Chapter 10 : Gusto na ata kita

40 7 0
                                    

Zach POV

Nakakainis talaga si Ikaria, bakit niya kasi pinapatibok yung puso ko, eh may girlfriend na ako. Nahihirapan na ako, kasi naman pati si Diane pinapatibok narin ito, bad girl rin ba ang gusto ko? Ewan ko ba, but as soon as possible dapat makapili na ako sa tatlo.

Nahahalata ko na si Archade na may gusto rin siya kay Ikaria, si Danielle crush si Diane, and syempre si Angelo crush rin si Ikaria.

No! Bawal nilang kunin saakin si Ikaria, maha ko siya, ayoko siyang mawala.

I want to be his boyfriend pero paano si Diane at si Kenchie? Nahihirapan na ako.

But I'll still --- WAIT! Ito nalang, aysshh, nakapili na pala ako, si Ikaria.

Friday na, nakita ko si Ikaria papasok sa gate, at hinawakan ko siya sa kamay at tumakbo. Dumeretso kami sa classroom hawak hawak ang kamay niya.

Tinabi ko siya sa tabi ko, at mukhang naiinis siya saakin. 

Pagkatapos ng panyayari, sinama ko nanaman siya saakin sa canteen.

Diane POV

I don't know if i'm the only who can feel something, na, na gusto ako ni Zach?

Well even though gusto niya ako, may gusto akong iba, no one else kundi si Danielle. Siya yung ideal man ko, akala ko di ko na makikita ang katulad niya. 

Nakita ko sa classroom na hawak hawak ni Zach ang kamay ni IKaria, nasa dulo ako, tatayo na sana ako kaso tinigilan ako ni Kenchie. Nalilito na ako, alam niyo ba kung bakit? Eh, kasi si Zach parang iba siya kapag kaming dalawa lang, tingin ko may tinatago talaga siya.

Akala ng iba na wala akong kinakatakutan, masaya ang buhay ko, well actually yun nga ang gusto kong makamit, na di ko makamit kamit.

Buti nga si Ikaria, mayaman, masaya, nagagawa ang lahat ng gusto, pero ako, ang magtrabaho lang ang nagagawa ko para makatulong sakanila, hindi rin nila matanggap tanggap na gusto ko'ng maging scientist, kaso iba gusto nila, gusto nila na maging teacher rin ako.

Buti si Ikaria, may karapatan na siyang mag desisyon sa buhay niya, hindi tulad ko, parang nakakulong sa mga desisyon ng magulang ko. Halos di na nga sila umuwi sa bahay, ang tatay ko kasi, janitor sa umaga, guard sa gabi, ang mama ko naman, guro sa umaga, at call center sa gabi. Hindi lang sila ang nahihirapan, ako rin, dahil hindi ko sila kasama.

Kahapon, pumunta na ako sa bahay ni Ikaria, pinauna na niya ako, pinapasok ako ng helper nila sa kwarto niya, grabi ang laki ng kwarto niya, kasin laki ng room namin. Nakita ko yung mga pictures niya na kasama niya yung mommy niya,  but di ko nakita yung daddy niya, duon sa dulo ng mga frames, nakita ko yung picture nilang apat, kasama na ang daddy niya.

Gabi na, wala parin siya, nakatulog nalang ako sa upuan niya duon, at may biglang pumasok, nagising ako, tumingin ako sa orasan, at dun ko nakita si Ikaria.

" Ikaria! 10:47 pm na, saan ka ng galing. " Bigla ko siyang niyakap, nagluha nalang siya at niyakap niya ako.

//////////////////////////////////////////

So yun, no much talk ang chapter natin ngayon, but don't worry maybe sa mga susunod ko'ng chapters madami late narin kasi at hindi pa ako kumakain, para lang maka update sainyo.

9:19 PM / 11 - 22 - 2019

GOODBYE, TRY KO BUKAS!

Mema LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon