Chapter 7: Ano? Ikaw rin?

35 1 0
                                    

ANGEL'S P.O.V.

Hinahanap ko ang aking pudra ngayon, utos kasi ng aking mudra para daw makapagdinner na kami.

Kaso, wala naman siya dito sa loob, kaya hahanapin ko siya dun sa garage. Baka nakatambay nanaman doon eh.

Si papa kasi, mahilig mag ayos o mag imbento ng ilalagay niya sa sasakyan niya, ewan! Basta kung ano man yung ginagawa niya, yun na yon!

"Gel! San ka pupunta? Naglalaro pa tayo oh!" sigaw ni Trina

"Teka lang, may iniutos sakin ang aking mader"

Lumabas na ako, naglalaro kasi kami ng Monopoly. Eh hindi ko naman maintindihan kung paano laruin yon, baka nga nadadaya na ko hindi ko pa alam.

Naglakad na ko papunta sa garage namin, hindi naman siya gaanong malayo dito sa bahay, hindi kasi siya nakadugtong. Mga 20 steps away siya.

Habang papunta ako, nakaramdam ako ng lamig.

Sobrang lamig.

Pero wala namang hangin.

"Ano ba to? Christmas na ba? At nararamdaman ko na ang simoy ng pasko?" sabi ko sa sarili

Patuloy pa din ako sa paglalakad, dumaan din ako sa garden namin, tinignan ko yung tinanim ko noong huli naming pagpunta dito, namunga na! 

Nakarinig ako ng galaw sa damuhan kaya tumakbo ako papa alis doon.

"PA! ASAN KA? HINAHANAP KA NA NI NANAY, MAGDI-DINNER NA DAW TAYO!" Sigaw ko.

Pero walang sumagot.

Napatingin ako sa mga itinanim ko noon.. Bigla na lang itong nawala, para bang pinitas.

Binukasan ko ang pinto at pumasok.

Nakita ko si papa, nakatalikod sakin pero naka upo, inaayos yung harap ng kotse. Basta may kinakalikot siya dun, ewan. Lumapit lang ako sakanya, at tinapik ang likod.

"Pa, kanina pa kita hinahanap, kain na daw po tayo sabi ni mama"

Pagkasabi ko nun, para bang lumamig lalo yung paligid. Tapos ang lamig din ng katawan niya.

"Nilalamig ho ba kayo pa?" inabot ko ang jacket ko pagkasabi ko nun, pero wala pa rin siyang sagot.

Pumunta ako sa harap niya para makita kung okay lang siya, pero ang tumumbad sakin ay isang mukha ng lalaking namumutla.

"PA? OKAY KA LANG? BAKIT KA NAMUMUTLA?!"

Maya maya, napansin kong hindi si papa iyon, napalayo ako. Naging purong puti ang kasuotan niya. Gutay gutay, may mga dumi at sugat sa kanyang katawan. Para bang kinaladkad.

Tumakbo ako papalabas, pero paglingon ko sa likod, wala na siya.

Nagsisigaw ako doon.

Nagulat kasi ako nang biglang nagdugo ang bibig at leeg niya.

Tuloy pa rin ako sa pagtatakbo, hanggang makapunta ako sa tapat ng bahay namin. Binuksan ko ang pinto, pero ang tumumbad sakin ay yung lalaking naka puti kanina.

Sobrang tangkad.

Sa sobrang takot ko, sinapak ko. 

Biglang bumukas ang kanyang bibig, at akmang lamunin ang mukha ko. Dumilim ang paligid. Nakarinig ako ng sigaw na..

"ARAY ANGEL, ANO BA!"

Minulat ko ang mata ko at nakita sina Justin at Trina. Parehong gulat sa nangyari.

Tinanung ko kung bakit namamaga ang pisngi ni Justin

"Duh, sinuntok mo lang naman itong lalaking ito habang gulat na gulat ang mukha mo pag kabukas niya ng pinto, haha" natatawang sabi ni Trina

"Huh? Hindi ko maintindihan, akala ko ang nakita ko ay yung.. yung.."

"Yung ano?!" naiinis na tanung ni Justin

"Yung.. yung lalaking matangkad na naka puti. Yun yung nakita kong bumukas sa pinto, yun din yung humabol sakin papunta dito, yun yung akala kong si papa na nasa garage"

"Huh? Eh ang papa mo galing dun sa CR lang." sabi ni Trina

"A.. akala ko si papa talaga yung nasa garage. Kaya pala ang lamig lamig non."

"Haha, hala ka, minumulto ka Gel" asar ni Trina

"Baka hindi mo alam.."

"Anong hindi ko alam?" tanung niya

"Na.."

"Na ano?" -Trina

"Na yung lalaking naka puti na nakita ko kanina ay yun din ang nakita ko na katabi mo sa sasakyan kanina"

Gulat na gulat ang reaksyon nilang dalawa sa sinabi ko.

"Ha? Haha.. ha. Ano ba yan Angel, ang co-corny nama.. man ng joke m-mo.. aha.. ha" sabi ni Trina na para bang nangangatog sa takot.

"Hindi ako nagjojoke"

Napatigil si trina sa sinabi ko. Totoo naman kasi ang sinabi ko, hindi ako nagjojoke. Nakita ko talaga yun nung nasa sasakyan pa lang kami, kaya siguro yun ang napili ko sa I SPY kasi yun ang una kong nakita at hindi ko agad napansin na isa pa lang multo ang pinapahula ko sa kanila.

"So, you're saying na minumulto ka Gel? -Justin

"Hindi ko alam, pero natatakot ako. Ang gulo ng nangyayari ngayon. Ewan ko ba.."

"Hindi lang naman ikaw eh.." -Trina

"Anong hindi lang naman ikaw?"

"Hindi lang ikaw ang nakakita sa kanya.." 

End of Chapter 7.

Night NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon