Night #1
9:07 pm
Di ako mapakali, shit, bakit ganito? Ang tagal kaya ng nanay ko! Nasaan na ba iyon? Nagparty party na ba sila ng wala ako? Tsk! -_-
Teka, Nauuhaw ako..
Pero shocks, bababa pa ako? Eh ang dilim dilim na sa baba. Hala. :O
"Lakasan mo loob mo Trina, bababa ka lang naman ng hagdan oy, walang mangangain sayo jan. Ano ka ba." bulong ko sa sarili habang humahakbang pababa.
Oo nga, bababa ka lang naman, babantayan kita...
*Crash
Shit. Sino yun.. O_O
"Sino... s-sino nagsabi non?! Hi-hindi ako natatakot sayo!" Nahulog pa yung hawak kong baso.
"Lumabas ka jan!" nanginginig kong sabi.
Sigurado kang gusto mo kong makita?
Biglang may tawa akong narinig..
Shit shit shit, di ko na alam gagawin ko. No! Ayoko siyang makita! Oo tama! Magdadasal na lang ako. Mawawala rin ito.
Nagsimula akong magdasal..
Hail Mary, full of grace. Our Lord is with you. Blessed are you among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus... Holy Ma-
Pero bakit ganon? Habang nagdadasal ako...
Bakit parang sinasabayan niya pa ako't tumatawa siya?
Papalapit siya sakin.
Isang babaeng itim.
Sobrang itim, kasing itim ng aking anino.
May matang kasing pula ng dugong nagkalat sa sahig.
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya.
Pumikit na lang ako, hindi ko na talaga alam. Sobrang takot na takot na ako. Nakahawak siya sa buhok ko. Unti unting tinatakpan ang mga mata ko. Diyos ko, alisin mo ang babaeng ispirito na ito sa harapan ko.
Naramdaman ko na lang na nawala siya, kaya inimulat ko na ang mga mata ko.
"AaaaaaahhHH!"
Napasigaw ako. Pagdilat ko, nasa harapan ko na ang alaga naming pusa.
"Phew, ano ba yan Missy, ginulat mo naman ako.."
"Meow!"
Huh? Panaginip lang kaya yung kanina?
Nakahiga na kasi ako dito sa sofa, yung basong nabitawan ko kanina nasa lamesang kaharap ko na. Binangungot lang ba ako?
Tinignan ko yung orasan, 9:08 na. Eh? 1 minuto lang ang nakalipas? Whoa. Bakit gano-
*Kringgggg
"AaaaaaahhHH!"
Gosh. Mamamatay talaga ako ng di oras dito! Bigla ba namang magring yung telephone? Ugh.
>_<
Sino naman kayang tatawag ng ganitong oras, eh gabing gabi na? Haist. Istorbo naman neto.
"Hello? Casta's residence, who's this please?"
Maya- maya, biglang umihip ng malamig na hangin.
"Brrr, ang lamig"
"...toot... toot... toot...''
"He-hello? Ay? Binaba? Bastos -_- "
Adik yun ah, tatawag tawag tas ibababa lang din pala.
BINABASA MO ANG
Night Number
Mystery / ThrillerBlack lady, white lady, red-eyed ghost, Witches, Demon's hour, cursed photo, supernatural beings, at mga kwento kwento ng matatanda, hindi ka pa ba maniniwala kapag nabasa mo ito?