Kami??? part 2

25 2 0
                                    

Chapter 3 part 2

"Elijah halika na sisimulan na natin yung pagfilm!!"sigaw ng isa kong kagrupo. "Sandali lang" sagot ko "Andrea pwedeng ikaw muna magtext kay Dareen?"

"Sige ba hehehe" sabi niya ng pangiti-ngiti pa.

Umupo na ako sa first row ng mga upuan sa room dahil ang scene sa classroom. Palagi kong tinitingnan si Andrea kasi I smell something fishy nung ngumiti siya sakin. Pinagpapatuloy namin yung pagfilm at nakakalimutan ko ng lingunin si Andrea. Nakita ko na lang na pati sina Jadea at Nove nandun narin at may sinasabing di ko maintindihan sakto naman na may sinasabi pa si Kobe kaya lumapit muna ako kina Andrea at sabay hablot ng cellphone ko "Tinatanong niya kung pwede daw manligaw" sabi ni Andrea habang nagscoscroll ko para makita kung ano yung pinagtetext niya kay Dareen "Joke ba yan?" sagot ko pero nakita ko na yung text nga ni Dareen na kung pwede daw manligaw at ngiti ngiti naman. Bumalik na ako sa inuupuan ko dati kasi tinawag na naman ako. Habang nakikinig kami sa kagrupo namin na teacher kunwari, ay napapangiti ako at linilingon sina Andrea"Pst" tawag niya sakin at lumingon naman ako "I love you daw" sabi ni Andrea na walang boses na lumalabas sa bibig "I love you too" haha natatawa kong sinabi"joke" pahabol ko tiningnan sila habang nagtatype na sa cellphone ko.

Maya maya ay tumunog na ang bell hudyat na pupunta na kami sa susunod naming subject. Kinuha ko na yung cellphone ko kay Andrea at lumabas na, habang papunta na kami sa sunod naming subject tiningnan ko kung ano yung mga tinext nina Andrea kay Dareen.

"Uyyy pakbet kayo ano to"habang pinapakita ko sakanila yung text ni Dareen na "yes raw". "Huyyy magsabi kayo ng totoo anong ibig sabihin ng yes na to na text ni Dareen. Uyy Nove magsalita ka!" sabi ko kina Nove at Jadea habang hinahatak ng mahana yung dulo ng manggas ng uniform nila. "Ah..eh..ano ang ibig sabihin niyan yes daw kasi sinagot mo na siya"

"Ano?? Hindi ko nga siya sinagot ng kahit o tinext ng kahit ano tas kami na?? As in kami???"

"Hehehe... gusto mo na man diba kasi siya yung ultimate crush mo... diba?" sabi ni Nove sakin, binigyan ko naman silang tatlo ng death glare "Hehehe peace tayo" sabi nila habang naka peace sign "ayiee di na yan galit" sabi nila at tinusok tusok ang tagiliran. Syempre best friend ko sila kaya napangiti naman ako.

"Sige na nga sasabihin ko na lang na hindi ako yung sumagot sakan-"  agad namang hinablot ni Jadea yung cellphone ko at "Huwag na pra maexperience mo rin magkaroon ng lovelife"sabi niya "Ehh sa ayaw ko nga eh baka-" sumingit agad si Nove "Jang ito na yung time para maka experience ka ng true love, pls. lang sayang ng ganda mong yan kung wala kang boyfriend"

"Ok fine pero wala akong alam sa love na yan"

"Kaya nga tinawag na experience, diba??" sabi nilang tatlo

Nakarating na kami sa room namin at guess what?? Katext ko ang boyfriend ko DAW hehehe. Oo, crush ko siya pero di ibig sabihin nun gusto kong maging boyfriend siya.

*Bzzt**Bzzt*

Dareen

Ano pala ang tawagan natin?

Shit!! OMG kinikilig ako, sweet pala siya kasi siya pa yung nag insist kung ano ang tawagan namin sheyt sheyt OMG pls. pigilan niyo ko baka sipain ko ang nasa unahan ko dahil sa kilig o di kaya hampasin ko tong katabi ko, wrong timing naman oh kung kailan kailangan ko sina Nove para hampasin ehh wala sila.

To: Dareen

Ewan ko sayo, ikaw na lang mag-isip

Habang nagsasalita yung teacher namin sa unahan ay ako naman ay panay text hahaha ng biglang may nagbato sakin at tiningnan ang paligid kung sino nagbato nun. Si Nove pala kinuha ko yung papel kasi baka may sinulat siya dun.

Uyyy bruha ka bakit ngiting ngiti ka dyan para kang tanga, dalhin ka na kaya namin sa mental hospital.

Yan ang nakasulat sa papel na binato niya pero sorry siya busy ako kay Dareen my labs kaya dideadmahin muna kita best hahaha XD

*Bzzt Bzzt*
Dareen

Pls. Elijah gusto ko ikaw ang mag-isip ng tawagan natin pls.

Me is so keleg. spell sweet D-A-R-E-E-N hahaha XD

(Nove & Jadea sa side --------->)

Finding "THE REAL ONE" (used to be PNLBAA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon