Short update. I'm pretty satisfied with my prelim grades so yeah, I'm gonna have an update! :-D
[15]
[Raine's POV]
"Raine, san ka pupunta? Magno-noche buena na!" Sigaw ni mama. 11:30 na kasi eh, pero kasi may nagtext sakin na...
From: Hiro
Hoi panget, labas ka dito sa park niyo. Intayin kita. Bilisan mo!!!!
Parang tanga lang, paskong pasko kung makautos wagas. Ang sarap sipain, kahit kailan talaga cold-hearted guy to. Kung di ko lang to... ugh. -_-
[play the video ♥]
Lumabas na ako at naglakad papunta sa BF park. Nung malapit na ako, bigla akong nakarinig ng nagva-violin. A thousand years pa yung kanta! Nakaka-KV naman :">
Pagdating ko sa park, medyo madilim pero rinig padin yung violin. San kaya nang-gagaling yung tunog? Siguro dun sa kapitbahay namin na lagi nagpa-piano... aba level-up siya nagva-violin na!
Teka! Nasan na ba si Hiro? Magnonoche-buena na, wala pa ako sa bahay. Lagot talaga yun sakin mamaya!!! I'll kick his butt, gagawin ko siyang smoked ham.
Hindi pa ako tapos mag-monologue nang biglang sumindi yung mga ilaw at nakita kong may table sa gitna. May mga balloons pa sa paligid namin at nandun sina Kevin at Simmy, nakapang-waiter/waitress na outfit! Anong pakulo na naman to?!
Lalong lumakas yung violin habang naglalakad ako palapit sa table. Pinuntahan ako ni Simmy para i-assist sa uupuan ko. Si Kevin naman nilagyan ng wine yung baso ko, di naman ako mahilig sa mga alcoholic drinks -_-
"Swerte mo bes!" Ngiting-ngiti niyang sinabi sa akin.
"Nasan ba kasi yung unggoy na yun--"
Unti-unti akong napangiti habang naglalakad palapit si Hiro sa may table. Siya pala yung nagva-violin akala ko yung kapitbahay lang namin. Ngumiti siya kay Kevin at bigla din siyang naglabas ng violin! Binaba na ni Hiro yung violin at binigay kay Simmy.
Naglalakad na siya papalapit sakin at biglang...
I have died everyday waiting for you
Darling, don't be afraid. I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more...
Unti-unting nabubuo ang mga ngiti sa labi ko, habang kumakanta siya papalapit sa akin. Kulang pa ata lahat ng lengwahe para maipaliwanag lahat ng nararamdaman ko ngayon. Pati nga pagtatagalog ko, lumalalim na.
Noong nasa harap ko na siya bigla siyang lumuhod sa harap ko, tinignan ako ng diretso sa mata at sinabing...
"I may not be the perfect guy for you. I may not be as sweet as your ex-boyfriend nor as caring as your bestfriend but I promise to love you in my own best way. I'll promise to be what you need me to be: a shoulder to cry on, a punching bag, an academic tutor, a brother, a friend and a lover." Nilabas niya sa bulsa niya ang isang pahabang box at unti-unti itong binuksan.
"I don't know what love is nor do I have an idea of what forever means. But if it's something I'd be able to do together with you, then it's definitely worth trying." Grabe, ang ganda naman ng nitong necklace na may infinity sign na pendant!
"Raine Aphrodite Tiongco Park, please do believe that I love you and I promise to prove it to you every single day....
Naekko Haja?" (Be mine?)
I know that this love is getting too fast and that everything is in a haste but I do believe that love is not measured by how much time you knew each other. As cliche as it is, but love comes unexpectedly. And I guess, this unexpected love is the most wonderfuI thing that I have felt.
I can gladly sing Taylor Swift's song now.
I've been spending the last twelve months, thinking all love ever does is burn, break and end. But on a tuesday, under the sky, I watched it begin again (I edited some lyrics to fit the scene though)
Ngumiti ako kay Hiro...
"De, naneun nekkeoya."
"Teka, di kita maintindihan! Japanese ako, koreana ka!" Napakamot ng ulo si Hiro.
"Shunga ka eh. Nagmo-moment ako!! Korean tinanong mo eh, edi sa malamang korean ko sasagutin! Merong!" (belat) Nag-make face pa tong unggoy na to. Kala niya gwapo siya, gwapo nga! -_-
"Naneun nekkeoya! Je suis à toi! Soy toda tuya! Watashi wa anata no mono!
I'm yours, okay?" Nanlaki yung mata ni Hiro. Hindi ko alam kung dahil ang dami kong lenggwahe na sinabi o dahil dun sa meaning ng sinabi ko. Tumayo siya at isinuot yung kwintas sa akin.
"Te quiero, Ich liebe dich, Te Amo, Wo ai ni, Kimi o aishteru, Nomu saranghamnida, I love you, Mahal kita." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
Pumapalakpak si Simmy sa gilid namin. Mas masaya pa ata siya kaysa sakin pero joke lang yun. Walang makakatalo sa saya ko ngayon. After ng lahat ng misunderstandings at miscommunications, you're still my wonderwall. That someone that'd always be in my heart.
Nagsimula na yung fireworks display. Ano bang meron sa mga fireworks at ang daming magandang nangyayari? :))))
"Merry christmas, Panget."
"Merry christmas din, Mr. Cold-Hearted Guy."
-----
May kanta po sila Hiro ang title Naekkeo Haja or Be Mine. Search niyo po!
Be Mine- Infinite ♥ :">
Pasko palang sa kanila. Wahahaha. Ano ba yan -_- Bagal ko kasi magupdte.
maguupdate din po ako ngayong weekend. sabaw na update muna para naman masaya tayong lahat! ;)
blueiceprincess po ito -> mushroomjjang na po ngayon :)
BINABASA MO ANG
Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted Guy
Novela JuvenilWhat will happen when miss butt-kicker meets the cold-hearted guy? Will they clash or will they prove that opposites do attract? Will they be able to warm each others' hearts and prove that love still exists? [GENRE: TEEN FICTION, ROMANCE & HUMOR]