Aki's POVNaalala niyo ba yung time na sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lamang kay Aubrey?
Well expect me to do this.
"Uhmm, Sir, eto po ang registration form ko po..." Sabi ko kay Sir kaso tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa.
"Ikaw? Magreregister? Back out ka na lang. Try mo magregister sa housekeeping. Baka matanggap ka pa." Sabi ng Sir.
Ano daw? Well. Hindi porket naka-glasses ako, medyo maluwang manamit, ay pangit na ako!
Duh! Dati nga, kapag umaattend ako ng mga ball and formal parties, nasaakin lagi ang camera.
Tapos ngayon, pagakakaitan niya ako? Geez! Kagigil ka sa bones kuya.
"Excuse me. Here's my registration form." Sabi ng isang babaeng mukha sanang diyosa, pero naging diyosa na ng pulbos.
The Goddess of Pulbo goes to non other than Princess Leo. Cess to be exact.
"Oh? Don't block my way ugly. Baka nakakalimutan mo? Ang audition na ito ay para sa mga gustong maging female lead ni Lucas sa music video niya. Basically, audition para sa magaganda. Wag ka ng mangarap. So, back off!" Sigaw niya at dumaan sa gilid ko. Sinadya niya ring tamaan ang balikat ko.
Oo tama ang narinig niyo.
Wag na kayong magtaka.
150,000 thousand. Yan ang sahod ng female lead mga beshie! So gora na ako kahit pa makapartner ko si Lucas.
Wengya.
-#-
Lucas' POV
Nasa loob ako ngayon ng isang classroom. Nakamask, at nakasumbrero para di makilala.
Sanay na ako na ganito ang buhay. Yung tipong nahihirapan ka ng huminga dahil sa mask na suot mo. Bumabaho na rin ang buhok mo dahil sa sumbrerong suot mo.
Tinitignan ko ang mga babaeng kanya-kanya na ng ayos.
Make-up dito, make-up doon
Why? Well, naghahanap kasi kami ng female lead para sa music video ko. Bagong song, bagong buhay.
Ewan ko lang ha, pero most of my songs are about youth, singleness, friends, etc.
Naisipan lang namin na gumawa ng kanta na romance. Bakit?
Remember nung nagkasagutan kami ni Ice cream Stealer? Oo dahil dun ay nabawasan ako ng fans.
Kaya gumawa kami ng romance na song para makahakot ng fans. The more famous you are, the more money, and special treatment you have.
Habang tinitignan ko ang mga babaeng nagmamake-up, di ko maiwasang mapailing.
Make-up dosen't make you prettier. Your inner beauty makes you beautiful.
Kaya nga parang ang OA saakin ng mga babaeng puro make-up ang inaatupag. I mean wala namang problem duon.
Pero nandun na yung focus nila eh. Focus nila magpaganda, pero di naman nila mas bigyang focus and priority ang education.
Hayst. Curious lang ako. Sino kaya ang mapipili na female lead ko?
-#-
Aki's POV
Padabog akong lumabas sa building. Pumunta ako deretso sa gate.
"Gagawin ko ba ito?" Tanong ko sa sarili ko.
Lalabas na sana ako ng gate kaso nagbago ang isip ko. Di na ako lumabas ng gate. Punta na sana ako sa dorm ng napaisip nanaman ako.
"Para kay Aubrey ito eh. Gagawin ko ang lahat sa kaniya." Sabi ko. Lalabas na sana ako ng gate ng biglang bumalik nanaman ako sa loob ng school.
Aish.
Pwede ko kasing ikapahamak ang bagay naito.
Pero para kay Aubrey. Isipin natin na para kay Aubrey. Buo na ang desisyon ko.
Lalabas na sana ako ng bigla akong napahinto.
Perooo......
Baka mahuli ako ni lolo.
Tatalikod na sana ako kaso naalala ko ulit si Aubrey. She needs a friend's support now.
Lalabas na sana ako ng gate ng masamang nakatitig sakin yung babaeng guard.
"Siguro naman ay lalabas ka na eh no?" Tanong niya.
Sa una naguluhan pa ako sa tanong niya. Kaso later on, nagets ko rin. Ako nga pala ang kanina pang pabalik balik sa gate.
Nginitian ko naman yung guard. Lumabas ako ng gate saka pumara ng taxi. Pumunta ako ng mall.
Tama para kay Aubrey.
Tumingin ako ng damit na pwede kong gamitin sa audition. Napansin ko kasi na puros nakadress yung mga contestants.
Pero di ako papatalo.
Kanina kasi naka long-sleeves ako na kulay blue. Nakapantalon din ako saka nakarubber shoes.
Pero ngayon.
Ipapakita ko ang totoong ako.
Namili ako ng damit. Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Isang damit sa mannequin.
Isang damit na kulay puti. Hanggang braso ang manggas niya, almost knee-length din ang haba. Saka may design siya na pink, yellow, and light blue na flowers na tinahi sa ibaba ng palda, at sa waist line.
Ang ganda.
Kinuha ko iyon at binayaran na.
Next up. Salon.
Dumeretso ako sa salon, ngunit pinag-titinginan ako ng mga bakla. And I can see from their eyes na nandidiri sila saakin.
Hindi ko na iyon pinansin. Pinaayos ko ang buhok ko. Yung tulad sa mga artista na straight sa itaas, at may large curls sa baba ng buhok.
Nagpalagay din ako ng light make-up. Pero sinuot ko parin ang salamin ko. Pagkatapos nun, nagpaalam ako na gumamit ng dressing room.
Nagpalit na ako ng damit. Tapos sinuot ko rin ang isang pares ng silver heels. Hindi mataas yung heels. Yung parang sakto lang ang taas nito.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Isa na lang ang kulang.
Inalis ko ang salamin ko sa mata at inilagay iyon saaking slingbag.
Habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin, madalas kong maalala yung mga oras na isa pa akong sikat na model ng kumpanya namin.
Puro camera ang nasa harap ko. At nakakapagtaka na bakit hindi pa sira ang mga mata ko sa mga flash ng camera nila.
I was always the top model since I was young.
Pero tinalikuran ko ang lahat ng iyon para sa kasiyahan ko. I'm tired of it. Si lolo ang nag-udyok saakin na magmodel at hindi ako.
And I'm so tired nasiya na lang palagi ang kumokontrol ng buhay ko!
Pinunasan ko ang isang luha na tumulo mula sa mata ko.
Its showtime.
-#-
Author's Note:
Thank you dahil nakaabot tayo ng Chapter 7! Yuppiee!!! Road to Chapter 8 na fayo guisssss. Salamat sa suporta.
YOU ARE READING
Behind those Glasses; Holds a little Secret
De TodoThe Beautiful, almost perfect, Heiress of Aeolus Company ran away from her arranged marriage, flee to Philippines, and met a Cold-Blooded Famous Singer. She needs to hide her identity for her safety. But that doesn't change the fact that she is sti...