ANGEL'S P.O.V.
Umuwi na rin kami ni Justin agad pagkatapos nung nangyare kagabi. Medyo malapit lapit lang naman ang bahay naming tatlo. Medyo lang.
Parang ako dun sa kabilang side. Si Justin naman sa kabilang dulo pa. Tas, si Trina don. Ganun.
Sobrang na-shock ako nung sinabi ni Trina na.. na.. ano ako. Tapos nalaman niya pang plano namin ni Justin na takutin siya.
*Flashback
"May plano ako."
"Ano yun?" -Justin
"Takutin natin si Trina, halloween naman eh."
Nasa bathroom si Trina ngayon, nagwa-wash up yata. Ewan.
"Ayoko. Ikaw mag-isa mo. Ayokong takutin ang baby ko"
"To naman, KJ. Ayaw mo kong tulungan? Fine. Ikaw din magsisisi, sige ka."
"Anong sinasabi mo?"
"Sasabihin ko na lahat ng nangyayare sakanya, ikaw may pakana. Sasabihin kong ikaw may plano ng lahat."
"You don't have any proof" -Justin
"Oh really?"
May pinakita ako sakanya, kaya napapayag ko siyang takutin namin si Trina sa haunted house na iyon.
"Guys? Ano pinaguusapan niyo? Want some drinks?'' -Trina
*End of flashback
Hindi ako makapaniwala na ewan. Kasi imposible namang may third eye siya or what para makita ang future na mangyayare diba?
Hindi puwede yun. Hinding hindi..
5:26 AM
*Ring
"Hello? Who's this please?"
May tumawag sa phone ko pero hindi naka-save yung number.
"Angel! Si Trina to, nakigamit lang ako ng phone kay Justin kasi na-lowbat phone ko. Save mo nga tong number niya!"
"Oh sige sige. Bakit ka nga pala napatawag aber?"
"Sasama sana kami ni Justin pagpunta jan sa province mo eh. Hindi ka pa naman naka-alis diba?"
Since hindi pa naman kami naka-kaalis ng bahay, pumayag akong sumama sila. Magiging masaya to! Muwahaha!
Actually, nagre-ready pa lang kami ng mga gamit at dadalhin naming mga damit, siguro 1 week rin kaming magbabakasyon doon ngayon. Biglaan ngang plano ito eh.
Sinabi ko na rin kina Trina na mag-ayos na sila para maagang maka-alis. At akalain niyo yun, tapos na daw sila magready? INUNAHAN PA KAMI HA! Alam na alam ang plano ng aking mudra hahaha!
6:02 AM
*Ding dong
"AKO NAAA!'' sigaw ko habang tumatakbo papunta sa pintuan para salubungin sila Trina at Justin.
Pagbukas ko..
"Ang aga niyo duma-" napatigil ako kasi hindi pala sila ang nasa pinto.
"Ay sorry po. Ano hong kailangan niyo?"
May inabot siya sa aking isang maliit na kahon. Kinuha ko na lamang ito at nilapag sa lamesa, pero pagbalik ko sa matanda, wala na ito.
Isinara ko na yung pinto.
Tinitigan ko yung box, parang.. kakaiba to ah..
*Ding dong
"Angel! Will you get that please? Akala ko ba ikaw na magbubukas ng pinto?" sigaw ni mama. Binuksan ko naman talaga yung pintuan kanina eh. Sinara ko lang ulit at may biglang nagdoorbell nanaman noh.
Pagbukas ko, sila Trina at Justin na talaga ito. May dalang isang maleta at tig-isang bag na hawak.
"Wow, ready-ing ready kayo ah!"
"Oo naman. Kahapon ko pa kaya alam na aalis kayo!'' -Trina
"Weh? Ako ngayon lang nga eh! Hahahaha!"
Kinuha ko yung maliit na kahon at inilagay sa backpack ko.
Pumunta na kami sa car. Malayong biyahe rin ito. Mga 8 hours? Buti naka-van kami. Nandito kaming tatlo ngayon sa likod na part.
"Oh ano gusto niyong gawin?" Tanung ko
"Oops ops. Yan ka nanaman Angel ha, baka kung ano ano nanamang i-suggest mo!" -Trina
"Kaya nga kayo ang tinatanung ko eh!"
"Laro nalang tayo ng ''I SPY" -Justin
"GAME!'' sabay naming sigaw ni Trina
8:56 AM
"I spy with my little eyes, something green!'' -Justin
"Grass ulet, malamang" -Trina
2 hours at 30 minutes na kami halos nagbabiyahe and nawawalan na kami ng mga bagay na puwedeng isama sa laro. Boring na.
"Mali! Ayun oh! Yung tindahan ni.. ano yun? Ni aling Doring ata!" -Justin
"Weh haha'' -Trina
"Ako naman! Ako naman!"
"Go!" -Trina and Justin
"I spy with my little eyes something white"
"Restroom wall?" -Trina
"Nope"
"Pedestrian lane?" -Justin
"Nope"
"Marshmallows?" -Trina
"WALA NAMAN MALLOWS DITO AH!"
"Haha, malay mo. Hmm, yung white hair mo?" -Trina
"NOO!"
"Itong vanilla icrecream na kinakain ko?" -Mom
"Ma, kasali ka po ba sa game namin?"
Ayan, sinagot niya. Sabi niya hindi daw kasi nila malaman yung sagot kaya sumali siya hanggang napunta sa pagsesermon ang pag-eexplain niya. Lagi naman eh.
"Eh ano?" -Justin
''Ayun oh!'
"Uhm. Angel, bat mo tinuturo yung nasa likod ko?" -Trina
End of Chapter 5.
BINABASA MO ANG
Night Number
Mystery / ThrillerBlack lady, white lady, red-eyed ghost, Witches, Demon's hour, cursed photo, supernatural beings, at mga kwento kwento ng matatanda, hindi ka pa ba maniniwala kapag nabasa mo ito?