Chapter 18 : Katotohanan

23 7 0
                                    

Zach POV

It's July 10 already, ang bilis ng panahon noh? May practice kami ngayon, captain rin kasi ako.

Hinati kami ni Coach Raynan sa dalawang grupo, kami yung first group with 5 members.. absent kasi yung iba eh. Ang mga kagrupo ko ay sila, Jon, James, Gab at Mike. Ako syempre yung captain alangan naman si Mike. Yung second group naman ay sila, Archade, Kendrix, Sean, Vincent, at Justin.

Nag simula na ang game, inijumble na ni coach yung bola sabay pito. Agad ko'ng nakuha ang bola at pinasa ko kay Jon tapos nag dribble siya kasi hinaharangan siya ni Kendrix at pinasa na niya ito kay Mike, at pinasa naman niya saakin yung bola, malayo layo rin yung pinang tirahan ko at syempre, ako pa ba? Ako 'ata ang pinakamagaling mag basketball saamin, nashoot ko. Pagkashoot ko may narinig ako na sumigaw nang " Go Zach! " sabay tili, pagkalingon ko nakita ko si Maddie, at sa kaliwa niya nakita ko naman sina Kenchie at Diane. Natawa ako sa ginawa ni Diane kasi nag thumbs down siya habang tumatawa, si Kenchie naman ay nakangiti saakin.

Nag simula na ulit ang game namin, bola na nila Archade. Hawak ni Archade ang bola at pinasa niya ito kay Vincent at nag shoot na si Vincent, pasok. Pagkatapos niya mag shoot ay biglang nagsalita si Diane.

" Ako sali ako! Gusto ko sumali sa practice niyo! " Sigaw niya. Galing sa seryosong mukha at biglang tumawa ang mga kasama ko kasama na yung coach ko.

" Sure ka ba diyan? Hehe, baka matumba ka lang --- " Sabi ni coach.

" Opo, sure ako. " Hindi na niya pinatuloy ang sasabihin ni coach. Naulat silang lahat sa sinabi ni Diane. Kaya yun sinali nalang nila si Diane, kila Archade siya pinakampi. Nag simula na ang laro at bola namin, ako ang may hawak ng bola at pagkapasa ko kay James ay nakuha kaagad ni Diane, tumakbo siya habang dinidribble at shinoot na niya, sobrang layo nang pinangshoot niya at.. wow! Shoot! Gulat na gulat silang lahat kay Diane, napanganga rin yung bunganga ng coach namin.

Bola na ulit namin, si Kendrix ang may hawak ng bola at pinasa niya ito saakin, hindi ko alam na nasa likod ko pala si Diane kaya nung pagkadribble ko ay nakuha niya 'to agad saakin, grabi ang bilis ng kamay niya tumakbo nanaman siya habang nag dridribble sa mas malayo at nakashoot nanaman siya. Buti ay timeout na kaya nag usap usap ulit kami mag kagrupo.

" Parang yung babae lang yung gumagalaw sakanila, hehe. " Sabi ni Mike. Tumawa lang rin kami. Nagsimula na ulit yung game, si Jon ang nag pasa at pinasa niya ito saakin, hindi inagaw ni Diane at nung mag shoshoot na ako may biglang pumasok sa pinto ng court.

__________________________________

Kenchie POV

Malapit na ang anniversary namin ni Zach sa July 12 na, excited na ako. Uwian na nun nang malaman ko na may practice si Zzach sa basketball kaya nag pasama ako kay Diane na manood sa kanila, pumayag naman siya pero ang sabi nya ay bibili lang daw siya ng fries, pumayag naman ako at hinintay ko lang siya sa garden ng school at nakaupo lang ako sa may bench, tumitingin tingin lang ako sa paligid nang biglang napaisip ako.

Mahal pa kaya ako ni Zach? Parang sila Ikaria at Diane nalang ang pinapansin niya, nandito lang naman ako? Bakit hindi niya ako mapansin pansin. Sa totoo lang, tingin ko kilala ko na ang nawawalang Mae.. hindi pa ako sure pero sa tingin ko si Diane si Mae.

___________________________________

Ikaria POV

Habang nag aayos ako sa locker ko ay may biglang humawak sa balikat ko, pagkalingon ko siya yung lalaking kumausap saakin.

" Pwede ba tayong mag usap? "

" Ano ba 'yon? Bilisan mo at may lakad pa ako. "

" Ako si Josh Paragas... ang kapatid mo. " I was really shock, parang biglang huminto ang mundo nung narinig ko yun, madaming tanong ang pumasok sa isipan ko.

Mema LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon