"Maling Akala"

12 1 0
                                    


CHAPTER  FIVE

   Puno ng pagtataka si Choon Hee habang tinitingnang nagmamadali na umalis ang tiyuhin nya.

"Unnie!"
Ate!
sambit ni Choon Hee sa pinsan nya.

"Saan pupunta si Tiyo?bakit parang nagmamadali yon na umalis?"
tanong nya sa pinsan nyang si Yoon Hae.

"Sa Hacienda Kwon,dumating daw kasi yung anak ng mag asawang Kwon galing ibang bansa at nagpunta daw sa kwadra kaya ayon si Tatay kumaripas din ng takbo."
anas naman ng pinsan nya.

Napatingin sa kanya ang pinsan nya.

"Malamang nagbibinata na rin yon o talagang binata na rin yon ngayon."
patuloy nito habang pinagmamasdan si Choon Hae.

"Sana walang gulo na mangyayari."
halos pabulong na nitong sabi.

At hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Choon Hae.

"Gulo?Bakit naman magkakagulo?"
takang tanong niya dito.

"Ano kasi diba halos labin limang taon na rin na hindi sila umuwi dito at tanging si Atty. Min lang ang bumibisita dito para tingnan ang Hacienda baka lang kasi dito na sila manirahan, pag nangyari yon lagot tayo."
alalang turan ni Yoon Hae.

"Bakit naman tayo malalagot?
takang tanong ni Choon Hae.

"Ano ka ba ang panget kaya ng ugali ng Mrs Kwon na yon, balita ko noon may trabahador daw yan na pinahila sa kabayo dahil nahuli nilang nagpuslit ng inaning ilang kahon ng mansanas.At hindi lang yon may sinampal at kinaladkad daw yan na katulong noon dahil lang sa natapunan sya ng juice."
Kwento sa kanya ng pinsan nya.

"Kaya kung magkataon man na tama ang hinala ko, ayy talagang kalbaryo iyon sa mga nariritong sa Hacienda lang umaasa."
patuloy pa nito.



Hindi mawala sa isip ni Choon Hee ang kinukwento ng pinsan nya tungkol kay Mrs Kwon. Hindi pa man nya ito nakita ng personal ngunit minsan na nyang nakita ang larawan nito doon sa malaking bahay. Ang kwento sa kanya ni Yaya Emi ay mabait naman daw ang mag asawa kabaliktaran sa kwento ng kanyang pinsan. Pero hindi naman nya masalungat ang pinsan dahil baka tanungin sya nito kung bakit. Hindi naman nya pwedeng sabihin na mismong katiwala ng pamilya Kwon ang nagsabi sa kanya dahil baka magalit ito at isumbong sya sa mga kuya nya at malaman na lagi syang nagpupunta sa bahay ng mga Kwon.

Tulad ng mga kapatid nya lalo na si Dong Hae talagang negatibo rin ito magkwento patungkol kay Mrs Kwon kaya naman kahit ang pagpunta nito sa bahay ng Kwon ay pinagbabawal sa kanya.

Kaya kahit sa paglalakad pauwi sa kanilang tirahan ay lutang sya. Ni hindi man lang nya napansin na may kabayo na palang nakasunod sa kanya may ilang metro lang ang layo.

Kaya naman ganon na lang ang pagkagulat nya ng halos magkasabay na sila nitong binaybay ang kalsada.Na halos para bang lumipad ang kanyang ispiritu sa gulat na muntik pa nya sanang ikatumba nang mawalan sya ng balanse.

Agad nyang nasapo ang dibdib sa kaba at takot. At mas lalo pa nong makita nya kung sino ang nakasakay noon.

"Wahh!
gulat at takot na sigaw ni Choon Hee sabay takip sa mata gamit ang dalawang palad.

"Hindi, hindi totoo ang nakita ko guni-guni lang yon na malikmata lang ako hindi yon totoo..wala yon  wala.
ani Choon Hee na pilit pinapakalma ang sarili.

Nang unti-unti at dahan-dahan nyang inalis ang mga palad nya at iminulat ang mga mata nakita nya ang mga paa ng kabayo kaya naman muli nyang pinikit ang kanyang mga mata.

"Hindi ka totoo...hindi ka totoo, walang multo walang multo... walang multo..
muling turan ni Choon Hee sa sarili.

"Excuse me,hindi po ako multo.
narinig ni Choon Hee.

At narinig din nya ang pag kusmo ng kabayo. Kaya naman muli ay dahan dahan nyang inalis ang mga palad na nakatakip sa kanyang mata at dahan dahan nya rin minulat ang paningin.

At halos kapusin sya sa kanyang hininga dahil sa nakita nya.

"Mr. Kwon?"
Usal nya.

"YeS? "
Nakangiting tugon nito.

Kaya bago pa lumambot ang mga tuhod ni Choon Hee ay kumaripas na sya ng takbo.Yung pinakamabilis nya ng takbo dahil ilang sandali lang ay ang layo nya na.

Ang bilis nyang nakarating sa bahay nila at agad pumasok at nagsara ng pinto habang habol ang hininga sa sobrang hingal.

"Hindi ako nagkamali sa nakita ko si Mr Kwon yon, Sya talaga yon. Oo nga sya talaga yon.

["Mr Kwon?" usal nya.

" Yes?" nakangiti nitong sagot. ]

Naalala ni Choon Hee.

"Anni..anni
Hindi..hindi
sabi nya sa sarili nya.

" Totoo ang nakita ko si Mr Kwon yon nakita ko, pero bakit nakikita ko sya diba patay na sya?  tanong nya sa sarili.

"Bakit nakikita ko ang taong patay na, at nakasakay pa sya ng kabayo ah. patuloy pa nya.

"Sandali,
anas nya na pilit na may inaalala.

"Masyado naman syang bata kumpara sa litrato nyang nakadisplay doon sa bahay nila.

"Ommo
Natutop nya ang sariling bibig nang naisip nyang baka hindi nga multo ang nakita nya na totoo yun at yun ang anak ng yumaong si Mr. kwon ang anak nitong kakarating lang galing  US.

["Sa Hacienda  Kwon, dumating daw kasi yung anak ng mag-asawang Kwon at nagpunta sa kwadra kaya ayon si Tatay kumaripas din ng takbo."Malamang nagbibinata na rin yon o baka nga binata na rin yon ngayon. "]

Naalala nyang sinabi ng pinsan nya.

Hindi sya mapakali.Sinundan pala sya nito at ngayon ay nasa labas na ng bahay nila,.Anong mukhang ihaharap nya dito kung kanina lang ay tinakbuhan nya ito sa pag aakalang isa itong multo. Ngayon pa nga lang pakiramdam nya umiinit na ang magkabilang pisngi nya.Paano pa kaya kung haharapin nya ito.

Mula sa maliit na awang ng bintana sinilip nya kung nasa labas pa ba ito.At sa nakikita nya ay wala itong balak na umalis pa dahil humiga ito sa higaang kahoy sa labas ng bakod nila.

"Anong gagawin ko?"
tanong ni Choon Hee sa sarili habang kinakagat ang kuko sa daliri dahil sa matinding frustration.

"Bakit ba kasi tumakbo ako kaagad kanina?"
sisi ni Choon Hee sa sarili.

"Ano na ngayon ang gagawin ko?



 CEO's LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon