Chapter 2: Bedroom lights

196 4 3
                                    

Kinabukasan..

"Hoy Trin, gising, hoy! May papakita ako sayo."

"Huh? Mmm.. Ah-ano ba.. yun?"

"Tignan mo to oh!"

Hayy, antok na antok pa talaga ako. Late na kaya ako nakatulog. Biglaan pa. Dinilat ko yung isa kong mata para makita.. pero..

"AaaaaaahhHH! Ano ba yan gel, bat ganyan mukha niyan? Ampanget!"

"Hahaha, sinabi mo pa, ayaw mo kasing magising eh, male-late na tayo oh! Dali dali, magbihis ka na para punta na tayong school!"

"Oo na, oo na. Para naman kitang nanay eh, isang loka lokang nanay! Haha!"

Nakakatakot kasi yung pinakita niya saking picture, basta picture siya ng isang babae na may dugo sa mukha niya. Eh naka-close up pa kaya kitang kita mo yung mga sugat. Pero imbis na matakot ako, napangitan pa ko sa ichura niya.

Panget naman kasi talaga eh, tas naka-ngiti pa, ano kaya yon, diba?

"Wait nga, speaking of nanay.. asan na ba ang aking madur at ang tagal niya naman umuwi?"

"Wala pa nga eh, baka sobrang layo nung taping niya kaya nakatulog na siya dun sa set"

Actress kasi mommy ko eh, kaya madalas akong mag isa sa bahay. Wala na rin kasi akong daddy and only child lang ako. Buti na lang nandito tong best friend ko na malapit lang ang bahay samin, atleast may kasama ako.

Naligo. Nag-ayos. at kumain na ko para makapunta na ng school, sabay kaming umalis ng bahay ni Angel pero along the road, naghiwalay din kami, kasi sa kabila naman ang daan niya papuntang school niya.

"Bye Gel, see you later!"

"Ingat ka Trin ha, bye bye!"

Sumakay ako ng tricycle, medyo malayo layo din kasi kung lalakarin ko.

May isang bahay talaga ditong kakaiba eh, sa tuwing dadaanan ko ito, parang may nakatingin sakin. Parang gusto akong dukutin, at ikulong na lang doon. Hindi siya yung bahay na hindi tapos gawin, more like parang abandoned house siya.

Kaya sa tuwing gagabihin ako ng uwi, hindi ko na to dinadaanan, nakakatakot kasi eh.

Pero buti na lang nandyan ang bestfriend-boyfriend guy ko para samahan ako. Si Justin, almost 3 years na kami niyan. Lagi niya akong inaalagaan at sinasamahan sa lahat ng lakad ko. Ang swerte ko nga sakanya eh. Tapos, sobrang mahal niya pa ako. Diba.

Nakarating ako ng school.

Nakakapagtaka kasi silang lahat nagbubulungan, nagkekwentuhan. Para bang may ikinagugulat sila. Ano bang mga nalalaman neto't parang takot na takot?

Alam niyo ba tong picture na to? Nakakatakot noh?

Nabalitaan ko ngang may nagsuicide na dahil jan eh..

Oo nga, grabe pala, totoo pala to noh?

Suuus! Bat kayo naniniwala sa ganyan? Gawa gawa lang nila yan para i-repost niyo yung photo!

Ano ba talaga?

Mga baliw! Mga tanga! Mga langkwenta! Buset!

Hahaha, nagkakagulo na sila, hindi nila alam kung sino ang paniniwalaan. Hayy.

Napatigil ako sa pagtawa nung nakita ko yung babaeng nasa kalsada kagabi, nasa harap ko siya, nakaharang sa lalakaran ko. Mukhang walang nakakakita sakanya kundi ako lang.

Napatingin ako sa paligid ko, puro halloween decorations. Puro banners na nage-greet ng happy halloween. Puro pumpkins, skeletons, witches, ghosts at mga orange lights.

Night NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon