Chapter 24 : Notebook

16 5 0
                                    

Diane POV 

Nasa library ako ngayon, I skipped my morning class. Tumingin ako sa mga year book 6 years ago. Nakita akong nakakuha ng atensyon ko.

Si Mae, ang ganda ng pagkangiti niya at ang puti ng balat niya, makinis, hanggang balikat ang haba ng buhok niya.

Katabi ng picture niya ay ang picture ni Kenchie. May glasses siya nun at naka brace pa. Sa ibaba nun ay nakita ko ang isang babae na walang emosyon mukha. Maganda rin siya, hanggang balikat rin ang haba ng buhok niya at makinis ang balat. Ang pangalan niya ay si Ruby Sylvia Versosa.

Sikreto ko silang pinicturan at syaka ibinalik ang aking phone sa bulsa. Pumunta naman ako sa mini museum ng school. May isang malaking picture frame duon na may mahigit 40+ ang mga estudyante.

Sa unang line ay anduon si Ruby nasa gitna si Mae at katabi naman ni Mae sa may kanan ay si Kenchie. Sa taas nila ay anduon ang mga Bad Boyz.

May history na nakasulat duon sa gilid ng frame at binasa ko ito.

Sobrang haba nito nasa mahigit 5 meters ang haba pero buti ay may katangkaran ako. Maliliit rin ang mga letra duon. Isa isa kasi silang dinescribe.

Si Mae lang ang hindi na-describe, hindi ko rin alam kung bakit. Si Ruby ay isa nga talagang siga pero matalino at ang naging class president nila.

Si Kenchie naman ay isang matalinong estudyante at siya ang nangunguna sa klase nila, isa lang daw ang naging kaibigan niya dahil walang pumapansin sakanya.

Si Zach naman ay napakapasaway pero anak siya ng ka-bussiness partner ni Mr. Bernal. 

Si Kendrix rin ay pasaway at may pagkatalino, siya ang pangapat sa klase nila.

Si Danielle ay matalino at naging member ng Science club, marami na siyang mga nagawang imbento.

Si Angelo naman ay tahimik na bata, at siya ang anak ng may-ari ng school.

Si Archade ay pasaway na bata at anak siya ng principal ng school.

Bakit parang ang gaganda ng record nila noon samantalang ngayon--- basta.

Muli akong bumalik sa library para tignan ang iba pang mga impormasyon na makakatukoy kung sino si Mae...

Sa pag iikot ko sa library ay nakadating ako sa dulo, may nakita akong isang kahon duon na puno ng mga notebook. May nakalagay na Grade 5 - Corinthians Batch 2013 - 2014.

Batch ito nila Mae kaya kaagad ko itong hinalungkat at hinanap ang notebook ni Mae. May nakita akong White na notebook kung saan ay may nakasulat na pangalang Mae.

It was her diary, kaagad ko iyong itinago saaking bag at hinanap ko narin ang notebook ng mga Bad boyz, ni Kenchie at ni Ruby.

Inantay kong mag breaktime para makapasok na ako sa room at basahin ang mga ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Danielle POV

Habang nasa klase ay lumabas ako para mag CR, pagkatapos kong umihi ay kaagad rin akong nag hugas ng kamay at lumabas.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Diane na naglakad papuntang Mini Museum. Hindi ko alam kung bakit sinundan ko siya.

Patago ko siyang sinubaybayan habang nakatingin sa malaking class picture namin noon. Syaka niya binasa ang isang malaking gintong bakal kung saan ay nakasulat ang mga description saamin.

Bumalik na ako sa classroom ng wala sa sarili, bakit ako kinakabahankung wala naman akong nagawang mali?

Mema LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon