Chapter 6
Good morning hehehe. Grabe palagi na lang maganda ang gising ko dahil kay Dareen haha. But nasira ang pagmomoment ko dahil biglang pumasok si mama.
"Nak, tama na yan. Oo ikaw na ang nagkaroon ng romantic date kagabi pero aral muna. Kaya magbihis kana may pasok ka pa."
Tsk. Kahit kailan talaga palaging ganyan si Mama "Opo, ito nga po oh patayo na po" at dumeritso na sa banyo para maligo. Ginawa ko na ang daily routine sa umaga at dumiretso na sa school namin. Hindi ako nagpasundo kay Dareen dahil alam kong pagod siya at di naman siya nagsabi na ihahatid niya ako or something, ni hindi nga nagtext sakin ni isang letra o period man lang. Pero naintindihan ko naman yun eh. Understanding kaya tong girlfriend noh.
Nakadating na ako sa school at habang papunta ako dun ay parang iba ang titig ng mga tao sakin at may binubulong pa.
"Kawawa naman si- blah blah blah" di ko na tuluyan narinig yung sinabi nila dahil papalayo na ako kasi papunta na ako sa room namin malamang.
Nang tuluyan na akong makapasok sa classroom namin ay nabigla ako sa nakita ko. O_O Isa isang lumapit sakin ang mga kaklase kong at sabay bigay ng pink carnation. Hindi naman halata na gustong gusto ni Dareen ang pink carnation, noh?? At pano ko nalaman na sakanya galing it's a girlfriend instinct hahaha parang mother instinct lang.
Hanggang ang panglabing dalawa na ang nagbigay sakin ng bulaklak at sa huling bulaklak na yun ay may nakausling parang card at may nakasulat sa loob.
Meet me at the garden after your class.
- DareenLumundag naman ang puso ko sa nabasa ko. Pagkabasa ko nung card ay dumeretso na ako sa aking upuan at sakto naman pag-upo ko ay dumating na si ma'am, pagkakita ko kay ma'am ay bigla kong tinago ang mga bulaklak, alam niyo na baka ako pa ang matripan ni ma'am at kung ano ano pa ang sabihin sakin. Habang nagsasalita si ma'am ay nakatulala lang ako at nag-iimagine na kung ano na naman ang isusurprise sakin ni Dareen.
*SHEYT TAGAL NAMAN NG ORAS OH!!* sabi ko sa utak ko.
*10 mins. before the time*
Hahaha ang bilis noh. Sinabihan ko kasi si author na pakibilisan kasi excited na ako makita ang panda ko.
"Class I'm gonna dismiss you earlier because I have something to do, so goobye." at sabay ligpit ng mga gamit niya. Ako naman ay dali daling lumabas na ng classroom. Grabe maaga daw, anong maaga ang tagal kaya at ang boring pa maglesson.
"Huyyy Jang!!! San ka na naman pupunta??" sigaw ni Nove
"Ikwekwento ko nalang sayo bukas. BYE~" Sigaw ko rin at tumakbo na papunta sa garden.
Pagkadating ko sa garden ay di ko siya nakita.
"Masyado naman yata akong excited" sabi ko sa sarili ko. Maya maya may narinig akong ingay sa gilid ng garden. Dahil ako'y isang dakilang tagausyuso kaya tiningnan ko kung ano yun...
*TAKBO* *TAKBO*
*Sa Bahay*
"Ohh Jang ang aga mo ata umuwi" sabi ni mama at dinaanan ko lang siya na parang di ko narinig yung sinabi niya at dumiretso na sa aking kwarto at natulog na.
*KINABUKASAN*
*SA SCHOOL*
"Uyyy Jang ano na yung ikukwento mo sakin?" Tanong sakin ni Nove
"Wala!!! Walanghiyang p*utangina akong makukwento sayo!!"
"Uyy chill lang best... ano ba yung buong nangyari kahapon? Handa akong makinig sayo."
BINABASA MO ANG
Finding "THE REAL ONE" (used to be PNLBAA)
RandomAuthor's Note: Hi po pinalitan ko po yung title kasi parang ang haba at for private reasons XD PNLBAA stands for Palagi na lang ba Ako "AASA"? Oo, sa tingin ko lahat ng lalaki pare-parehas sila. Lahat sila paasa, at pafall, tas pag nafall ka lalo ka...