Sorry na nga sorry na. Sumakay na nga lang kayo dito sa kotse ko ng makabawi ako" Sabi nya.

"Ayoko nga! Baka kidnaper ka e" Sabi ko sakanya


"Ako? Kidnaper? Hahahahaha. Muka ba kong kidnaper sa gwapo kong to?" pagmamayabang nya. In fairness gwapo nga sya *0* pero mas gwapo parin si steven syempre

"Atsaka muka naman kayong walang pera so bat ko kayo kikidnapin?" Iniinsulto talaga kame neto ah!

"Nangiinsulto ka bang bwisit ka? -.-"


"Hindi? Bakit naiinsulto ka ba? Hahahaha" So whats funny? Walang sabi sabi ee pumasok na kame ng kotse ni aina. Iniimbitahan kame diba? Pagkakataon na to! Baka sakalingn ilibre kame ng pagkain neto ee haha. Galing galing *0*

(Itutuloy)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unlucky CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon