Chapter 14 : Ikaria

36 9 2
                                    

Ikaria POV

Umuwi na kami galing camp, pagkauwi ko sa bahay humiga ako kaagad sa kama ko.

Napaisip isip ako kung bakit tumitibok ang puso ko sa 3 lalaki? I'm not like this, and I was never like this. Napapaisip ako minsan kung mahal ba ako ni mama, naging importante ba ako sakanila? Hindi ko na nararamdaman ang pamamahal ng isang magulang, simula nung mawala si daddy. Nawala si daddy noong 8 years old ako, it has been a hard time for mom to recover.

Alam niyo, itong cellphone na hawak ko? Walang halaga ito saaakin, sa 956k followers ko sa IG walang halaga iyon saakin, pero ito, itong pamilya ko ang mahalaga para saakin.

Oo, nakatira kami sa malaking mansyon, ngunit hindi kumpleto, paano ako sasaya sa ganitong sitwasyon?

Oo, naiinis ako kay mommy, hindi niya kasi kayang gawin ang time management, yun ang problema sakanya. Pero kahit ganun siya, mahal ko parin siya.

Mahal ko ang pamilya ko, kaso ang tanong, mahal rin ba ako?

**************

Naglakad ako papuntang rest room nang bigla akong hilahin ni Angelo papuntang rooftop. Napansin ko na kakaiba ang rooftop, mukhang hindi ko pa siya napupuntahan, may nakita kasi ako duon na tent.

Pinapasok na niya ako sa loob, naglabas siya ng donut, fries and juice.

" Kain ka na diyan " Sabi niya.

" Why are you  doing this to me. "

" Basta, kumain ka na. " Kumain na lang ako.

I don't understand him, gusto ba niya ako? Maya maya, biglang dumating si Zach. Hinawakan niya ako paalis, lumabas kami ng school.

" Hoy! Kailangan ko'ng pumasok. "

" Mas kailangan kita. " Pinasok niya ako sa isang sasakyan, inilock niya ang pinto.

" Pumunta ka sa bahay, sabay ka na saakin. Mamayang 3PM. " Tumango lang ako sakanya. Buti naman ay nakalabas narin ako.

**********************

Ilang oras na ang nakalipas

**********************

Hinila ako ni Zach, pagkatapos na pagkatapos ng klase. Sinakay niya ako sa sasakyan niya.

Nakarating narin kami sa bahay niya, binuksan ng guard nila ang gate, at binuksan naman ng kasambahay nila ang malaking pintuan. Pumasok kami sa kwarto niya.

" Oh, anong gagawin natin dito? "

" Wala, tambay lang. "

" Ano?! Tambay lang? "

" Oo, wait lang kuha lang ako ng pagkain mo. " Pagkalabas niya, biglaan naman pumasok si Archade at inila ako papuntang kwarto niya. Malaki - laki rin naman ang kwarto niya. Pinaupo niya ako sa kama niya at biglaan siyang humiga. Hinila nanaman niya ako pahiga. Hinawakan ko ang noo niya at mainit siya, kaya kumuha akong pampahid niya.

" Anong nangyari sayo? "

" Wala " Matamlay na boses.

Ilang oras narin ang nakalipas ay nakatulog na siya sa binti ko, unti unti narin nawawala ang lagnat niya. Pagkatapos nun, umuwi narin ako dahil gabi na.

******************

Kinabukasan, suspended ang klase dahil sobrang lakas ng ulan, tinulungan ako ni Diane na mag linis sa kwarto ko. May mga nakita akonglitrato na kasama ko sila Danielle, Angelo, Archade at Zach. Nagulat talaga ako ng sobra, kaya napatanong tanong ako sa sarili ko kung ako ba yung hinahanap nilang, pinakamamahal daw ni Zach? Kumbaga ako ba ang pinakamamahal nilang Mae.

//////////////////////////////////////

Arigato! Comment and vote if you liked my stories.

8:58 / 11 - 25 - 2019

Mema LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon