[6] Enchanted

947 22 7
                                    

Dedicated sa impaktang to. Hindi naman kasi niya binabasa yung story ko. Huhuhu. :)))

At dahil masipag ako sa update kahit labasan na ng grades namin. Huhuhuhu.

Ayan! Update ulit. Hihihi.

________________________________________

Jeremy's POV

"Sana mahanap kita raine... kapag ikaw yung nakasayaw ko sa dulo. Pangako, sasabihin ko na yung totoo sayo." Bulong ko sa sarili ko. Nandito ako ngayon sa General Assembly ng Nihongo Club. Hindi naman talaga ako member, pero dahil kapatid ko yung president at hotel naman namin to. Pumunta na din ako, lalo nung malaman kong pupunta pala si Raine.

Sana... sana matanggap mo. Kung sakaling malaman mo na lalaki talaga ako. 

Hiro's POV

*Enchanted- Taylor Swift*

"Now, let the blind-fold ball begin!" Sigaw nung president.

Nagsimula na yung tugtog. Sana mahanap ko si Aphrodite. Kailangan mahanap ko siya.  Kailangan ko siyang makita. Pero bakit nga ba? Dahil gusto ko mag-sorry? Dahil gusto ko ibalik yung ID niya? O dahil....

Gusto ko siya makausap?

There I was again tonight

Forcing laughter faking smiles same old tired, lonely place

May nakasayaw na ako, mukhang babae naman. Bawal din kasi magsalita. Kainis nga eh. Naka-blindfold na nga, bawal pa magsalita. Mahirap talaga makilala kung sino yung kasayaw mo. 

Pero alam kong hindi si Aphrodite to. Alam ko ung pakiramdam ng kamay niya, alam ko din yung amoy niya. Hindi naman sa stalker ako pero naging pamilyar na ako dahil lagi kong hinihila yung kamay niya at lagi ko siyang kasama kaya alam ko na yung pabango niya. 

Masaya talaga siya kasama, hindi kasi siya katulad ng mga ibang babae. Hindi naman sa sinasabi kong gusto ko siya dahil masyadong mabilis yun. Hindi ko din naman alam kung anong pakiramdam na magkagusto sa babae dahil hindi ko pa nararanasan yun. Pero hindi pa ito yun, alam kong hindi pa ito yun

Pero nitong mga nakaraang araw kasi, lagi ko tinitignan yung picture niya sa ID. Nakakaadik kasi tignan. -_- Ang ganda niya kasi talaga, bakit ba lagi kong sinasabi na panget siya eh hindi naman talaga? Iniisip ko nga kung ibabalik ko pa talaga yung ID niya. Hehehehe.

"Kaeru!" 

Nagpalit partner na. Tsss. Lalaki to. Bumitiw kaming dalawa sa isa't isa, alam naman namin sigurong hindi kami talo. Nagsalita siya bigla na ikinagulat ko, kasi bawal nga. 

"May hinahanap ako ngayong gabi... sana mahanap ko siya." Wow. Gaya-gaya to.

"Ako din."  

"Sana mahanap mo siya pre..."

"Ikaw din." Sana nga mahanap ko siya... sana. 

Sa hindi ko malamang dahilan, parang pamilyar sakin yung boses niya. Tsaka, parang matagal ko na siyang kilala kaya magaan loob ko. Alam kong hindi naman to si brylle, si andrew o kaya si kevin. Basta... hindi ako sa ilang sa kanya.

Pero may hindi ako magandang pakiramdam eh, para kasing iisa lang yung hinahanap namin? 

"Kaeru!" 

Nagulat ako nung nagsalita yung president, nagiisip pa kasi ako mabuti eh. BV.

Pagkahawak ko ng kamay nung kasayaw ko, alam ko na. Alam ko ng kamay niya to. Bakit nga ba hindi ko naisip na nandito siya? Ang tanga ko naman. Kainis.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon