Author's Note:
Pasensya na po talaga dahil napakatagal kong magupdate. xxx
CHAPTER 13
Hiro's POV
"Sampung mga daliri..." Nilabas ko yung dalawang kamay ko at pinakita sa kanya.
"Nawala ang lima..." Tinago ko yung isang kamay ko sa likod ko.
"Hinanap ko, hinanap ko..." Hinawakan ko yung isa niyang kamay.
"Na sayo pala." Ngumiti ako at namula yung mukha niya. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya at hinalikan siya sa noo. Nilabas ko yung singsing na nakuha ko dun sa chichirya na kinain ko kanina at sinuot sa kanya.
"Ganyan lang yan ngayon, pero kapag nasa tamang edad na tayo... bibigyan kita ng mas magandang singsing" Humiga siya sa balikat ko at humiga ako sa ulo niya. Nakatingin kami sa langit na punung-puno ng mga bituin. Pero kahit ang dami nila, isa lang naman ang kailangan kong kasama, siya lang at wala ng iba pa :)
*kring kring kring kring*
Naalimpungatan ako dahil sa tumatawag sakin. Peste naman to, ang sarap-sarap ng tulog ko ginising ako. -_- Dumilat nadin ako at tinignan ko kung sino yung bwisit na caller.
Calling:
Unknown Number
In-end call ko nalang kasi di naman ako sumasagot sa mga unknown numbers. Tinignan ko yung oras, 5:30 pa lang. Nilagay ko sa silent mode yung cellphone ko para di na magingay at natulog ulit ako.
Bakit ganun yung panaginip ko? Malinaw lahat, maliban dun sa mukha ng babae na nakapatong sa balikat ko. Sabi naman ng prof ko sa sociology, ang panaginip pag naaalala mo pagkagising mo, ibig sabihin may continuation pa yun.
Sana nga meron pa, para makita ko kung sino yung babae. Mystery girl, where art thou? Hay nako, bangag ko na. Matutulog na nga ulit ako.
Raine's POV
Shift to Comm. arts again or not? Go to ateneo or not? Hayyy. Labo talaga ng buhay ko oh. Dami kong iniintindi kahit di naman dapat problemahin. Ang pinakamalaking problema ko ay ang pangangailangan ko sa dorm dahil mamatay na ako sa sobrang traffic sa baclaran. Jimbey teh!!!
Nagpaalam ako kina tricia at aly (oo bati na kami ;D) na hindi muna ako sasabay. Ang awkward kasi namin ni Hiro, di niya ako pinapansin at sinusungitan pa ako. Gusto niyo malaman nangyari?
*Flashback kanina sa may bonchon-carpark*
"Ano order niyo? Ako nalang bibili. Libre ko na kayo!" Sabi ni Aly.
"Nux. Palibhasa Ms. CBA ka na. Yabang!!" Kantyaw ni Andrew.
"Bakit si Aly lang manlilibre? Eh dalawa sa tropa nanalo? Ui libre naman jan Hiro!" Okay na kasi ako at hindi na ako galit. Hehehe. Narealize ko kasing anlabo nung pagkainis ko sa kanya.
"Hindi kita palamunin. Bahala na nga kayo jan, una na ako." Umalis na si hiro at naglaho ng parang bula. Anlabo seryoso!!! Huhu. Nakikipagbati na nga ako eh, wala lang sorry kasi di uso sakin yun. Peroooooo, ano ba problema nung masungit na yun?!
*sa classroom nung math class*
"Find your partner dahil yung next long quiz natin ay by partner!" Announce ng prof namin. Tinignan ko sina tricia at aly kaso may partner na sila pareho. Si tricia at si brylle, Si kevin at andrew, si Aly naman tsaka yung isa namin kablockmate na si Jules(may crush sa kanya yun eh, sabi niya win-win daw kasi magaling si math) kaya ang naiwan ay kaming dalawa nalang ni sungit.
BINABASA MO ANG
Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted Guy
Novela JuvenilWhat will happen when miss butt-kicker meets the cold-hearted guy? Will they clash or will they prove that opposites do attract? Will they be able to warm each others' hearts and prove that love still exists? [GENRE: TEEN FICTION, ROMANCE & HUMOR]