Raine's POV
Calling: Simmy Chua
"Bakit?"
"Raine! Ano? Nasan ka na? Buhay ka pa ba? Okay ka lang?" Kung nasa harapan ko lang tong si Sim. Baka nasapok ko na.
"Obvious bang buhay pa ako, eh sinagot ko nga tong tawag mo."
"Malay ko ba kung mamaya, kinidnap ka pala nila tapos nanghihingi sila ng ransom... tapos..."
Napahinga nalang ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ba kami magkaibigan nitong si Sim eh. Ang labo talaga kausap minsan.
"Nasaan ka? Puntahan ka na namin dyan ni Jeremy."
"Nandito ako sa storage room ng mga Janitor, ako nalang pupunta jan. Nasan ba kayo?"
"Nasa reader's cafe. Osige. Kitakits nalang best!"
Naglalakad ako papuntang library kung san nandoon yung reader's cafe. Oha! Galing ng school namin no? May coffee shop sa loob ng library. Nakikinig pa ako ng kpop habang naglalakad ng bigla nalang may humarang sa daan ko. Ayoko pa naman sa lahat yung may humaharang sakin.
Aawayin ko na sana ng biglang makita ko yung mukha ng lecheng harang sa daan ko.
Hindi ako makapagsalita...
Hindi ako makakilos...
Bakit siya pa....
Bakit may aso sa harapan ko? BAKIT MAY ASO?!?!?! EH TAKOT AKO DITO. GAGO TONG NAGPAKAWALA NG ASO SA HARAPAN KO. DI KO SIYA MAPAPATAWAD.
Lumapit pa yung maliit na aso sa akin. Nakakainis. Masyadong madaming balahibo, aasthmahin ako nito eh. Lumayo ka sa akin creature. Please lang. Di tayo talo. Wag na wag mo ako didilaan baka ipatapon kita sa dog pound.
Nararamdaman ko na yung balahibo ng aso. I'm so freaked out already. Gusto ko umiyak. Takot talaga ako sa aso. Kung sana nandito lang si Aki...
Flashback (2004)
"Aphrodite, diyan ka lang. Wag kang gagalaw. Pag gumalaw ka lalo kang pupuntahan nyang aso."
"Aki *huk* please *huk* ilayo mo tong aso *huk* ang laki *huk* baka kainin ako" Umiiyak na ako kasi ang laki talaga nitong dobberman na to. Pinakawalan kasi ng yaya ni Aki eh. Kainis. Baka di na ako mabuhay ng matagal nito.
"Seichi!" Tawag ni Aki dun sa halimaw nyang aso. Bakit ba may pangalan to?
"Aki! Bakit ayaw *huk* alis mo ung aso *huk* please *huk*" Nakita kong kumuka ng meat si Aki at tinawag ulit yung aso. Tinapon nya sa malayo para sundan ng aso at yun nawala na.
Niyakap ko siya at umiyak ng umiyak. Akala ko talaga mamamatay na ako. Buti nalang nandyan sya.
Niyakap nya ako ng mas mahigpit at bigla siyang bumitaw sa yakap. Medyo lumuhod sya para i-signal na pumasan ako sa likod nya para makabalik na kami sa bahay nila.
"Natakot ka ba, Aphrodite? Sorry ha. Sorry di kita agad nalayo kay Seichi. Di na mauulit yun. Po-protektahan kita lagi, promise yan."
"Promise?"
Ngumiti siya. "Oo, promise."
End of flashback
Si Aki ang first bestfriend at first love ko. At kahit ata anong mangyari, sya lang ang mamahalin ko. Kahit iwan nya na ako. Kahit mukha akong tanga, siya padin ang mahal ko. Tanga na kung tanga, pero 8 years kasi ang pinagsamahan namin, maiitapon ko ba lahat yun?
![](https://img.wattpad.com/cover/2383467-288-k378907.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted Guy
Teen FictionWhat will happen when miss butt-kicker meets the cold-hearted guy? Will they clash or will they prove that opposites do attract? Will they be able to warm each others' hearts and prove that love still exists? [GENRE: TEEN FICTION, ROMANCE & HUMOR]