Chapter 5

135 5 0
                                    


Lucas' POV

"LUCAS DIONE X. ALCANTARA!!!!" Aray ko. Ang sakit sa tenga!

"Bakit?!" Sigaw ko rin para fair.

"Panoodin mo itong video!!!' Sigaw saakin ni Manager Lee. (Parang bakla kumilos si Manager Lee pero lalaki yan)

"Mukha ka na ngang maid, ugali mo pa di mo maiayos. Anong klase ka ha?"

"Good day Mr. Alcantara. According to Republic Act 9835 (kunwari lang), calling others something that is not considered on their profile is an offense. It is one of the branches of verbal abuse. Please watch your tongue. And let me say to you. Please read Colossians Chapter four verse six and let your tongue speak about good and not bad. Because if you still continue to act like that... five to ten years of jail time..."

"Ohhhhh!!!"

Wait. Eto yung nagkasagutan kami ni Ice Cream Stealer kahapon ah!

"Saan yan galing?!" Sigaw ko. Di ko mapigilang magtaas ng boses.

"Eh ano pa nga ba? Edi sa mga school mate mong nagvideo kahapon!" Sabi ni Manager sabay batok saakin.

Bakit lahat na lang sila, binabatukan ako?

"Paano niyan? Nabawasan ba ang fans ko?" Tanong ko.

"Oo! Nabawasan ng 3%! Dahil diyan!" Sabi ni Manager Lee.

"Pero mababawasan pa ba?" Tanong ko.

"Oo. Mababawasan pa yan hanggat hindi iyan nareresolba ng maayos! Around 48% sa mga fans mo ang confused sa nangyari. Kaya sosolusyonan natin ito para di mabawasan ng lalo yang fans mo!"

"Anong solusyon ang gagawin?" Tanong ko.

"Mayroon nang solusyon. Ang kailangan ko lang ay ang cooperation niyong dalawa." Sabi ni Manager Lee.

"Dalawa? Sino yung isa?" Tanong ko.

Binatukan nanaman ako ni Manager.

"Aray!" Arte ko.

"Common Sense. Edi yung babaeng kasagutan mo!"

-#-

Aki's POV

"NO WAY!" Di ko mapigilang magtaas ng boses.

"Hindi ako papayag!" Dagdag ko.

"Sige na.. Di pa ba sapat ang autograph ni Lucas? Sa totoo lang ikaw palang ang nakakakuha ng autograph niya. Di kasi siya nagbibigay ng autograph sa mga fans niya.." mahabang paliwanag ni Manager Lee daw.

"Kahit na! Ayoko sa Tanggoy na yan!" Sigaw ko sabay turo kay Lucas.

"Pero kailangan. Kasi panoodin mo ito." May pinapanood silang video saakin. Wengya! No way! Navideo ito?

"Ka-Kanino galing yung video na yan?" Tanong ko.

"Isa sa mga estudyante na nakiusyoso kahapon." Buntong hininga ni Manager Lee.

Lagot! Baka yan pa yung maging dahilan para mahanap ako ni Lolo! At maipakasal sa taong ayaw ko! Huhuhu.

"S-sige. Labag man sa kalooban ko pero papayag ako."

Agad namang natuwa si Manager Lee.

"Sa tatlong madaling kondisyon."

"Sige. Ano yun?" Tanong ni Manager Lee.

"Unang-una, gawin niyo ang lahat para maidelete yang video na yan." Sabi ko.

"Oo naman. Idedelete naman talaga iyan." Sabi ni Manager Lee.

"Pangalawa, dapat sagot niyo na yung tuition fee ko sa pag-aaral ko dito sa Builevard Academy."

"No problem!" Masayang banggit ni Manager Lee

Kahit papaano naman ay may advantage din ako nuh. Tiyaka di ko sure kung magtatagal ang ipon ko.

Be sure than never.

"At pangatlo, pwede kahit isang suntok lang? Suntukin ko lang itong Lucas na toh!" Sabi ko sabay susuntok na sana sa kaniya pero hindi natuloy dahil sa inawat ako ni Manager Lee.

