Aki's POV
"Good Morning Maam!" Bati naming mga kaklase ko except for one.
Of course alam niyo na kung sino yung. Walang iba kundi ang Tanggoy ng College of Science and Technology. Lucas Dione X. Alacantara.
Nag-aral lang kami at nagdiscuss. Sa sobrang antok ko ay yung tipong nakatulog na ako sa upuan ko.
Hinarang ko yung libro ko sa harap ko para hindi ako mahuli sa akto. Oh ano?
Nagising na lang ako nung natapos na yung klase. Magliligpit na sana ako ng gamit ko kaso nakita kong masamang nakangisi saakin yung katabi ko.
Oh no. I smell danger.
"Guys! Gusto niyo ba ng pizza??!" Masayang sabi ni Lucas.
Agad naman na nagsihiyawan ang mga kaklase ko.
"Oh. Etong pera. Bili ka. 10 box ng pizza." Sabi ni Lucas.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko. Yung as in na parang luluwa na. Tinuro ko pa yung sarili ko kung ako ba talaga ang sinasabihan niya.
He nodded and smiled like a devil.
Padabog kong kinuha ang pera saka dumeretso ng cafeteria. Jusko. Kung alam niyo lang na nasa pinakataas kami ng building tapos yung cafeteria nasa ground floor ng kabilang kabilang kabilang building.
Pero bago pa man ako makababa, may idea na ako. I smirked.
May kinalikot lang ako sa phone ko saka bumalik sa room atsaka natulog ulit.
"Hoy!"
"Yung Pizza."
"Hoy! Paano yung Pizza namin?"
"YAH!"
"Kita mo namang natutulog ang tao eh. Maghintay ka nga!" Sigaw ko sa sumigaw saakin.
Sino yung sumigaw? Well walang iba kundi si Tanggoy.
"Pag di ka pumunta ng cafeteria in 3 seconds, I will Fire you..." Seryosong sabi ni Lucas.
"3."
"2."
"SPECIAL DELIVERY! FROM PIZZA HUT!" Sigaw ng crew.
Agad naman akong ngumiti at kinuha yung mga pizza saka binayaran ito.
"Eto na mga Pizza niyo!" Sigaw ko sa mga kaklase ko at nagsi-unahan sila sa pagkuha.
Napatingin naman ako sa gawi ni Lucas. Nganga siya ngayon. Di niya kasi maapreciate ang katalinuhan plus kagandahan ko. Charott!
"D-Di ko yung naisip ah." Narinig kong bulong ni Lucas.
"Nganga ka ngayon. Psh." Sabi ko at bumalik sa pwesto ko at nagday-dream sa harap ng bintana.
Sayang di ko kaklase si Aubrey. Sa College of Arts si Aubrey. Major niya kasi ang arts. Kaya pala ang artistic niya.
Samantalang ako, napagpasiyahan ko na mag-college of science and technology. Gusto ko talaga kasi maging scientist or chemist man lang kahit malayo.
"Suzuoki! I'm glad we met again." Sabi ng Lalaki sa harap ko. Agad na nagpop yung malabubble na imaginary sa itaas ng ulo ko.
"H-Ha?" Sorry wala pa kasi ako sa katinuan. Ikaw ba namang bagong gising.
"I'm Carter again.... Kamusta na?" Tanong niya.
Napatulala na lang ako habang unti-unting nag-sink sa utak ko yung sinabi niya.
"Bakit ka tumakbo paalis sa Liblary nun?" Tanong niya.
"Ahh-Ehh..... Nakakita kasi ako ng lamok. Tapos hinabol ko." Sabi ko.
YOU ARE READING
Behind those Glasses; Holds a little Secret
AcakThe Beautiful, almost perfect, Heiress of Aeolus Company ran away from her arranged marriage, flee to Philippines, and met a Cold-Blooded Famous Singer. She needs to hide her identity for her safety. But that doesn't change the fact that she is sti...