Chapter Five
Napakurap kurap ako nang ma-realize ko napatulala nanaman muli ako. Everyone on the classroom was already leaving because the class is done, ako na lang ang natatanging lutang na hindi pa tumatayo mula sa upuan.
Me spacing out may have been prevented if Damris is with me, but she's absent and I'm not in the same class with my other friends. I also don't want to be dependent on her or anyone. Hindi naman pwede na matatauhan lang ako dahil kinalabit ako. Kailangan kong ayusin ang sarili ko.
Nag-ayos ako ng gamit ko at saka lumabas ng classroom. I sighed as I let my thought wonder.
Yesterday, I cried my heart out. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak sa harap ni Vlix. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa lapag sa gitna ng daan at nakatakip sa mga mata ang kanyang panyo.
Nang may paparating na mga estudyante ay hinila agad ako patayo ni Vlix. I still wasn't able to see him properly because of my tears but I remembered na tumabi kami sa gilid. I was facing him. Nang titingala ako sa kanya ay pinayuko niya ako. His right hand found its way on the back of the top of my head. Hinila niya ako papalapit sa kanya dahilan kung bakit tumama ang noo ko sa dibdib niya. Ramdam ko rin ang braso niya sa likod ko na marahang nakalapat. Pilit ko ring pinigilan ang paghikbi dahil papalapit na ang mga estudyante.
"Grabe, PDA ah..." uminit ang pisngi ko nang marinig ko ang sinabi ng dumaan.
They probably thought that Vlix is hugging me! When in fact he just hid me while ugly crying.
Pinilit kong pinakalma ang sarili ko dahil na-awkward-an ako sa posisyon namin. Pansamantalang nawala ang mga iniisip ko dahil pinangunahan ako ng hiya at pagkataranta.
I wiped away my tears using the white handkerchief. Nang maayos ang itsura, kung naayos ko man, ay umatras ako para makawala sa hawak ni Vlix at matingnan siya ng maayos. Sinundan ko ng tingin ang pagbaba ng kanyang braso bago ako tumingala sa kanya.
Halos mawalan ako ng hinga nang magtama ang mga mata namin.
Seeing him this close... His eyes were serious and almost blank. He's really hard to read. I wonder what he's thinking.
"Uhh..." I tried muster up words. Napaiwas ako ng tingin at nakita ang panyo sa aking kamay. "Umm... isa-sauli ko sayo 'to... 'pag nalabhan na..." sabi ko, hindi pa rin maibalik ang tingin sa kanya.
"Sa'yo na 'yan." Anito saka lumakad paalis.
Nagulat ako sa ginawa niya. Ilang segundo akong napatulala sa lapag bago magsalita. "Vlix!" I called nang makitang malayo na siya.
He tilted his head to the side para balingan ako.
Huminga ako ng malalim. "Thank you." I said and gave him a genuine smile.
That simple interaction I had with Vlix made me feel better. I'm not sure why and how. I was still frustrated with all the things that happened but somehow, I felt a lot lighter.
Kinagabihan noong araw na iyon ay tumawag si mom nang makalapag sa Madrid. She didn't allowed me to talk to Midnight because he's 'tired', I kinda doubt that. Ayaw niya pa siguro akong payagang kausapin ang kambal.
Hinayaan ko na lang din because it was an eighteen hours flight after all. Pagod na rin ako para ipagpilitan pa ang sarili sa hindi nagtitiwala sa akin.
I sounded so bitter because I am. But I'm not mad. Iintindihin ko na lang din muna hangga't hindi ko pa naririnig ang sasabihin ni mom.
Nakipagkita ako kila Ylon nang lunch break na. Sumabay ako sa kwentuhan dahil wala akong back up. I'm pretty sure they would ask way too much questions if I stayed silent, wala si Damris para patigilin sila.
YOU ARE READING
The Night He Belong To The Moon [on hold]
General FictionMoonlight Iris Vizcarra is treated like a princess in their household dahil siya ang pinakabatang babae sa angkan nila. She screams beauty and elegance na bagay lang na ituring siyang prinsesa. While her twin brother, Midnight Ilos, is the prince wh...