"Manager. Kahit babae yan, masasapak ko yan!" Sabi ni Lucas sabay turo saakin.

"Wala akong pakealam! Basta masuntok kita, or batok lang, okay na! Grrr..." Sabi ko.

Nagtinginan lang kami ni Lucas. Yung tipong parang may kuryente sa mga tingin namin.

Nang-gagalaiti na ako na ako sa galit. Bakit? Sa tingin niyo mababaw lang naman ang rason kung bakit galit ako sa kaniya? No!!!

Baka dahil sa video na yun baka mahuli ako ni lolo! Ayoko pa! Ayoko pang makasal!

Kung sanang hindi siya gumawa ng eksena edi sana clear pa ang pangalan ko. Huhu. Sana hindi pa napanood ni lolo ang video.

"Eto na lang. Since ikaw naman ang magiging personal Secretary ni Lucas, sasahuran ka na lang din namin. Okay na ba yun?" Tanong ni Manager Lee.

"Okay deal." Kala niyo ako nagsabi niyan? Hindi mga chong! Si Lucas yan. Ang kapal ng mukha. Siya kinakausap? Siya kinakausap?

"Wag ka nga sumabat! Manager Lee, Deal ako diyan." Sagot ko.

"Perfect! Ngayon mag-shake hands kayo." Sabi ni Manager Lee.

"ANO?!/WHAT?!" Sabay naming bulalas.

"Shake-hands. Sign na bati na kayo." Sabi ni Manager Lee sabay ngiti saamin.

"Kung ayoko? I have my taste you know. Hindi ako basta nagpapahawak ng kamay." Mayabang na sabi ni Lucas.

"Yabang. Kapal ng mukha. Kasing kapal na yata ng pader ng SM yung mukha mo! And FYI, may taste din ako nuh!" Bulalas ko.

At yun nga. Nagtitigan nanaman kami. Nagpalitan lang kami ng sama ng tingin.

"Kung ayaw niyo sige, di ko reresolbahan yung video..." sabi ni Manager Lee at aalis na sana.

"Wait!/Wait!" Sabay ulit naming sabi ni Lucas at sabay hawak sa magkabilang braso ni Manager Lee.

"Eto naman. Di mabiro. Eto na oh. Magshashake hands na..." parang bata kong sabi.

Humarap si Manager Lee saamin, nagcross-arms atsaka pinagtaasan kami ng isang kilay.

Bumuntong hininga ako. Nagshake hands kami ni Lucas. Pero di mo talaga maalis yung parang kidlat sa pagitan namin ni Lucas.

Psh. Sana may lazer eyes ako. Kung meron man, baka nailibing na itong Lucas na ito. Grr...

"Very good." Sabi ni Manager Lee at tumalikod.

Ng tumalikod naman siya ay hinead lock ko si Lucas gamit ang balikat at kamay ko. Tinakpan ko rin ang bibig niya para si gumawa ng ingay.

Psh. Weak.

Nagulat na lang ako ng lumingon paharap saamin si Manager Lee.

"A-anong ginagawa niyo?" Tanong ni Manager Lee.

"Ahh! Haha. Sorry na kasi Lucas. Eto naman! Ang tampuhin mo." Sabi ko na kunwari ay binaback-hug si Lucas.

Eww...

No choice lang eh...

"Ang sweet niyo. Tara na." Sabi ni Manager Lee at tumalikod.

Nang mawala na siya sa paningin ko, binalik ko yung pagkakahead-lock ko kay Lucas.

"Eto para saiyo!" Sabi ko.

Hinahampas naman niya yung kamay ko dahil nahihirapan siyang huminga.

-#-

Author's Note

Ano na? Ang fierce ni Aki nuh? Hahaha. Bagay ba sila ni Lucas?

Team LuKi?
Or
Team AkTer?

Behind those Glasses; Holds a little SecretWhere stories live. Discover now