Prologue

24 1 0
                                    

Prologue

Naabutan kong nakasimangot ang kakambal ko pagkapasok ko sa front seat ng kanyang sasakyan. I saw how he pouted and rolled his eyes nang makabit ko ang seatbelt.

"Who the hell was that guy, Moonlight?" Iritadong tanong niya sakin habang inaatras niya ang sasakyan paalis sa parking lot.

Napatingin ako sa lalaking tinutukoy niya na naghatid sakin na ngayon ay paalis na. "He's a classmate of mine sa Practical Research. Sinamahan niya ako kasi nandito rin ang kotse niya."

Pinanood ko ang reaksyon ni Midnight at hindi man lang ito nagbago. Halata pa rin na iritado siya dahil sa nakita niya.

Ngumuso ako. "Come on, Midnight. Kaibigan ko lang iyon. Stop being possessive."

"I'm not possessive." Tugon niya nang 'di lumilingon.

I pouted even more and told him that it was nothing. Sinasabi ko sa kanya na walang masama doon dahil nagmagandang loob lang ang tao pero mukhang ayaw makinig ng kapatid ko.

Napailing na lang ako at kalaunan ay natawa. Midnight is not really a fan of me hanging around boys. Not that I have really close guy friends. Madalas ay patungkol sa school works ang dahilan kung bakit ako nakikipag-usap sa lalaki. Ewan ko kung bakit hanggang ngayon ay 'di niya iyon ma-realize.

Pinukol niya ang pagtawa ko. Kaya imbes na magpaliwanag ay inasar ko na lang siya buong byahe pauwi. Dahilan kung bakit siya nairita lalo at dagdagan pa ang matagal umusog na traffic.

Nang makarating sa bahay ay agad siyang nagtungo sa kwarto, 'di ako pinansin. Napakamatampuhin talaga.

Dumiretso rin ako sa kwarto ko para magbihis. I started doing my assignments dahil naisipan ng mga professor na magbigay ngayong araw. I was preoccupied the whole time at 'di ko namalayan ang oras.

"Manang, si Midnight?" Tanong ko nang napagtanto ko na ako lang mag-isa sa hapagkainan.

"Umalis siya 'e. 'Di niya nasabi kung saan siya tutungo pero nakagayak siya."

Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kanina ang dahilan kung bakit siya umalis. Pero 'di ganon kababaw si Midnight. Siguradong may kailangan iyon puntahan.

My mom and dad wasn't home too. Si dad ay nasa Madrid for a business trip. Si mom naman ay nasa Ilocos para bisitahin ang nirerenovate na hotel na pagmamay-ari niya. Dinala niya rin ang iilang tauhan niya kaya ang dalawang van sa bahay ay wala. Kaya sabay kami pumasok at umuwi ni Midnight.

I have my own car and I know how to drive. But because I have a paranoid parents and a over protective twin, 'di nila ako hinahayaang magmaneho noon sa pang-araw-araw.

Matapos kumain ay pinagpatuloy ko ang paggawa ng homework. Nastress ako sa iilan dahil karamihan rito ay hindi naturo, nagiging self-study tuloy ang nangyari. Halos isubsob ko ang mukha ko sa desk ko dahil sa dami ng kailangan gawin.

Napatalon ako nang biglang may kumalabit sa akin. Akala ko may multo na akong kasama pero paglingon ko sa likod ay si Midnight iyon na may hawak na dalawang pint ng ice cream. Nakapatay ang ilaw sa kwarto ko at tanging ang desk lamp ko lang nag nagbibigay liwanag. Kita ko ang seryoso niyang tingin sa akin pero agad rin itong pumungay.

"Bakit 'di ka kumatok?" Sabi ko sabay tanggap ng ice cream at kutsara na nilahad niya. Napangiti ako nang makitang coffee crumble ang flavor.

He sighed. "Kanina pa ako kumakatok."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ganon ba ako katutok sa ginagawa ko at 'di namalayan ang pagkatok niya?

Hinila niya ang isang upuan na nasa sulok at itinabi sa akin. Iniharap niya ang sandalan sa desk ko atsaka umupo. Ipinatong niya ang kanyang braso sa sandalan at inilapag ang ice cream sa lamesa ko. He looked at me and stayed quiet. Ako naman ay nag-umpisa ng kumain.

The Night He Belong To The Moon [on hold]Where stories live. Discover now