"Lin Choon Hee"

19 1 0
                                    


CHAPTER TWO

Lin Choon Hee:

Sakay sa isang bisikleta binaybay ni Chon Hee ang daan papunta sa malaking bahay para maghatid ng gatas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sakay sa isang bisikleta binaybay ni Chon Hee ang daan papunta sa malaking bahay para maghatid ng gatas.Isang preskong gatas na mula pa talaga sa inahing baka.Nakasanayan na itong gawin ni Chon Hee sa tuwing umaga ang maghatid ng preskong gatas mula sa inaalagaan nilang baka.

"Magandang umaga po yaya Emi."
bati nya sa isang matanda na nadaanan nya pag dating nya sa bungad ng gate sa malaking bahay.

"Magandang umaga rin sayo Eja,"
tugon naman ng matandang si yaya Emi.At nag tuloy-tuloy na sya sa looban.

Agad nyang pinarada ang kanyang bisikleta sa isang lilim ng punong halaman at binitbit ang isang galon ng gatas papunta sa isang nakahiwalay na maliit na bahay na hindi kalayuan sa isang napakalaking bahay. Pero kong iisipin malaki pa rin ito dahil may dalawang palapag din ito.

Here is the image:

"Magandang umaga po Sir Bum,"bati nya sa lalaking nakatayo malapit sa may pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Magandang umaga po Sir Bum,"
bati nya sa lalaking nakatayo malapit sa may pinto.

"Ito na po ang gatas nyo."
masayang wika nya dito sabay abot ng isang galon na gatas.

Tinanggap ito ng lalaki na nag ngangalang Bum.

"Salamat dito, talagang hindi makukumpleto ang umaga ko pag hindi ako makainom nito."
pahayag ng lalaking nasa late 40's na ang edad na si Bum.

"At hindi rin po ako magsasawang dalhan kayo dito araw-araw."
nakangiting wika naman ni Chon Hee.

"Napakasipag mo talagang bata ka swerte ang mga magulang mo sayo.Kung ako lang ay may asawa sana may anak din akong kasing ganda at kasin-bait mo."
puri nito sa kanya.

"Kaya nawiwili akong dalhan kayo ng gatas lagi kasi araw-araw nyo rin ako pinupuri eh."
anas ni Choon Hee.

"Sadya naman talaga, at totoo ang mga sinasabi ko."
turan naman ni Bum

"Sige po Sir Bum uuwi na po ako."
pagpapaalam ni Choon Hee kay Bum.

"Mag iingat ka."
bilin naman nito sa kanya.

"Salamat po!"
sagot naman nya habang umaangkas na sa bisekleta.

Halos araw-araw ito na ang ginagawa ni Choon Hee bago pumasok sa eskwela sa loob ng anim na taon. At ganoon na rin nya katagal na kilala si Sir Bum at Yaya Emi.

Sa edad na kinse ay kasalukuyang nag aaral sa High school sa kalapit na bayan si Choon Hee.

Lumaki sa payak na pamumuhay at hindi katulad ng iba nyang mga ka klase na mas angat sa buhay. Kahit ganoon pa man ay hindi ito hadlang sa kanyang pangarap na makatapos ng pag aaral.

Kung sa klase ay hindi rin naman sya pahuhuli.Kasama rin sya sa mga top pero hindi pa rin maiwasan na minsan ay mabubully sya sa kanilang school.

Hindi iyon dahil sa istado ng buhay nya kundi sa pagiging anak daw nya sa isang kriminal.

Nakulong ang ama nya noong maliit pa lamang sya. At wala na rin syang ina. Ang sabi sa kanya ay namatay daw ang kanyang ina ng ipinanganak sya nito.At ito rin ang dahilan kung bakit galit sa kanya ang sariling ama. Kaya kahit na gusto nya itong dalawin sa kulungan ay hindi nya magawa dahil na rin sa takot na baka kung saktan na naman sya nito ay lalo lang sya nitong kamuhian kong makita sya.

 CEO's LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon