Chapter 3

136 8 1
                                    

Chapter 3

Aki's POV

"Good Morning Maam. Good Morning Classmates. My name is Suzuoki Aki F. Haneol. Nice to meet you all!" Masayang pagbati ko.

"Nerd siya?"

"Duh. Ang pangit niya."

"She doesn't belong here. Paano kaya siya nakapasok sa school na ito?"

Di ko na pinansin yung sinabi ng mga kaklase ko. Ang mahalaga malaya ako. Tama! Yun yung mahalaga!

"Miss Suzuoki, you can sit right next to Mr. Alcantara at the back."

Alcantara? Why so familliar? Parang narinig ko na ito ah? Well, baka guni-guni ko lang naman.

Pagkadating ko sa dulo agad kaming napasigaw na dalawa.

"ICE CREAM THIEF?!/ICE CREAM MURDERER?!" Sabay naming sabi.

"YOU TWO! GET OUT OF MY CLASS KUNG MAG-SISIGAWAN LANG KAYO!" Sigaw saamin ni Maam.

"Sorry Maam." Sabi ko with matching yuko pa. Ano ba? Nakasanayan ko ang Japanese style eh.

Tinignan ko naman si Mr. Singer A.K.A. Lucas at hinihintay na magsorry din siya kay maam. Kaso wala eh.

Nakipag-eye to eye contest lang kami.

At sa huli, I forfeit. Umupo na lang ako sa upuan ko na tabi ng bintana.

Ang sad naman.

Walang kadaldalan.

"Hoy."

"Psst."

"Ice cream Stealer!" Sabi ng katabi ko ng pabulong with matching mahinang tusok sa akin ng kaniyang lapis.

"Ice cream Stealer!"

I glared at him. Kinuha ko yung lapis niya at tinusok ko yun sa mata niya kaya dumugo iyon at binawian siya ng buhay.

Charot! Sinamaan ko siya ng tingin. Yung tipong naghihintay na lang ako na magkaroon ng lazer eyes para matamaan ko itong Baklang toh.

"Ice cream MURDERER!" Inemphasize ko talaga yung word na Murderer. At ngumisi ako ng nakakaloko.

"Mr. Alacantara. Can you solve the problem on the board?" Tanong ni Maam na pumukaw ng atensyon ng marami.

Agad na tumayo si Lucas saka pumunta ng board.

Algebra? Basic.

Home-school kasi ako nung elementary and highschool kasi nga, lolo doesn't trust schools. Even a prestigious one.

Di daw niya hahayaang mawala ang tagapagmana ng company namin.

Kaya home-school ako. Di ko man maranasang magkaroon ng kaklase man lang.

Yun yung isa sa mga dahilan din kung bakit ako nagenroll dito sa Builevard Academy. Gusto kong maranasan ang isang normal na buhay ng isang normal na teenager.

Tinignan ko yung sinosolve sa board. In just a blink of an eye, alam ko na agad ang sagot. Ikaw ba namang turuan ng isang proffesional sa mathematics.

"Lucas. Kaya mo bang sagutan?" Tanong ng teacher namin.

Hindi sinagot ni Lucas yung tanong ni maam, sa halip, bumalik siya sa upuan niya at umaktong parang walang nangyari.

"Hindi ka pala magaling sa math." Nangaasar na tanong ko sa kaniya habang nakalagay ang kamay ko na nakapatong sa lamesa sa pisngi ko.

"Eh ikaw? Magaling ka ba sa math?" Nang-aasar na tanong niya with matching laki pa ng mata.

Mukha siyang Tarsier.

Behind those Glasses; Holds a little SecretWhere stories live. Discover now