Chapter 4

132 5 0
                                    


Lucas' POV

"Ouch- Dahan Dahan naman Carter!" Bulyaw ko.

"Ako na nga ang nagtitiis na gumamot saiyo, ikaw pa ang nagrereklamo!" Bawi ni Carter.

"Eh ikaw lang ang walang ginagawa eh!" Bawi ko.

"Anong walang ginagawa?! Eh nakikita mong nagbabasa ako ng libro kanina! Tapos sasabihin mong wala? Diinan ko kaya tong bulak!"

"W-wag! Ouch! Masakit!" Sabi ko habang ginagamot ang sugat at pasa ko malapit sa mata.

Ano nang pangalan niya? Ahy oh. Suzuoki. Suzuoki!!!! Siguradong pagbabayaran mo to!

"Carter." Tawag ko sa tropa ko.

"Ano nanaman?" Tanong nya.

"Gwapo parin naman ako kahit may pasa at sugat diba?" Wise kong tanong.

Agad naman akong binatukan ng sobrang lakas ni Carter.

"Sa dinami-dami, yan pa ang inaalala mo?!" Sabi niya sabay ligpit ng first aid kit.

"Ehh natatakot ako na mabawasan ang fans ko eh." Sabi ko sabay tingin ng repleksyon ko sa salamin.

"Tignan mo oh. Purple na siya." Sabi ko sabay turo sa repleksyon ko sa salamin.

"Tsk. Ewan ko saiyo! Makaalis na nga at pumunta ng liblary! Istorbo ka!" Padabog na umalis si Carter sa Clinic.

Di kasi ako basta-basta nagpapahawak kahit kanino. Lalong lalo na sa nurse na yun! Kitang kita mo sa mga mata niya na baka pagsamantalahan ang gwapo kong katawan.

Kaya si Carter na lang ang pinagamot ko.

"Aish!" Napasigaw na lang ako sa inis. Magbabayad talaga etong si Suzuoki. Magbabayad ka!!!

"HAHAHAHAHHAHA!" <- ako yan na nagevil laugh with matching tingin sa itaas.

"Uhmm. May sakit po ba kayo sa utak, ganun?" Tanong ng isang estudyante na pumasok ng clinic.

"W-wala!" Depensa ko.

-#-

Carter's POV

Damn that guy! Ako pa talaga ang pinag-gamot niya ng sugat at pasa niya eh no?

Aish. Kung di ko lang siya kaibigan baka mabalatan ko pa yan ng buhay.

Dumeretso ako sa liblary, one thing I love about this place is that because walang masyadong tao.

People lately don't have interests in books.

And minsan, mag-isa ko lang dito. Less ingay, less hassle. More focus, more information.

Hinahanap ko yung book na binabasa ko. Yung Miss Peregrine's Home for Peculiar Children.

Sobrang love ko yung book na yun.

Ever since, paborito ko na yun at inaabangan ang susunod na mga parts.

Limited lang yung bagong book na lumabas. And sadly, di ako nakakuha ng copy. Tanging sa liblary lang ako nagtiyatiyaga na magbasa nito.

Hinanap ko yung libro pero di ko mahanap sa dating pinaglalagyanan ko ng libro para madaling hugutin at hanapin.

"Uhmm. Madam alam niyo po ba yung bagong labas na book ng Miss Peregrine's Home for Peculiar Children? Di ko po kasi mahanap eh." Sabi ko sa Liblarian.

"Ahh iho. Nasa babaeng iyon yung librong hinahanap mo." Sabi ni Maam sabay turo sa babaeng kulay brown ang buhok at nakasalamin.

"Ahh salamat na lang po!" Sabi ko.

Behind those Glasses; Holds a little SecretWhere stories live. Discover now