208

12 3 0
                                    

"Osya na Lily anak, maligo ka na at katapos mo maligo ay ipaghahanda ko kayo ng miryenda." ani ni mama at kumuha na ng mga damit kong susuutin.

Kinuha ko na ang mga damit at pumunta na sa banyo.

Matapos ang mga ilang minuto ay natapos naman din ako sa pagligo.

Bago lumabas sa sala ay pumunta muna ako sa aking kuwarto para isampay ang aking tuwalya.

"Ano kayang miryenda ang inihinda ni mama?" tanong ko sa aking sarili at dali-daling lumabas ng kuwarto para hanapin na si mama.

"MA? MAMA?" sigaw ko habang pababa ako ng hagdan.

Asan na kaya siya?

Kababa ko ay sakto na nakita ko sina ate at kuya na nanonood ng telebisyon.

"ATE! KUYA!" sigaw ko na ikinalingon nila saakin na may halong pagtataka.

"Nakita niyo ba si mama?" tanong ko sakanila.

Lalong naguluhan ang kanilang mga itsura sa tinanong ko.

"H-ha? M-MAMA? Ano bang sinasabi mo diyan 208?" tanong ni ate pabalik.

H-huh? 208? Pero Lily ang pangalan ko.

"Oo nga. Tsaka anong ate at kuya pinagsasabi mo diyan? Tawagin mo nga akong 201 at siya'y 203." ani ni kuya sabay turo kay ate.

"S-sandali lang. N-nagugulumihanan ako sa inyong mga sinasabi." sagot ko sakanila.

"Anyare sa pagsasalita mo 208? Tumigil ka nga dyan. Ayusin mo yang bibig mo. Nababaliw ka na naman." sabi uli ni kuya.

"Ipatingin nalang natin siya uli kay Dr. Hikee, baka lumuwag uli ang turnilyo niya." seryosong tugon ni ate kay kuya.

Turnilyo? Alam ko yun din ang sinasabi saakin ni mama kapag nagbibiro ako sakanya, pero natatawa sya nun kapag sinasabi nya na lumuwag na naman daw ang turnilyo ko.

Pero.. bakit ang seryoso nila?

Nagulat ako nang biglang binali ni ate ang braso niya.

Pero imbis na buto at dugo ang makita ko.. mga wires, bakal, at kung ano-ano pa na may kinalaman sa teknolohiya.

Kabali niya ng kaniyang braso ay may lumabas ng kung ano na hugis telepono sabay na tumawag kay Dr. H-hikee ba yon?

Biglang sumakit ang ulo ko at umilaw ng kulay pula ang aking puso ng paulit-ulit.

Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.

"208!" sigaw ni ate sabay tumakbo papunta saakin.

Matapos ang ilang minuto ay nagising na ako sa katotohanan.

Sa katotohanan na ginawa lamang kami ng teknolohiya.

Sa katotohanan na walang mag-aalaga sa amin.

Sa katotohanan na halos bata na ang laman ng mundong ito.

Sa katotohanang wala kaming mga pangalan.

Sa katotohanang wala talaga kaming mga magulang.

At sa katotohanang.. wala talaga akong ina.

D A G L ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon