Chapter 12- Pageant Night
Tita Heidi's POV
"P-paano nangyari yun... t-totoo ba lahat to Ryuu? Diyos ko po! Kawawa naman ang anak ko!"
Napaupo nalang ako sa sofa at tumulo ang luha ko, napaka-mapaglaro naman ng tadhana at nangyayari sa amin lahat ito. Paano ko ba mailalayo ang anak ko sa bagyong paparating sa buhay niya?
"I told you Tita Heidi, ignorance is a bliss." Sabi naman ni Ryuu. Oo nga, sana pala di ko nalang nalaman... hindi ko naman lubos maisip na ako... ako ang may kasalanan ng lahat ng ito...
"Tita, sasabihin niyo po ba kay Raine?" Alam ko na din na lalaki si Jeremy at boto ako sa kanya para kay Raine. Sana silang dalawa nalang nagkatuluyan, mas mabuti at mas magigibg maayos ang lahat
"Oo na, hindi ko na sasabihin kay Raine dahil sa huli siya lang din naman ang masasaktan." Ngumiti si Jeremy. Tumayo na at umalis si Ryuu. Sana tama tong naging desisyon ko...
Hiro's POV
Nakita kong palabas si Aphrodite sa student council room. Hindi niya ako pinansin at nagdirediretso siyang umalis. Ano kayang problema nun? Dahil padin kaya hindi ko siya sinundan nung general assembly? Ano ba naman yan.
Teka, bat nandito yun? Wag niyang sabihin na sumali siya sa pageant? Tinignan ko ng masama yung dalawang mokong na si Kevin at Brylle.
"Kita nyo ginawa nyo! Lalong nagalit sakin si Aphrodite eh!" Nakakainis talaga! Pero sa totoo lang, okay lang talaga na kasali si Aphrodite kasi mananalo naman yun, wag lang sana kasali si Aly dahil alam naman ng lahat na siya ang manok ng SC. Lagi namang ganun, kung sino mang gusto nila manalo sila yung magiging panalo.
"Ah kasi-" sambit ni Kevin
"Hiro Atashi, tawag ka na ng panel." Tawag sakin nung isang officer. Paglabas ko lagot talaga sakin yung dalawang yun!
"Ui hiro!" Shit. Kasali si Aly? Patay na, pano na si Panget nito?
"Kasali ka pala Aly?" Nag-nod siya.
"Kasali nga din si Raine eh. Di ko kasi alam eh, magback-out nalang kaya ako?" Oo nga magbackout ka nalang -.-"
"Anong magbabackout? Pumayag ka na Aly, interview stage na tsaka ka titigil?" Sabi nung president. Hay nako... bahala na nga si Batman.
Hindi naman na kami ininterview kasi pasok na agad kami. Umalis na ako agad ng interview room nang hindi nagpapaalam kay Aly kasi nakikipagkwentuhan padun sa nga officer. Umalis na ako at baka masundan ko pa si Raine.
"Maguusap tayo mamaya!" Sabi ko kina Kevin at Brylle.
Tumakbo na ako palabas at hinanap si Raine. At aba, napakagandang view naman nito, nagyayakapan sila nung "bading" na yun sa gitna ng daan. Galing ng tactics nitong si Jeremy, nakakascore ng hindi binibigyan ng malisya ni Aphrodite. Maging bading nadin kaya ako para makayakap din ako? :3
Nilapitan ko sila nung tapos na silang mag-PDA. Tss -.-
"Oh tapos na kayo?" Aba hindi ako pinansin ni panget at nagdiretso na sa gate. Hinila ko ng mahigpit yung kamay niya. Nagpupumiglas naman siya at binitawan ko siya ng nasa gilid na kami. Ang hirap hawakan eh, parang tigre! -.-
"What are you even doing Hiro?!?!" Sigaw niya.
"Bakit ba ayaw mo akong kausapin?"
"What? I'm talking to you right now diba? So can I go now?" Magwawalkout na naman siya ng hilahin ko ulit ung kamay niya.
"Ano ba hiro! Bitawan mo nga ako!!!" At dahil mala-amazona to, hinila niya yung kamay ko at sinuntok ako. Ang sakit nun ah. -.-
"Ano ba Aphrodite! Stop being so childish!!!"
BINABASA MO ANG
Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted Guy
Teen FictionWhat will happen when miss butt-kicker meets the cold-hearted guy? Will they clash or will they prove that opposites do attract? Will they be able to warm each others' hearts and prove that love still exists? [GENRE: TEEN FICTION, ROMANCE & HUMOR]