Chapter Three

3 1 1
                                    

Chapter Three

It's been a week since my mom went home and told Midnight that he'll be staying abroad. After that, everything went silent. Halos walang nag-uusap sa aming tatlo.

Para sa akin ay masyadong mabilis ang desisyon na iyon. The moment mom said those things, kontra na agad ako. That night, I went and talk to her. Sinabi ko na masyadong nag-co-conclude siya ng mga bagay-bagay. She let me talk and defend Midnight. I found it weird that the whole time, mom was silent. Mas kinabahan ako dahil nanatili ring blanko ang ekspresyon niya.

After all my talking, my mother stand firm with her decision at nagpaliwanag.

"I know that you wanted your brother to stay, Moonlight. Almost two years pa lang simula nang pagbalik niya rito. I know that both of you are still making up from four years of separation..." She said with sadness slowly being evident on her voice. "But I know Midnight the most. I'm his mother. And I know that sooner or later, he'll do something unpleasant. At hinding hindi ko hahayaan na may masaktan muli."

Hindi ko siya maintindihan. Bakit ganoon ang tingin niya kay Midnight? Bakit tinatrato niya ito na para bang masama?

Alam ko na may mga pagkakamaling nagawa si Midnight. He rebelled against my parents. He got into fights. Maling mali iyon. Pero parang sobra naman na ata ang tingin niya kay Midnight. Like, one day, he'll commit a crime.

For the past few days, it broke my heart that I felt like she's not my mother anymore...

Pinagmamasdan ko lang ang labas mula sa loob ng van habang binabaybay ang daan patungo sa school. Hindi na pumapasok si Midnight dahil para saan pa? Ilang araw mula ngayon ay tuluyan na siyang aalis.

I tried talking to him but he won't say a thing. He didn't completely shut me out, madalas ay sinasamahan ko siya sa kwarto niya. He would lie on his bed while I sit on a chair by his desk. Hindi man kami magkausap, basta malaman niya na nasa tabi niya ako, alam ko na sapat na iyon sa kanya. Because I don't want him to feel alone like before.

Nagpatuloy rin ang trato ni Era sa akin at sa mga kaibigan namin. She never said a word to us anymore. Hindi ko na rin pinilit dahil baka mas lumala paang tensyon sa pagitan naming dalawa.

We may not have a great parting, but at least we didn't have a fight before parting. Ang pinakamagandang desisyon para sa aming dalawa ngayon ay ang pagbigay ng space sa isa't isa.

"Hey,"

Napakurap-kurap ako.

"Lunch na tayo, Moon." Aya sa akin ni Damris.

Tumayo na rin ako at susunod sana sa kanya pero nagbago agad ang desisyon ko. "Sa library na lang ako. May tatapusin pa akong assignment."

She stared at me for a while before nodding. Sabay na lang kami na lumabas ng building. Humiwalay agad ako sa kanila at nagtungo sa library.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang 'di karamihang tao sa library. Mabuti na rin para tahimik. Naghanap ako ng pwesto na wala akong makakatabi at doon ako nag-ayos ng gamit.

I can't answer anything properly because my mind is preoccupied by other things. Pero sa kalagitnaan ng pagsusulat ko, I paused when I realized something.

"Vlix Marania..." I uttered to myself.

Siya ang isa sa mga nakabanggaan ko noong nakaraang linggo. That familiar eyes and voice. Ngayon ay hindi ako nagkakamali na siya ang nakita ko.

Hindi ko nanaman siya nakilala agad nang makaharapan ko siya. It's probably because I first saw him in the dark and I only caught a ginpse of him sa church at park.

The Night He Belong To The Moon [on hold]Where stories live. Discover now