Chapter 2 : Pilosopo

77 7 1
                                    

Zach POV

Papasok nanaman, hay naku, marami nanaman akong iiwasan na babae. At ito pa pala mag memeet pa kami ni Kenchie sa campus 3 sa may hagdanan.

8:10 na wala parin siya, naiinip na ako ay di lang pala ako, kami. Ilang minuto na ang lumipas may nagtanong saamin na babae, maganda naman siya at masarap pagtripan. Tinanong niya kasi kung saan ang section kings, o di sinabi ko sakanya na hanapin niya, aba.. nainis pa. Pinagtawanan siya, kaya tinanong ko na pahiya. Ewan ko ba dyan sa mga babae, nagagalit nagtatanong lang. At sa totoo lang siya palang yung kauna - unahang babae na kinalaban ako, bilib ako at the same time natatawa ako. Mga ilang saglit lang, sinuntok ako. Naku.. your life will be miserable, hindi mo kilala kinalaban mo.

Tumingin ako ulit sa relo ko, 8:48 na pala, well i don't care. Pagkadating ko sa classroom nakita ko na duon si chix, nauna na pala siya.. ang bilis ahh.. Sinaway nanaman ako ng adviser nmin. Walang bago naman duon. Pagkapasok namin, hinanap ko agad si Kenchie at buti nasa classroom na pala siya.

Ilang oras narin ang lumipas,  sa wakas breaktime na!! Hinanap ko agad si chix, kailangan niya magbayad sa pag suntok sa mukha ko, kala niya libre lang yun? Pinigilan pa ako ni Archade.

" Tol wag na, suntok lang yan... at di naman yun malakas ehh... "

Hinayaan ko lang siya. Tumuloy parin ako sa lamesa ni chix. Hinawakan ko siya at sabi ko na tumayo siya nag pilosopo pa... Nakakainis na talaga yan'g babaeng yan. After namin mag usap este mag away, nakita ko si Kenchie sa hallway. Tinawag ko siya

" Kenchie! "

" Ay... Zach andyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. "

" Ganun ba? Diba kilala mo naman si Ikaria. "

" Oo, bakit? "

" Hindi mo ba alam na sinuntok niya ako? "

" Bakit ka naman niya hindi susuntukin kung wala ka'ng nagawang kasalanan, diba? "

" Bakit siya yung kinakampihan mo? Diba ako boyfriend mo. "

" Wala akong kinakampihan, at sige na... mamaya na tayo mag usap, baka malate pa tayo sa klase. "

Umalis na si Kenchie, si Kenchie naiintindihan ko pa pero yan? Si chix, it's a big NO yan siya saakin. Sino kaya magkakagusto sa ugali niya.



Archade POV

Hindi ko talaga maintindihan yan si Zach, puro galit lang ang nasa loob ay.. hindi pala galit, AWAY. Sa totoo lang may dailan si Zach sa mga actions niya, ewan ko lang kung naalala niya pa, pero ako.. naaalala ko pa talaga. Nagsimula ang lahat nung grade 5 kami, may pinakamahal siya na babae at ang pangalan niya ay Mae. Si Mae, mystery yan siya saamin. Hindi namin alam ang full name niya, kailan birthday niya, sino kamag anak niya, even age niya.

Isa rin ako sa mga nafall sakanya, ang bait bait niya kasi. She's unique. Niligawan siya ni Zach, pero ang sabi niya na baka bukas niya malalaman ang sagot. Dumating ang kinabukasan, hindi na siya bumalik. Balita rin kasi namin na - naaksidente siya, car accident daw.

Si Zach, muntik na magpakamatay sa lungkot, buti nalang napigilan namin. 

May bagong student sa section namin na nakakuha ng atensyon ko, ang pangalan ay si Ikaria Mae Paragas. I want to be her friend so I could know her better. Iba kasi yung feeling na your incomplete without her. Oo, i'm too much, nalove at first sight ata ako sakanya. O, sige na nga let's stop this for a while, balik muna tayo sa life ko ay este namin. 

Pabalik na kami sa  classroom, at nakita ko si Ikaria na sa loob, kaya inakbayan ko na siya para hindi siya maasar nila Zach.

" Ano ba?! " Sigaw niya.

Natawa lang ako, at tinanggal ko na yung braso ko sa balikat niya. Nakasimangot arin siya saakin, binalewala ko lang. Nagsimula na yung klase namin. Hindi ko maiwasan na titigan si Ikaria habang seryoso sa pag aaral, ang nakakainis pa... tinawag ako for recitation.

" What is  Mineral? "

" Ma'am! Mineral is a water, that is clean and clear. " Pinagloloko ko sagot ko.

Tumawa sila maliban nga lang kina Ikaria at Ma'am.

" Do you think this is just a joke? "

" Well no, I'm just answering your question. "

" Ma'am! Mineral is a solid chemical compound that occurs naturally in pure form. " Biglaang sagot ni  Ikaria.

" That's the answer! Can you repeat that again Mr. Gernale. " Mataray na salaysay ni ma'am.

" The Mineral is a bla bla bla etc. "

" Repeat that again! "

" Then what? I won't need this Mineral thing. "

" That's enough! Leave the class. "

" I don't want to, what will you do? Huh. "

" You'll regret this Mr. Gernale. "

" No, you're wrong. You'll regret this. "

At biglang nag walk out si Ma'am. Simula nun,  nag simulang magalit saakin si Ikaria.

( Kinabukasan)

Ikaria POV

Nagsing ako ng maaga sa wakas naman nagising narin ako ng maaga. Pagkatingin ko sa alarm clock ko 6:12 palang. Pumasok ako sa school ng 7:00, aga noh. Hindi parin ako makamove on kay ma'am first day palang yun ah, nag resign na. Si Archade kasi eh.. sagot ng sagot kay ma'am yan tuloy umalis.

Tumambay ako sa library para mag aral. Tapos biglang lumapit saakin yung isa sa mga gang nila.

" Pwede makiupo? " May dala - dala pa siyang mga libro. Tinignan ko lang siya. At umupo na siya. Ilang oras na ang lumipas, tumingin siya sa relo niya at nag madali siyang umalis habang nagpapaalam saakin. Dahil duon, tinignan ko rin ang relo ko, yun pala 8:25 na pala. Kaya tumakbo nanaman ako ng mabilis papuntang classroom, kakatakbo ko duon ko lang naalala na sa kabilang campus pa nga pala yun. Takbo lang ako ng takbo hanggang nabangga ko si, Zach. Napahiga siya, ako naman nakapatong sakanya, madaming nakakita nun at tinarayan pa ao ng iba yung iba tumatawa.

Mema LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon