CRUSH

27 3 0
                                    

"Ms. Tuazon, bakit late ka na naman?" tanong sakin ni Ma'am Dayrit. Shocks Ma'am, you're pinapahiya me you know!
"Uhm- ano po kasi Ma'am e, uhm.." pagaalinlangan kong sabi. Pinutol na ni Ma'am ang aking sinasabi, "Okay, basta next time try not to be late." Tumango na lamang ako. 
Pumunta na ako sa aking upuan at yumuko dahil sa sobrang kahihiyan. Ngunit ako'y napatingin agad kay Ma'am nung siya'y magsimula. "It's now the month of february, and it means-" nagtaka kami nung siya'y tumigil sa pagsasalita. "Ms. Del Rosario, what is the meaning of the month february?" pagtanong niya sa kaklase namin.
Tumayo ito at sinabing, "Uhm, it's the month of love, Ma'am?" Tumango si Ma'am "Correct, you may seat down now." At umupo na nga si Trisha.
"Usapang love naman na, let's talk about your loved ones or mga crushes ganon." sabay tumili ang buong klase.
"Ikaw Ms. Tuazon? May bf ka na ba or crushie palang?" Napatayo ako, "uhmmm c-crush palang po" pagkasabi ko nun ay nagtilian pa lalo ang buong klase at nagbabanggit-banggit ng kung anu-anong pangalan.
"At sino iyon? Andito ba siya sa loob ng klase natin?" pagtanong niya. "Wala po ma'am!" tugon ko. "Ah nasa ibang section. Sino?" tanong nito muli. Sinagot ko naman dahil wala naman siya dito eh, tsaka nakakatakot si Ma'am mga besh! Jusmii! "Si ano po, s-si Noe F-feliciano." hiya kong sabi.
Bigla akong nagulat ng may narinig akong boses. "Ah ako pala." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses na iyon. "Noe, why are you here?" tanong sakaniya ni Ma'am.
"May pinabibigay lang pong mga papeles si Sir Dizon, Ma'am." sagot nito.
Pagkabigay niya ng mga papeles ay napunta ang tingin niya sakin at sinabing, "Ang multi-tasking mo naman babe, boyfriend mo na nga ako, crush mo pa ako." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.

D A G L ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon