"Ang Pagtatagpo"

11 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN

May isang magarang sasakyan ang dumating sa Hacienda Kwon,BMW 320 color white.At ang lulan nito ay si Ianah Kwon at si Jun Hyun agad ang hinanap nito nang hindi ito sinalubong sa kanya.

"Si Jun Hyun?
tanong nito sa kasambahay na sinalubong.

"Maaga po syang umalis, ang pagkakaalam ko po ay dadalawin po yata nya ang puntod ng namayapang nyang ama.
sagot ng isang katulong.

"Sinong kasama nya?"
tanong nitong muli.

"Sya lang po.

"Maam Ianah,maligayang pagdating!
bati ng may kaedaran ng babae.

"Yaya Emi kamusta?"
masayang usal ni Mrs Kwon sa matanda.

"Napaaga ang pagdating nyo,akala ko ay mamayang gabi pa ang dating nyo.
anas ni yaya Emi habang ginigiya ang amo sa loob ng bahay. Habang ang isang katulong naman ay kinuha ang mga gamit nito sa loob ng sasakyan.

"Hello yaya Emi!
bati naman ng isang pamilyar na boses kay yaya Emi.At nang lingunin nya ito hindi nga sya nagkamali si Ella ito.

"Ella!
nasurprisang turan ni yaya Emi.Hindi nya inaasahan na kasama pala ito ni Mrs Kwon na dumating.

"Mabuti at nakapagbakasyon ka ulit dito sa Hacienda,.
sabi ng matanda dito.

"Bakasyon po kasi sa School,At sabi ni Teta nandito daw po ang anak nya kaya naisip kong e-meet sya ng personal.
masayang anas ni Ella.

"Yes I brought her here para na rin magkakilala sila ni Jun.
ani naman ni Mrs Kwon.

By the way medyo napagod ako sa byahe at gusto ko munang magpahinga sandali,yaya Emi ikaw muna ang bahala sa lahat pati na dito kay Ella.
patuloy pa ni Mrs Kwon.

"Dont worry about me teta Ianah,hindi naman po ako bago dito sa Hacienda.Medyo kabisado ko na rin itong bahay nyo.
ani Ella.

Hindi ito ang unang beses na nagbakasyon si Ella dito sa Hacienda Kwon,halos pang apat na beses na rin nya ito roon kaya tulad ng sinabi nya halos nakabisado na rin nya ang malaking bahay ng pamilya.

Pero ito ang unang beses na nakaramdam sya ng excitement nang niyaya sya ni Mrs Kwon na sumama dito na magbakasyon sa Hacienda at para rin daw makilala nya ang nag iisa nitong anak.

Marami na syang naririnig na kwento tungkol dito pero hindi pa nya ito na meet ng personal.Kung mangyari man ito ang unang pagkakataon na makaharap ito.Inaamin nya na ang excitement na nadarama ay may halo ring kaba.Kahit na may kunti syang alam tungkol dito ay hindi pa rin maalis sa isip nya kabahan lalo na kung may nararamdaman syang paghanga dito kahit na sa mga pictures nya lang ito nakikita.

Kaya gustuhin man nyang magpahinga muna ay hindi nya magawa.Kaya minabuti na lamang nyang tumulong sa kusina sa paghahanda ng tanghalian.

Samantala abala naman si Choon Hee sa pamimitas ng bulaklak ng Lily para gamitin sa pag gawa ng tsaa.Nang makarinig sya ng isang boses na sumisingaw at humihingi ng tulong.
Hinanap nya kung saan nagmula ang sigaw. At napag alaman nyang nanggagaling ito sa isang bangin hindi kalayuan sa kinaroroonan nya.

"Tulong! may tao bang nakakarinig sya akin tulungan nyo ako..!

Tumambad sa kanya ang isang pamilyar na mukha na nasa loob ng butas.Natutop nya ang sariling bibig nang makilala nya kung sino ito.

"Anong ginagawa mo dyan?"
pag-alala nyang tanong dito.

"Paano ka napunta dyan?
muli nyang tanong.

Parang hindi rin ito makapaniwala na sya ang nakita nito.

Inabot nya ang kamay nito at buong lakas itong hinila pataas sa butas.
At unti-unti naman itong nakaahon mula sa doon.

At dahil sa halos buong lakas nya na ang ginamit sa paghila dito ay bumagsak ang puwitan nya sa lupa at nakasama nya itong gumulong papunta sa tubigan.

At sa pagkakataon na ito ay hindi nya na hawak ang kamay nito.nakapulupot na ang mga braso nito sa katawan nya.Sa basa nyang katawan.At sa una ring pagkakataon na nagtama ang tingin nila ng malapitan na halos isang pulgada na lang ang pagitan.Ganon kalapit na halos ramdam ng bawat isa ang paghabo nila ng hininga.

Bumaba ang tingin nito at saka mabilis na tumalikod.Doon lang din nya narealize na nabasa pala sya maging ang suot nya at kitang kita ang pang ilalim nyang kasuotan.Agad naman nyang tinakpan ang kanyang dibdib gamit ang sariling mga braso. Nagmadali syang umahon sa tubig at pinulot ang basket na may laman na mga bulaklak ng lily at tumakbo palayo.

"Sandali!
sigaw nito sa kanya pero hindi na nya ito pinansin pa at patuloy lang sya sa pagtakbo.

"Ano ka ba naman Choon Hee nakakahiya ka!
anang isip nya habang tumatakbo.

Nag alala naman na sumalubong si Sir Bum kay Jun Hyun nang dumating itong basa ang suot at madumi pa.

"Young Master anong nangyari sa inyo?"

"Wala ito gumulong lang kami at nahulog sa pond.
nakangiting paliwanag ni Jun Hyun dito.

"Gumulong?aba at nakuha mo pa talagang ngumiti matapos ang nangyari sa inyo?
hindi makapaniwalang turan ni Sir Bum dito.

"Bihira lang kasi ang ganong pangyayari Mr Bum.
nakangiti ulit nitong sagot.At may pasipol-sipol pa ito habang papasok sa kabahayan.

'Ok lang kung naligo sya at kasama ang kabayo nya, ang kaso gumulong daw sila at nahulog sa lawa. Talagang kakaiba yon dahil ikinatuwa pa nya ang pangyayaring yon.
bulong ni Sir Bum sa sarili.

"Siguro ok lang sya mukha namang wala syang sugat at pilay.Maayos naman syang nakapaglakad.
Mr Bum continue in murmuring.

Matapos maligo at nagbihis ay bumaba na si JunHyun,ipanaalam kasi ng isa sa mga katulong nila na dumating daw ang mama nya kanina lang pagaalis nya at kasalukuyan itong nasa silid ngayon nagpapahinga.

Pagkababa ay dumiritso sya sa kusina para kumuha ng maiinum.Imbes na mag utos ay minabuti na nyang sya mismo ang kukuha.

Nadatnan nya si Yaya Emi abala ito sa paghahanda ng dinning.At ang sumilay sa gilid ng mata nya ang babaing kasama ng isa pang taga silbi na abala rin sa pagbabake.

Pamilyar sa kanya ang hitsura nito. May maputi at makinis na balat,mahahaba ang buhok,singkit ang mga mata at may maamong mukha.At sa tingin nya halos magkaedaran lang sila nito.

Agad syang nagtungo sa direksyon kung nasaan ang ref at kumuha ng tubig. Si yaya Emi ang unang nakapansin ng presensya nya.

"Young Master nakabalik ka na pala, kamusta ang pagbisita mo sa puntod ng iyong ama.
tanong ng matanda sa kanya.

Uminom muna sya ng ilang lagok bago marahang inangat ang botled water bilang tugon sa tanong nito. At nang lingunin nya ang kinaroroonan ng magandang babae ay nakatingin na rin pala ito sa kanya.

Ngumiti ito sa kanya.

"Hi!
bati nito sa kanya.

Lumapit ito at inilahad ang kanang kamay sa harapan nya. Ganoon kabilis nitong nahubad ang gloves sa kamay.

"I'm Micaella Min,nice to meet you.
nakangiti nitong pagkilala sa kanya.

"Hi! I'm Jun Hyun, its nice to meet you too Micaella.
pagkilala naman nya dito sabay shake hands dito.

Kung gaano ka amo ang mukha nito ganon din kalambot ng palad nito.

"Thanks I've meet you now,you look so handsome in person.
anas nito na syang dahilan kaya agad nyang nabitawan ang kamay nito.Kanya itong tinitigan ng mabuti at,..

"Ella? Ella Min right?
paniniguro nya ng makilala na ito.

"Yes its me."








 CEO's LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon