CHAPTER - 8
Magkasalo sa hapunan ang mag ina kasama ang bisita nitong si Atty. Min at ang anak na dalagang si Ella. Habang abala ang lahat sa pagkain ito naman si Ella ay panay ang tingin sa gawi ni Jun Hyun na tila ba nais nitong tingnan ang binata sa bawat sandali.Ngunit kung mapapasulyap naman dito ang binata ay agad syang umiiwas ng tingin.
This is the first time that they meet, na talaga naman na hindi nya akalain na magiging abnormalnal agad ang tibok ng puso nya sa tuwing tumitingin ito sa kanya.Talagang nahulog sya sa kagwapuhan ng binata.
Magalang na nagpaalam si Jun Hyun sa ina nang matapos na itong kumain at tumayo.Ngunit hindi pa ito tuluyang nakalayo ay sumunod na nagpaalam rin si Ella."Busog na rin po ako, excuse me."ani Ella na patakbong humabol kay Jun Hyun. Napasunod na lang ng tingin ang ama sa dalaga,habang si Madam Kwon naman ay lihim na napangiti dahil sa nangyari."Ella is such a nice girl."komento nito na ikinatingi naman ng abogado. Its a compliment being a father of Ella who is a nice girl according to Mrs Kwon.
Maliwanag ang paligid ng hacienda dahil na rin sa sinag ng buwan mula sa kalangitan. Sa isang harden na nasa loob lang din ng bakuran ng hacienda na kung saan natanaw ni Mr. Bum ang binatang si Jun Hyun na nakatingala sa kalangitan.
"Ang ganda."mahinang sambit ni Jun Hyun habang nakangiti sa kalangitan."Tama ka."pagsang ayon ng isang boses mula sa likuran nya.Si Mr. Bum na nakatingala rin pala sa buwan.Muling tinuon nya ang kanyang paningin sa buwan.
"Tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw ng mga munting naninirahan sa paanan ng bundok.Na kahit gaano pa ito kalayo ay abot ng kanyang liwanag.Kaya ganoon na lang ang pagsamba ng mga ito sa kanya."pahayag ni Mr.Bum
"Tama ka at wala syang katulad."
"Ang ganda talaga ni Choon Hee."nakangiting usal ni Jun Hyun na ikinaamang ng matanda."Teka,Choon Hee si Choon Hee?!"hindi makapaniwalang tanong nito."Ye,ani nito na tinapik lang sa balikat ang matanda."Sige Mr Bum papasok na ako."paalam nito.
"Saan ba talaga sya nagandahan kay Choon Hee o sa buwan?Kailan at paano sila nagkakilala?"
Palabas na ng harden si Jun Hyun nang masalubong nya si Ella."Ikaw pala,"bati ng binata dito."Oo,papasok ka na ba?"ani Ella. "Ang ganda ng buwan hindi ba,"muling wika ni Ella sabay turo sa buwan.Tumingala naman ang binata at tumingin kung saan nakatuon ang hintuturo ng dalaga. "Tama ka."sang ayon nito.
Tila Dinuyan naman sa tuwa,ganon ang pakiramdam ni Ella habang malaya nyang napagmasdan ang kabuo-ang hitsura ng binata habang nakatuon ito sa buwan."Mas maganda pa sa buwan ang nakikita ko ngayon."pabulong na usal ni Ella.
"Dito ko lang nakita ang pinakamagandang buwan."turan ng binata na noon ay nakatitig na pala sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya sa hindi malaman na kadahilanan."Dito?Pero isa lang ang buwan sa mundo paano mo nasabi na dito mo lang nakita ang pinakamagandang buwan?"tanong ni Ella na gustong linawin ang ibig nitong sabihin dahil kung hindi sya nagkakamali ay hindi buwan ang tinutukoy nito.Ngunit ngumiti lang ang binata sa kanya."Masyado ng malamig ang paligid,hindi ka pa ba papasok?"bagkus ay iyon ang narinig nyang sambit nito. "Ah Ye malamig na nga sige pasok na tayo."dismayadong turan ni Ella.Hinayaan nyang mauna ang binata ng sa ganon ay hindi nito mapansin na dis-gusto nyang pumasok. Ang nais sana nya ay makasama pa ito ng mas matagal pa.
Malayo pa lamang si Choon Hee ay tanaw na nya si Mr. Bum mula sa Quarter. Bago nya ito tawagin ay tumingin muna sya sa kanan at kaliwa sinisiguro nya na wala roon ang iniiwasan nyang makita. Matapos kasi ang nangyari kahapon ay nahihiya syang muli itong makita.
BINABASA MO ANG
CEO's LOVER
Roman d'amourAnong kayang gawin ng isang taong umi-ibig? You can't choose if who,when and where you fall in love.But Kwon Jun Hyun fall in love to the girl that he cannot fall for. Lahat gagawin nya para sa babaing bumuhay ng pagkalalaki nya at bumihag sa puso...